抖阴社区

                                    

Napangiwi ako nang tinawanan pa ako ng mokong.

“Tawa.”

“Pfft.”

Tumikhim ako, kelangan seryoso. Seryosong tanong 'to eh.

“Maraming hindi makapagaral, 'yun ba ang pinaparating mo?”

Agad na tumango siya. “Yeah.”

“Anong nangyari dun sa lalaki?”

May naguudyok saking alamin. Medyo magpapakachismosa na muna ako kahit ngayon lang.

“He's breathing.. I guess?”

Tsss.

“Anung sagot 'yan? Malamang na humihinga pa 'yun kasi 'di pa deds! Ang tinatanong ko nasaan na siya? Nakapagaral ba siya? Successful ba siya ngayon?”

Bahagya nyang hinawi ang buhok nya, mukhang nagiisip pa siya ng sasabihin.

“He is okay.”

Okay? Kaclose nya kaya 'yung lalaki?

“Close mo ba? Pakilala mo sa'kin baka true love ko na 'yan!”

Bigla siyang natawa ng sabihin ko 'yon. Mukha na siguro akong clown sa paningin nya. Psh.

“Are you serious?"

“Syempre joke lang." Paniwalain masyado. “So, close mo nga?”

“I guess..”

“Sino naman 'yung matanda na tumulong sa kanya? Parang si Lolo M lang 'no? Diba nung unang beses ko siyang nakita nagalapulubi din siya? Tapos mayaman pala!..” medyo naiilang na ako sa titig nya. Gandang ganda na naman kasi sa akin. “… P-parang si Lolo M lang!”

“You think so?”

Tumango agad ako. Totoo namang parang si Lolo M! Mahilig magdisguise tapos mayaman tapos mabait pa! Oh, diba parang si Lolo M------ay teka. Paano kung si Lolo M nga 'yung tinutukoy dun sa storya?

Shet. Nanlaki ang mata ko habang nakatitig kay Spade. Ang slow ko talaga!

“Ang slow mo talaga! ” wala sa sariling napatampal ako sa sariling noo. Shocks, ba't ngayon ko lang naisip?

“Hey, what happened?" Clueless na tanong ni Spade, nangungunot pa ang noo nyo.

“Spade, anong nangyari dun sa lalaking nasa kwento mo?"

Parang nagaalinlangan pa siya pero sinagot din naman nya ang tanong ko.

“He's now…. working.” Working? “Hindi nya natupad 'yung pangako nya sa mama nya pero nasa magandang kalagayan na siya ngayon. And he's happy being able to help his friends.”

Napaawang ang labi ko sa narinig. Hindi kaya? Si Spade at Lolo M 'yung nasa message nya? Omg.

I can't help but stare at him. Tumitindi 'yung hinala ko na sarili nya 'yung tinutukoy nya. Pero kung siya nga uyon, ibig sabihin hindi sila magkaano ano ni Lolo M. Ibig sabihin din napakahirap ng pinagdaanan nya. Namatay pa 'yung mama nya. 'Yung pakiramdam na magisa nalang, 'yun yung naranasan ni Spade which is one of the saddest part of life.

“Stop asking, pumunta ka nalang sa kwarto mo then take a rest. Mahaba haba ang byahe natin kani---.”

“Masaya ba talaga 'yung lalaking tinutukoy mo sa message ngayon?"

Nakita ko ang paglunok nya sa tanong ko. Confirm. Akala ko kakabahan siya pero bigla siyang ngumiti. A genuine smile, his eyes is also smiling kaya alam kong kung ano man ang sasabihin nya talagang minimean nya 'yon.

“I am happy.."

Nanlaki ang mata ko. Siya nga! Sa mismong bibig pa nya nanggaling. Napanganga pa ako habang nakatingin sa kanya. Napagtanto nya ata na nareveal nya sa'kin na siya 'yon, biglang rumehestro 'yung gulat sa mukha nya.

“I-I mean I think he's happy. You know he got friends now and he have his Grandpa. So, I think he's happy. You probably misheard it…”

Tamo? Nageexplain wala naman akong sinasabi.

“I said 'He's happy' not 'I am happy'. My pronounciation is kinda difficult to understand----.”

Tsk. Ginawa pa 'kong bobo neto.

Tumayo ako at saka lumapit sa kanya. Nasa harapan na nya ako. He's looking at me with confused eyes na may halong gulat. Gulat yarn?

I smiled at him. Lumapit akong lalo sa kanya bago ko tinapik 'yung balikat nya. 

“W-what are you doing?” nauutal pa talaga siya, pfft.

“Ayos ka lang ba? Hindi mo naman kelangan itago sa'kin eh. Alam ko naman na kahit hindi mo pa sinasabi na ikaw 'yon. Medyo slow lang ako pero nafigure out ko na 'yon after mong sabihin.”

Tinapik tapik ko pa siya ng malakas. Hindi naman siya nagreklamo. Hindi nga din siya gumagalaw. Parang nastuck na siya sa ganong ayos.

“Ayos ka lang ba?” ulit kong tanong, hindi kasi siya sumasagot. “Ayos ka lang?”

Pangatlong tanong ko na 'yon. Alam ko namang hindi siya ayos pero tinanong ko pa rin, gusto ko kasing malaman nya na may nagmamalasakit sa kanya. That I care for him at nandito lang ako pwede nyang matakbuhan sa oras ng pangangailangan.. Pero syempre huwag lang pinansyal.

“I'm fine.” seryoso ang boses nyang sagot. Hindi nya tinanggi kaya talagang sya 'yon. Iniiwasan nya din ako ng tingin. Medyo lumayo ako sa kanya at saka siya pinakatitigan.

“Alam mo? Sinabi ko na din 'yan sa sarili ko nang paulit ulit. Sinabi ko 'yan sa sarili ko nong mawala si Mama. Akala ko kasi okay talaga ako pero hindi pala. S-sobrang hirap mawalan ng mahal sa buhay, sobrang hirap mawalan ng ina. Ang sakit sakit lang..”

Ang hirap pala ng pinagdaanan nya. Mas mahirap pa sa pinagdadaanan ko. I shouldn't have complained for those things.

“Naiintindihan ko kung gusto mong umiyak ngayon. You can cry, andito lang naman ako eh. Sasamahan kita…” tinitigan ko 'yung reaction nya. Nakayuko lang siya ngayon at parang inapi.

“Maiintindihan ko naman kung iiyak ka. Hindi naman kita tatawanan. Hindi naman kita huhusgahan. Tsaka hindi naman porke umiyak ay mahina na 'diba? Na bakla na?”

“But-----.”

“Ayos lang talaga, Spade. I won't judge you, I promise." Nginitian ko siya. “Kaibigan mo kaya ako!”

Ngumiti siya at bahagyang yumuko. Medyo yumuko din ako para tingnan 'yung mukha nya. Hindi ko makita, tinatago ata talaga.

Sinilip ko 'yung mukha nya, maya maya lang ay may umagos na sa pisngi nya. Umiiyak siya!

Aww. Medyo namuo din 'yung luha sa mata ko. Ngayon ko lang nakitang umiyak si Spade. Parang gusto ko ring umiyak ngayong nakikita ko siyang umiiyak.

Humakbang ako palapit sa kanya. Iniangat ko 'yung kamay ko para sana tapikin siya sa balikat pero hinawakan nya 'yung kamay ko. And before I knew it, niyayakap nya na pala ako.

Napaawang ang labi ko. Hindi ko ineexpect na yayakapin nya ko. I mean wala naman akong problema, nabigla lang talaga ako.

“Spade..”

“I can cry right?” napatango ako sa tanong nya. “Let me cry in your arms. Just this one time.”

Tumango nalang ulit ako as I let him cry in my arms.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon