Special ako? Unique? I felt a sudden pain in my chest. Parang sinasabi nya sa aking nagmali siya ng tingin sa akin. Parang ako pa ang may kasalanan na nadisappoint ko siya. Tsk, hindi naman siya madidisappoint kung hindi siya nagassume. Kahit na ako pa ang pinakamatapang, matatag at magaling na tao sa mundo may kahinaan pa rin ako.
Kahit na naiinis ay pinagpatuloy ko ang pagbabasa.
'I'm not saying you should take responsibility and be guilty for what you've done. Kasi ako lang naman 'to eh. I may be disappointed sa desisyon mong pagdrop-out pero hindi non nabawasan ang pagtingin ko sa'yo. You still be the amazing Astair that we all know...'
*PHONE VIBRATING*
May dumating pa ulit na text galing sa kanya, sunod sunod pa. Ang dami! Hindi ko alam kung bakit dinadaan nya pa sa text ang gusto nyang sabihin, pwede namang harapan nalang eh.
'Marami akong kilalang gustong gusto makapagaral. Like this boy that I know, kahit gustuhin man nyang makapagaral hindi nya magawa 'cause they're poor. Mas mahirap pa nga sila sa daga. They don't know how to get money na pambili sa pangaraw araw nilang pangangailangan. His father is dead while his mother can't even find a permanent job. Hindi kasi 'to nakapagaral, elementary lang ang natapos that's why no one wants to accept her mother. Wala na rin silang kamaganak dahil nasa malalayong lugar ang mga 'to, and doesn't even care kung ano man ang nangyayari sa kanila. As an only child, that boy takes the risk. Gumawa siya ng paraan para makaipon ng pera, namalimos pa nga siya. But still it's not enough..'
Napaupo ako sa kama habang binabasa 'yung kasunod.
'..And then her mother got sick, wala silang pambili ng gamot. Wala din silang malapitan, kelangan ng malaking pera at walang magpahiram sa kanila. Kahit na gustuhin man ng batang 'yon na ipagamot ang nanay nya, hindi nya magawa. All he could do is watch her mother die. He cried and cried expecting that the pain would lessen but it won't. Masakit talagang mawalan ng ina. Walang kumupkop sa kanya that's why he's been sleeping on the street, waiting for someone to give him food. Namimiss nya ang ina nya, palagi ding nagpapabalik balik sa isip nya ang sinabi nito sa kanya, na kailangan nyang magaral. Pero naisip nya, sa kalagayan ba nya ngayon makakapagaral pa siya? Ni pagkain nga ay wala siyang pambili, paano pa siya makakapagaral? Swerte na nga lang talaga ang makakapitan nya..'
Ang malas naman ng batang 'to. Ang hirap basahin nung text messages, ang hahaba tas andami. Jusko, sasabunutab ko talaga si Spade kapag nakita ko siya.
'… But to his surprise, may milagrong nangyari. When we was busy finding food in the trashcan one time, someone saw him. It's also a beggar, matandang lalaki with a messy hair and dirty clothes. It talked to him and asks him if he wants to go with him. Tinanong nya kung gusto nung boy na 'yon na sumama sa kanya and he said yes. Kahit alam nyang namamalimos lang din 'yung matanda, sumama parin sya. Mas mainam na 'yung may kasama kesa wala, ika nya sa isip. Pero nagulat sya ng madatnan 'yung bahay ng matanda, hindi lang 'to basta bahay kundi Mansion! He's crazy rich, kinupkop siya nito na parang tunay nyang apo. And until now he's with him. Finally experienced school life..'
Pagkatapos kong basahin 'yung text ay agad akong bumaba. Gusto kong makita si Spade. May gusto akong itanong sa kanya. Habang binabasa ko 'yung message nya parang may something eh.
Nasaan na kaya 'yon?
Pumunta ako sa may labas at don ko nga nakita si Spade. Nagmumuni muni siya habang nakatulala sa mga halaman. Agad akong lumapit at umupo sa kaharap nya.
“Astair, akala ko natulog ka na.”
“Hindi ako makatulog. Atsaka sinend mo kaya sa'kin 'yung pagkahaba habang message! Tsaka hoy, ENGLISH pa! Paano ako makakatulog?”

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 64
Magsimula sa umpisa