抖阴社区

                                    

“So? Ayoko na! Lagi nalang akong taya."

Nakakaasar. Kung ba't ko ba naman kasi pinatulan 'yung pagaya sa'kin ni Timothy na maglaro.

“TAPOS NA BA KAYONG DALAWA? KASI KUNG OO, TARA NA KUMAIN. GUTOM NA 'KO!"

Makabasag eardrums talaga. Napatakip ako sa tenga ko. Kahit kelan ang lakas ng boses.

Pero bigla akong nakaramdam ng gutom. So, sige na nga sasamahan ko na sila. Gabi na din naman ngayon. Nandito kasi kami ngayon sa may upuan sa labas. Nasa living room kasi silang lahat, nanonood.

Kami lang 'tong nasa labas at naglalaro ng unggoy unggoyan.

“Tara!"

“Sige, tara."

Pumasok na kami sa loob. May mangilan ngilan pa kaming nadaanan sa labas. Nandoon din pala si Donald, nakaupo siya malapit sa may fountain. Magisa lang at walang kasama.

Bakit kaya? Inaway siguro siya ng iba kaya feeling lonely siya. Kawawa naman pala.

Imbes na pumasok sa loob ay dumiretso ako sa gawi ni Donald.

“Saan punta mo?”

Napatingin din samin si Donald, nakita ko na nagtaka siya na papunta ako sa gawin nya.

“Ginagawa mo dyan? Oks ka lang ba?"

“H-ha?"

Ba't naman gulat na gulat siya? Kinausap ko lang naman eh. Tss. Oo nga pala, ako nga pala 'yung binubully nila dati kaya ang weird tingnan na kinakamusta ko sila.

“Ang sabi ko ba't ka andyan? Ba't ayaw mo sa loob?"

Dumating na din sina Tim at Wavin, sumunod din pala sa'kin. Ipinatong pa talaga ni Wavin 'yung kamay nya sa ulo ko. Feeling matangkad na naman.

“Gusto ko lang kasing mapag-isa. Nagiisip isip din."

Nag-iisip isip? “BAKIT MAY NANGAWAY BA SA'YO?!" Lakas na naman ng bunganga ni Wavin. Mukha tuloy na sya 'yung nangaaway.

“Huwag kang sumigaw!" Suway ko sa kanya.

“Ano? May nangaaway ba sa'yo? Resbakan na natin!” dagdag din ni Timothy.

Napakamot siya sa ulo nya. Medyo napapangiti din siya pero kita ang pagkahiya sa mukha.

“Ayos lang ako! Walang nangaaway sa'kin. Gusto ko lang talagang mapag-isa.”

“Weh?"

Napatawa si Donald sa pagweh ko. “Seryoso nga."

I doubt it. Hindi naman gugustuhin ni Donald na magisa kung wala siyang problema or isyu na dapat pagisipan. Ano kaya 'yon? Hmm..

“Seryoso ka dyan? Sure na? Sure? Sure?"paulit ulit na tanong ni Tim.

Tumango naman si Donald.

OH, KAKAIN NA. TARA!” ginulo pa 'yung buhok ko! Abnoy din 'tong si Wavin e.

Palakad na sana kami pero naalala ko 'tong si Donald Trump.

“Gusto mo sumama?" Tanong ko. Baka lang naman kasi gusto nyang sumama sa amin.

NAGLAKAD NA KAMI papasok sa loob ng Mansion. Dirediretso kaming tumuloy sa dining area. Nagsikain na naman kanina kaso nga lang nagutom uli kaya lalamon na naman. Pinagtitinginan kami ng ibang Egg Warriors.

“Ba't kasama nila si Donald?"

“Oo nga!”

“Ginayuma siguro ni George!"

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon