“Pfft. Panget mo dyan.”
Tss. Titino talaga.
Napailing nalang ako. Hinanap ng mata ko si kuya pero ayon pala. Kausap na naman ni Gray. Napapadalas na ata ang paguusap nilang dalawa. Siguro magjowa sila? Aissshh, pero hindi naman bakla si kuya eh. Panot lang sya pero hindi sya bakla. Si Gray pa, bakla 'yon.
“May exam ulit bukas, don't be late.”
Kinakausap ako ni Archer? Himala ata 'yon. 'Yun na ang pinakamahabang nasabi nya.
Tumango nalang ako sa kanya. Napabaling ako kay Zero after non. Nakaupo parin sya habang nakadekwatro. Hindi sya sa'min nakatingin kaya tumikhim ako para kunin 'yung atensyon nya. Kaso ang walanghiya hindi ako marinig, may nakasalpak palang headset. Saan galing 'yun?
“Zero."
Malakas ba talaga ang music kaya hindi ako marinig o ayaw nya lang talaga akong sagutin? Napabuntong hininga ako. Pahirap naman 'to sa buhay, aalis na nga ako eh.
Sinenyasan ko si Archer na tawagin si Zero kaso nagkibit balikat lang sa'kin. Jusko.
Wala akong choice.
Lumapit ako kay Zero at sya tinapik sa balikat. Dun nya lang ako tiningnan.
“What?" Kunot noong tanong nya. Tinanggal nya pa talaga 'yung headset nya. Napalunok ako bigla. Ba't ang cool nya? Tanginuh, lason talaga 'tong si Zero. Impakto naman.
“'Yung damit mo----.”
“Keep it. Sayo na 'yan."
Huh? Sa akin na? Eh mukhang bago pa 'tong mga 'to eh! Luh.
“Hindi, ibabalik ko nalang sayo pagkalaba ko."
Hindi ako pinakinggan nung impakto. Nagheadset na ulit sya. May sarili na namang mundo.
Hindi ko alam kung ikekeep ko o ibabalik sa kanya. Pero sabi nya ikeep daw, edi ikeep! Madali akong kausap.
“Bunso."
“Oo, andyan na!"
Andon na si kuya dala dala na 'yung plastik kung saan nakalagay 'yung bag ko. Kasama nya si Gray don. Kumaway muna ako kayna Wavin bago tumakbo papalapit kayna Kuya.
“Paano 'yang damit mo?”
Napakamot ako sa ulo. “Ikeep ko na daw eh.”
Kumunot 'yung noo nila pareho ni Gray. Parang may kung anong hindi sila nagustuhan sa sinabi ko. “Ibalik mo!"
Ibalik ko?
“Ngayon? Gusto mo 'kong maghubad dito kuya?”
Minsan talaga hindi ko alam kung gumagana pa ba ang utak ni kuya o ano. Tsktsk.
“Hindi. Isauli mo pagkalaba nyan.”
“Okay." Sabi ko nalang. Hahaba pa ang usapan kapag sumalungat ako sa kanya.
Nagsimula na akong maglakad pero napalingon uli ako. Si Gray nga pala hindi ko na napansin.
“Gray, una na kami senyo." Ngumiti pa ako sa kanya. Tinanguhan nya naman ako.
“Alright, see you tomorrow.”
Itinaas nya pa 'yung isang kamay nya para magbabye, syempre gaya gaya ako. Ganon din ang ginawa ko. Hindi ko na inintay si kuya, nauna na akong umuwi.
Gusto ko nang sumalampak sa kama ko.
Pagdating sa bahay tuloy tuloy na pumasok ako sa kwarto ko. Nagdive agad ako sa kama. Wrong move 'yung pagpupuyat ko, nagmukha akong eng-eng sa paningin ng mga itlogz na 'yun.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 62
Magsimula sa umpisa