抖阴社区

                                    

Aissh, daming satsat hindi nalang magaway kung magaaway.

“Sugod na! Dami nyong satsat eh, laban na! Para makaalis na din ako, babagal tss."

Nakakairita talaga sila. Napaayos ng tayo 'yung mga Class Z parang nagkaroon sila ng hudyat para sumugod. Maging sina Zero ay ganon din. So, talagang makikipagaway sila?

Well, bahala sila. Hindi ko na kasalanan kapag natalo sila.

Nginisian naman ako ni Rin, dinala nya ako sa may likuran, akala ko kung anong gagawin nya pero dito lang pala kami tatambay. Nakatayo lang kami dito.

“Magkakaalaman na kung sinong mas malakas---."

“Corny naman nyan, ano kayo Grade School?” pagputol ko sa sinasabi nya. Pinandilatan nya naman ako, sabi ko nga mananahimik nalang.

“Laban na!" Sigaw ni Rin na syang naging hudyat para magsugudan 'yung kasama nya. Nagsimula na silang magkagulo, nagsusuntukan na sila. Sina Corine, Mindy, Olyvia at Nadya naiwan dun sa gilid, paminsan minsan ay tumitili sila. Nakikihampas din sila don sa kalaban.

Kung tutuusin dehado talaga 'tong sina Rin and friends, sampu lang sila samantalang trese naman ang Class Z.

“AYYYY, OMG!” sigaw ni Mindy.

Lumipad si Wavin. Anlaki nung kalaban nya! Susmaryosep naman kasi 'tong si Wavin, siya pa ata unang manaknockout na naman. Pumipili kasi ng kalaban 'yung malaki pa, tch.

Buti nalang tinulungan ni Zero. Hayy, nakahinga ako ng maluwag. Akala ko matotodas na si Wavin, duguan na ang mukha.

'Yung ibang Class Z din mukhang dehado sila. Anlalaki ng katawan nung mga kalaban. Hindi pala sa dami 'yun, dehado parin ang Class Z dahil malalakas ang kabilang grupo.

“BWAHAHAHAHAHAHAHAHH, 'yan ganyan nga." Pangkontra bidang tawa ni Rin. Napangiwi naman ako at saka siya hinarap, tinanggal ko din 'yung pagkakaakbay nya sa'kin.

“Ano bang napapala nyo sa pakikipagaway sa Class Z?”

Napatingin sa'kin si Rin, mukhang natutuwa pa sya sa tanong ko.

“Kapangyarihan." Mayabang nyang sagot.

Kapangyarihan? Anong ibig nyang sabihin sa kapangyarihan?

“Kapag natalo namin ang Class Z, kikilalanin kaming pangalawa sa pinakamagaling. Kapag nangyari 'yon, Class A nalang ang kailangan naming talunin.”

Ahh.. Napatango tango ako. Parang naguguluhan siya sa reaction ko. Pilit nya akong iniintindi pero sorry siya mahirap akong intindihin.

“Bakit gusto nyong maging makapangyarihan? Para hangaan kayo, para katakutan-----.”

“Para magawa namin ang gusto naming gawin. Para mabigyan namin ng proteksyon ang mga taong mahalaga sa'min."

Napatango ulit ako. Rinig ko pa ang ingay sa likod galing sa mga naglalaban.

“Hindi ba pwedeng magligtas kayo ng walang sinasaktan na iba?"

Masyado nilang pinapahirapan ang mga sarili nila.

“You don't get it, do you? Iba parin 'yung ikaw ang pinakamalakas, you can manipulate people who's lower than you. You can command them. Kapag nalaman nilang natalo namin ang Class Z, tataas ang respeto nila sa'min. Walang makakagalaw sa kahit sinong nasa loob ng Section namin."

Napasinghal ako sa sinabi nya. “Alam niyo lalo nyo lang nilalagay sa panganib ang mga buhay nyo. Katulad nalang ngayon, ni hindi namin kayo pinapakealaman pero bigla kayong nanugod. Edi mas lalong dadami ang kaaway nyo? Imbes na wala kayong kaaway magkakaroon!"

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon