“Bakit ko ba inexplain sa'yo? Diba ikaw 'yung babaeng laging binubully? Ikaw 'yon diba?" Nginisian nya pa ako nang sabihin 'yon. Gusto ko tuloy burahin 'yung ngiti sa labi nya.
“Ako nga, oh tapos? ”mataray kong sagot.
“BACK UP! BACK UP! Si Peter, bagsak na!”
Napalingon naman ako dun. Wala na ngang malay si Peter. Duguan na din sya, anlaki din kasi nung kaaway. Agad namang sumaklolo si Gray at Archer.
Hindi ko maiwasang hindi magalala. Dehado sila. Kahit naman masama ang loob ko sa kanila, ayaw ko silang mamatay. George, patay agad? Anlalaki kasi nung kalaban eh. Aissh, bubu kasi 'tong Class Z na 'to, susugod sugod hindi naman pala nakapagpraktis.
“Naaawa ka na ba sa kanila? Gusto mong patigilin ko na sila? Pero kapag ginawa ko 'yun…” binitin nya 'yung sinasabi nya. Kapag ginawa nya 'yon ano?
“Ano?!" Inis kong sigaw sa kanya.
“Kapag ginawa ko 'yun, that means Class Z lose.”
Talo?
Wala namang kaso sa'kin 'yun. Kung matalo man o hindi. Tiningnan ko uli ang Class Z, hindi talaga sila sumusuko. Kahit na alam nilang hindi nila kaya 'yung kalaban, sige parin. Maski sina Corine ay nakikilaban na din.
Humarap uli ako kay Rin.
“Kaya nila 'yan. Matatalo nila kayo." Buo ang boses kong sabi. Medyo malakas ang pagkakasabi ko nun. Narinig ko nalang ang pagtigil nila sa pakikipagaway.
“Anong sabi mo?!" Sigaw nung isang lalaki na sure akong kagroup ni Rin.
Tinitigan ko lang naman si Rin, habang siya ay ganon din. Bahagyang ngumisi siya sa'kin. 'Yung mata nya halatang asar sya.
“Huwag kayong titigil hangga't hindi lumpo ang mga 'yan!" Sigaw nya.
Kahit na kinakabahan ay nginisian ko din siya bago ako humarap sa kanila. Hindi parin nakilos ang Class Z, para silang naestatwa sa kinatatayuan nila. Nakatingin sila sa'kin, nakakailang. This time iba 'yung tingin nila. Pinasadahan ko sila isa isa ng tingin bago tumigil kay Zero. May dugo dugo na ang mga mukha nila.
Huminga muna ako ng malalim bago nagnod kay Zero. Hindi ko alam kung nagets nya pero I was trying to say to him na Kaya nila 'yon. Na naniniwala ako sa kanila.
Hindi ko alam kung namamalikmata ako pero nakita ko ang pasimpleng pagngiti nya. Mabilis lang 'yon kaya hindi ko sure kung namamalikmata lang ba ako o ano. Napasapo nalang ako sa noo ko.
“We're Class Z, we won't lose." Biglang sabi ni Zero.
Hindi nga sila sumusuko, so sino ako para sabihan silang sumuko? Sino ako para magpasya para sa kanila? Mukha rin namang may ipinaglalaban sila.
Para may kung anong sumanib naman sa mga Class Z, sabay sabay silang sumigaw. Mukha silang masaya kahit na sugatan na sila't puro galos.
“OO! HINDI TAYO MATATALOO!"
“Hindi tayo dapat matalo, sinusupport tayo ni George!” sigaw nung isa. Medyo napangiti naman ako ng bahagya sa sinabi nya.
Nagsimula na uli silang maglaban. Pero this time, mas ganado na sa pakikipaglaban ang Class Z. Ewan ko nga e, walang katao tao padin dito. Kahit public, wala talagang nakakapansin na may gulo na dito.
“Let George go, ako ang kalabanin mo.”
Napatingin ako sa lalaking biglang nagsalita. May galos na sya sa mukha, medyo putok na din ang bandang labi nya at gulo gulo na ang buhok pero matatag na nakatayo parin siya.
“Matatalo ka lang." Mayabang na sagot ni Rin. Ngumisi pa siya kay Kin.
Naguguluhan ako sa nangyayari, I have this gut feeling na kakaiba. Parang may something pero hindi ko alam kung ano. May iba sa aura nilang dalawa, it's like dati pa silang magkakilala. May hawig din silang dalawa.. Wait?
Magkapatid kaya sila?!
“Huwag kang magyabang. Atleast ako lumalaban ng patas, ikaw hindi.” ramdam ko ang galit ni Kin, nakakuyon din ang kamao nya. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Naiwan pa ako dito sa gitna nilang dalawa.
“Life is unfair kaya huwag kang magtaka kung bakit ganon ako lumaban. Sumasabay lang ako sa agos ng buhay." Ngumisi pa si Rin. Galit din siya. Alam kong may pinanggagalingan din ang galit nya.
“Ang mabuti pa labanan mo nalang ako.” Kinwelyuhan nya pa talaga si Rin, gigil na gigil siya.
Gusto kong sitahin si Kin sa mga pinagsasasabi nya. Bugbog sarado na nga sya maghahanap pa ng kaaway. Hindi ko sya magets.
“Lakas ng loob mong manghamon ng away, kahit kelan naman hindi ka nanalo sa'kin eh. Pfft, ano pakiramdam mo malakas ka na?” nagpakawala ng halakhak si Rin. Nangiinsulto ang tawa nya.
“Hindi mo nga naligtas 'yung babaeng 'yun eh! Hindi mo pa naligtas ang mama mo! Alam mo kung bakit? Kasi duwag ka! Sarili mo lang ang iniisip mo kaya siya namatay.”
Namatay? Wala na din pala ang mama ni Kin?
Naiinis ako sa pinagsasasabi ni Rin. Hindi nya dapat sinasabi 'yun kay Kin lalo na kung hindi nya alam ang pakiramdam na mawalan ng ina. Hindi nya alam kung gaano kasakit.
“Ano, hindi ka makapagsalita? Pfft. Kalalaki mong tao, duwag! Buhay pa sana siya ngayon kung hindi lang dahil sa'yo. Tanga ka kasi, duwag ka!”
Hindi parin nagsalita si Kin. Pinapakinggan nya lang lahat ng sinasabi ni Rin. Lahat ng ibinabatong salita, tinatanggap nya ng buo. Nakayuko lang siya. Naaawa ako sa kanya.
Hindi ko alam ang buong kwento pero hindi dapat nya isinusumbat kay Kin nang gan'to. Hindi tama.
“Sana ikaw nalang ang namatay.”
Napapikit ako para pigilan ang inis ko. Pero hindi ko na keri!
Tuloy tuloy na tumama ang kamao ko sa mukha ni Rin. Napahandusay sya sa sahig dahil don. Hindi makapaniwalang hawak hawak nya ang panga nya.
“George..”
Alam kong nagulat si Kin sa ginawa ko. Hindi naman kasi dapat ako ang makisali dahil hindi ko alam ang totoong nangyari. Pero hindi na tama eh. Hindi na tama ang sinasabi nya. Tao parin naman si Kin kahit may dugong impakto sya. Hindi nya dapat binitawan ang mga salitang 'yon. Diyos lang ang pwedeng magpasya.
“You must be happy, may tagapagligtas ka.”sarkastikong ani Rin bago tumayo.
“You must be sad, you don't have one.” sagot naman ni Kin na ikinalaki ng mata ko.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 51
Magsimula sa umpisa