抖阴社区

                                    

Kaya tutulog talaga ako ng maaga ngayon! Tutulog ako ng maaga…

----------------------------------------*-*

“Good morning kuya!” masiglang bati ko sa kuya kong panot na kasalukuyang naglalagay sa mesa ng breakfast namin.

“Morning." Tipid lang na sagot nya.

Mukhang hindi sya nakatulog ng maayos. Anyare kaya?

“Bad morning? Nyare sa'yo?”

“Nothing."

Ay sungit!

Hindi ko nalang sya tinanong baka upakan ako bigla. Panis siguro 'yung nainom nya kahapon kaya aburido sya. 'Yan kasi sabi nang huwag nang maginom, tigas kasi ng bungo.

Kumuha ako ng Itlog at pinalaman 'yun sa tinapay. Ininom ko na din 'yung gatas na timpla sa'kin ng badmood kong panot na kuya.

“Ay, kuya. Si Gray nga pala..”

“What about him?”

Bakit biglang umaliwalas mukha nya? Lol, hindi kaya tama ang hinala ko?

“Jowa mo ba si Gray?”

One minute na pero hindi parin siya nagrereact. So, jowa nya nga? Super seryoso lang ang mukha nya eh. Siguro nga jowa nya si Gray kaya siguro lagi nyang kausap. Hayyy, dalaga na kuya ko.

“Jowa mo nga?”

From serious face biglang hindi na maipinta 'yung mukha nya.

“Hindi ko jowa si Gray.”

Kung hindi sila magjowa e, ano? Tsaka bakit kay Gray nya ako pinapahiram ng damit? Nakakahiya kahapon 'yung pinagsasasabi nya. Nakakahiya din kay Zero, pinahiram na nga ako. Minsan lang bumait 'yon tapos sasabihan nya pa ng harap harapan ng ganon. Kahit ako maiinsulto eh.

“E 'diba bakla si Gray?”

“Hindi nga bakla! Ang kulit mo naman!"

Oh, tamo nagagalit sya! Magjowa talaga siguro sila. Gagawin pa akong uto uto tsk.

“E, bakit lagi kayong magkausap?" Napanguso ako habang nagiisip nang posibleng dahilan. Kung hindi bakla si Gray ay ano?

Binibigyan pa nila ako ng isipin ang dami ko na ngang pinoproblema!

“Bakit parang gulat na gulat ka na magkausap kami? Kelangan bang may rason pa pati 'yon?” simangot na simangot sya. Tumango agad ako habang abala sa paglamon.

“Oo, kelangan! Sabihin mo na kasi! Parang others.”
Napasapo sya sa noo nya. Stress na stress na naman. Napailing nalang ako. Kapag talaga tumatanda ang bilis mastress.

“Gray is Jamie's brother.”

Jamie? Sino si Jamie? Ngayon ko lang narinig ang pangalang Jamie.

“Sino si Jamie?” tanong ko habang abala sa pagkuha ng sinangag, pangalawang kanin ko na 'to.

“Jamie is..”

“Jamie is… what?”

Bakit sya namumula? May hindi talaga sya sinasabi sa'kin! Napakadaya naman. Halos lahat ng kaganapan sa buhay ko gusto nya alam nya tapos ako, nagaalinlangan pa syang ipaalam sa'kin! Ang unfair naman.

“Jamie is..."

Sige, putulin mo pa!

Napatigil ako sa pagkain at saka gigil na tinusok ng tinidor 'yung tocino. “Ituloy mo kuya. Sino si Jamie?"medyo gigil na ako sa kanya. Kaasar, sasabihin lang kung sino 'yung Jamie na 'yon hindi pa magawa.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon