抖阴社区

                                    

Napangiwi ako sa naririnig. Kapag may nakakasama akong iba sasabihin nila ginagayuma ko or hinaharot ko. Puro nalang sila hinala, nakakagigil na.

“HOYYY, ITIGIL NYO PAGBULONG BULONGAN DIYAN HAA! WALANG GUMAYUMA KAY DONALD, GUTOM LANG SYA!" sigaw ni Wavin na abot hanggang kapitbahay.

Natahimik naman don 'yung Class Z na marites. Buti nalang.

“Oy, andito din pala sina Zero!"

Andito? Napatingin ako sa loob ng dining room. Badrip andon nga! Kasama pa nya si Archer at Gray! Hindi ko maitsurahan si Gray kung natutuwa ba o nagagalit nang makita ako. Tinopak kasi kanina.

Kumakain sila don, silang tatlo lang ang tao. Parang ayoko na tuloy kumain.

“Maya nalang kaya tayo kumain.." Bulong ko kay Timothy na nasa katabi ko.

“Bakit naman? Kumain na tayo ngayon, gutom na gutom na ako." Iniangkla nya pa sa braso ko 'yung braso nya.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Umupo ako sa may malayo sa tatlong haring impakto. Kaso sina Timothy, Wavin at Donald umupo sa mismong kalapit nila! Nagiisa tuloy ako dito sa dulo.

“Ginagawa mo dyan?"

Napatingin sila sa'king lahat nang tanungin ako ni Tim. Pinandilatan ko naman si Timothy. Hindi siya marunong bumasa ng sitwasyon, kainis!

“DITO KA! MAMAYA MUMURAHIN MO NA NAMAN KAMI SABIHIN MO INIWAN KA!"

Pinandilatan ko din si Wavin. Isa ka pa!

“Dito nalang ako. M-mahangin dito!" Palusot ko.

Nakita ko ang paglinga linga ni Donald sa paligid. “Wala naman dyang 'yung electric fan, nandito kaya George. Tapos hindi naman buhay ang aircon."

Juskoo. Dumagdag ka pa, Donald!

Napapikit ako at saka napatingin dun sa tatlo. Nakapoker face silang lahat. Tumigil din sila sa pagkain. Nagulat ako nang tumayo si Zero, kumuha siya ng isang upuan ng walang nakaupo at saka itinabi 'yun sa kanya. Nandon kasi siya sa pinakanghead.

“Sit here, Noburi."

Ano daw? Nanlaki 'yung mata ko sa sinabi nya. Tinapik tapik nya pa 'yung bangko na binuhat nya. Seryoso ba siya?

“A-ayoko nga! Ba't naman ako uupo katabi mo?"

Siraulo ba sya edi inaway naman ako ni Corine.

“Ayos na ko dito." Pagmamatigas ko.

Tumalim 'yung mata nya. Napatingin ako kayna Timothy. Aba, ang walanghiya wala man lang pake sa'kin! Todo lamon pa sila.

“I said sit here, Noburi.”

Ulit ulit naman 'tong si Zero e! “Kulit mo, ayoko nga!"

“Dito ka nalang umupo, George."

Napamaang ako ng tapikin ni Gray 'yung upuan katabi nya. Don nya ako pinapaupo!

Anong nangyayari? Gandang ganda na naman siguro sila sa'kin kaya ganito.

“Dito siya uupo, Gray." Malamig ang boses na wika ni Zero. Matalim ang tingin nya kay Gray.

“Ayaw nyang umupo dyan. Dito ka na, George." Napabaling naman ako kay Gray nang magsalita siya. Masama din ang tingin nya kay Zero.

Nalilito na ako!

“NOMNOMNOMNOM! Saraaaapp ng pagkain dito!"

“Oo nga! Mapaparami ata kain ko."

“Tirhan nyo ko!"

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon