“Atleast nakatulog ako diba?”
Gusto ko na talagang ibsan ang puyat, ang antok na nararamdaman ko.
“SAMIN KA NALANG! NAMIMISS KA NA DIN NI SHIN EH!"
Napangiti ako nang mabanggit si Shin. Hindi ko na nga nakikita 'yung cute na bata na 'yon. Ano na kayang itsura nya? Palagi kasi akong nakakulong sa kwarto eh.
“Tanginamo, ginawa mo pang rason 'yung bata!”
“TOTOO ANG SINASABI KO, GAGU!"
Nagbabangayan na naman sila.
“Kamusta si Shin?” ibinilot ko pa ang plastik para madaling madala. “Sige, don muna ako sa inyo. Tutal wala pa naman si Kuya.”
Magkapitbahay naman kami. Tsaka friends ko naman 'tong si Wavin. Wala naman sigurong masama.
“SIGE. AKINA 'YAN." Inagaw nya sa'kin 'yung plastik na dala ko at sya na ang nagbitbit. Pinabayaan ko nalang tutal advantage 'yun sa'kin.
“WALANGHIYA KAA, WAVIN!INUNAHAN MO 'KO!"
Aray, sakit sa ears. Problema neto ni Tim? Bigla nalang sumisigaw, parang tanga.
“NA ANU?"
“AKO DAPAT ANG MAGDADALA NYAN, BIDA BIDA KA!” hinigit pa talaga 'yung plastik kay Wavin.
Susko, 'yun lang pala. Napakasisipag naman nila't gustong may dala.
“WALA AKONG PAKE, KASALANAN KO BANG MABAGAL KA?” inemphasize nya pa 'yung mabagal.
“Hindi ako mabagal, bida bida kalang! Nauna naman kaming maging friends ni George."
Luh, parang bata si Tim. Isinukbit pa talaga braso nya sa braso ko.
“Wala naman 'yun sa ganon ah! Tch. Friends din naman kami ni George.” ganon din ang ginawa ni Wavin.
Pinaggigitnaan nila akong dalawa. Susko. Kalalaki Nilang tao para silang babae magaway!
“Tara na nga, huwag mong pansinin si Wavin."
“Heh! Si Tim ang huwag mong pansinin!"
“Gaya gaya ka!"
“Mas gaya gaya ka!”
Away na naman. Nakakabingi na sila. Dapat pala iniwan ko nalang sila dun sa Classroom. Tuloy parin ang pagaaway nilang dalawa. Hayy.
“Kapag hindi kayo tumigil, pareho ko kayong hindi papansinin!”
Ayon, nagshut up din.
Pabulong bulong pa sila pareho. Parang mga bata. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga chismosang estudyante ng Noblesse High. Ang harot harot ko na naman sa paningin nila. Well, whatever.
“Tara, magisaw!"
Sakto may tinda na ditong isaw sa labas ng gate. Usually kasi pahapon pa sya nagtitinda. Tagal ko ding hindi nakakain ng streetfoods kasi nga hindi ako pumapasok.
“Let's go, your treat?" Tanong sa'kin ni Tim na ikinasimangot ko. Ako na naman ang manlilibre? Oo, sabi ko ay ililibre ko si Tim pero huwag muna ngayon. Puyat pa ako, wala pa ako sa katinuan.
“Kayo naman manlibre!" Giit ko.
“Huwag nalang tayong kumain."
Oh, tamo. Ang kuripot ni Tim! Tsk. Pinanlakihan ko siya ng mata.
“Grabe ka, George. Pati kaluluwa ko hinuhusgahan mo na. Sige na nga, my treat!"
Yown! Napangiti ako sa sinabi nya. Ganon din si Wavin. Ang yayaman kaya nila tapos ang kuripot. Isusumpa ko talaga sila kapag hindi sila pumayag.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 61
Magsimula sa umpisa