“Bakit kayo nagpapaapekto sa sinasabi nila?”
Natahimik ang lahat nang magsalita uli si Lolo M.
Actually tama si Lolo. Bakit nga naman sila nagpapaapekto sa kanila? Kung tutuusin nga hindi naman talaga importante 'yung mga ganon eh. Hindi ko lang alam kung ba't sobrang affected sila.
“Ano naman kung akalain nilang talo kayo? Na duwag kayo? Hindi pa 'to ang totoong laban. Malayong malayo pa kayo sa totoong laban. Hindi nyo kelangang seryosohin ang mga gan'tong bagay. Hangga't kaya nyong iwasan, umiwas kayo.”
“Hanggang kelan kami iiwas, Lolo? Paano kung ayaw kaming tigilan? Magpapaapi nalang ba kami? Paano kung binubugbog ang iba sa'min, hahayaan nalang ba namin?” may pinanggalingang tanong ni Donald. Yeps, may donald kaming kaklase. Hindi ko alam kung anong pinanggagalingan nya pero parang feel na feel nya 'yung tanong.
“Tsaka Lolo, sa tinagal tagal na naming magkakasama sa laban ngayon pa ba kami iiwas?”
Nagiba 'yung itsura ni Lolo M, napaisip siya sa tanong ni Donald. May paside comments pa ibang Class Z.
“Kapag ganon parin ang nangyari, tawagan nyo 'ko.” seryosong ani Lolo M. “I'm only one call away." Dagdag pa nya.
Naks naman! Napapakanta tuloy ako ng One Call Away, shala si Lolo may paganon. Nabuhay tuloy ng loob ang Class Z, biglang nagingay. Parang mga batang tuwang tuwa palibhasa nakahanap ng resbak, tch.
May kung ano ano pa silang pinagusapan. Hindi ako sumasabat. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Isa pa'y hindi na naman ako dapat makisama sa kanila. Paalis na ko, remember? So what's the point? Masasabihan lang akong pakialamera.
“Alam nyo na ba?" Biglang singit ni Spade sa usapan nila.
Anong alam na? Nagigising bigla ang marites instinct ko.
“Alam nyo na ba na aalis na si Astair?”
Napangiwi ako sa tanong ni Spade. Ba't nadamay ako? Ang dami namang itatopic ako pa talaga! Myghad! Nagtinginan tuloy ang mga Egg Warriors sa'kin, sheez!
“Aling tungkol sa kanya? Pake naman namin sa kanya?”
Gets ko na nga eh, kelangan pang sabihin na wala silang pake sa'kin? Nakakainis na talaga 'tong si Corine.
Napatikhim naman si Lolo M kaya mukhang natauhan si Corine. Ganyan naman talaga siya dati pa! Palaging bully psh.
“May gusto ba kayong sabihin sa kanya?”
“Wala naman! Mabuti nga aalis na sya eh------.”
“'Yung matino sana.” pagputol ni Lolo M sa sasabihin ni Olyvia.
Nagtahimikan ulit sila. Actually hindi ko naman kelangang marinig ang sasabihin nila. Okay na akong aalis ngayon kahit na hindi ko alam ang sasabihin nila. Oks lang sa'kin. Kahit naman may sama ng loob ako sa kanila, hindi naman ako 'yung tipo na bigla biglang nagpapasabog ng bahay. 'Di rin naman kami rich.
“Wala naman kaming sasabihin, lolo." Sagot ni Jacob.
“Me too, nasabi ko na kanina. Ayoko nang irepeat pa.” maarteng wika ni Mindy.
“Ako meron!”
Napatingin ako kay Tim na may pagtaas pa ng kamay. Talagang tumayo parin sya.
“i just wanted to say sorry.”
Ilang beses mo nang nasabi 'yan eh!
Kapag pinapaulit ulit, hindi na genuine pakinggan paulit ulit nalang-----.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 52
Magsimula sa umpisa