抖阴社区

                                    

Bukod sa kapatid ni Gray, ano pa? Namumula mula pa sya, alam kong hindi lang 'yun 'yon.

“She's my officemate. Katulad nga ng sinabi ko sa'yo, kapatid nya si Gray. She's...the girl that I'm courting."

O_O

Napanganga ako sa sinabi nya. Shit. Hindi bakla si kuya. May nililigawan sya at kapatid pa ni Gray! Omg! As in Omyghad!

“Hindi ka nga bakla! Congratulations!" Mangiyak ngiyak kong sabi kay kuya habang punong puno pa ng pagkain ang bibig.

“Yak. Lunukin mo nga muna ang lulunikin mo. Kadiri!”

Sus. Kadiri daw pero namumula mula. Palusot din 'tong kuya ko na 'to eh. Inasar asar ko pa sya. Ngayon lang may niligawan si kuya. Napakatorpe kasi. Hindi marunong magsabi, hindi marunong manligaw. So, I'm happy that he finally habe the courage to court someone he truly loves. Wait..

“Kuya, si Jamie. Gusto mo ba sya? I mean mahal mo ba sya? Genuine ba 'yung nararamdaman mo sa kanya?”

“Para ka namang tanga. Ano ba 'yang tanong mo.”

“Ba't ka ba namumula? Sagutin mo nalang ang tanong ko tsaka tigil tigilan mo 'yang itlog, huwag mong ganyanin!”

Dukdukin ba naman 'yung kawawang itlog, tsk. Malala na.

Hindi nya ako pinakinggan 'yung payo ko pero tumigil naman sya sa pagtusok nung itlog. Napakamot siya sa ulo nya bago parang batang sumagot. “I love her. I do love her. And yes, I see my future with her.” ngumiti pa siya. 'Yung genuine na ngiti. Pati 'yung mata nya ngumingiti. I can't help but smile also.

“Masaya ako para sa'yo kuya. Sana lang sagutin ka na nya. Ipakilala mo sa'kin ha?”

Kinikilig pang tumango sya sa'kin.

Buong buhay ni kuya, umikot na sa akin. Sa pagtatrabaho para saming dalawa. Napakaselfless nya. Palagi nya akong inuuna. Palagi siyang nandyan para protektahan ako. Alam kong masaya syang ginagawa 'yon but still ngayon ko lang nakita 'yung saya sa mga mata nya.

I'm really happy na sa wakas, nagkakaroon na ng buhay ang mundo ni Kuya. Hindi nalang sa'min umiikot. He's finally experiencing how to love. Sana lang hindi siya lokohin nung Jamie. Kasi kapag pinaiyak nya talaga 'tong kuya ko lagot sya sa'kin! Mukha nya lang ang walang latay.

“Nagpapagood shot ka pala kuya ha.”

“Yeah, but not just that.. May iba pa.”

Iba pa? “Anung iba?” curious na tiningnan ko sya.

“Nothing. Magready ka na, maleleyt ka na.”

Anuu 'yon? Kinulit kulit ko pa si kuya na sabihin pero kahit anong gawin ko ayaw nya talagang sabihin! Tsk. Sayang lang 'yung laway ko hindi man lang sumasagot ng matino, binabara pa ako. Abnoy talaga.

Wala akong ibang nagawa kundi ang magayos. This time, naligo na ako. Baka sabihin na naman nina Tim na parang kawad ang buhok ko. Hiyang hiya naman ako tsk. Naguniform na ako pero nagpants parin ako bago nagskirt. Wala lang, trip ko lang. Para din hindi ako masilipan.

Inilugay ko nalang ang buhok ko, nagpolbo na din ako ket papaano.

“Ba't nakadoble pa 'yung jogging pants mo? Para kang tanga, tanggalin mo 'yan."

Pakealamera na naman 'tong gurang na 'to.

“Eh ba't nakadoble din 'yang polo mo? May sando ka pa sa loob tas may blazer ka pa! Tanggalin mo din 'yan!"

Tinaasan nya ako ng kilay. “Che. Wala kang pake.”

See? Tapos ako papakealaman. “Kanya kanyang trip 'yan. Aalis na ako!”

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon