抖阴社区

                                    

Sanaol sa tatlong 'to na nakain na nang matiwasay. Sanaol. Si Archer naman nakain ng tahimik. Samantalang ako eto, wala na ngang pagkain may mga impakto pang kung makautos sa'kin akala mo baliw.

Saan ako uupo? Kay Gray nalang siguro na kalapit. Kahit naiilang ako, mas better na don nalang kesa kalapit ni Zero.

“I said dito ka uupo. Don't make me repeat what I said, Noburi.” mas lalong naging maawtoridad 'yung boses nya. Papunta na ko kay Gray e!

“Come." Minustra pa talaga ni Gray 'yung kamay nya, telling me to sit on the chair. Napakamot ako sa ulo bago dumiretso sa pwesto ni Gray.

“You'll sit here or I'll make you my servant forever?"

Servant forever? Sinong niloloko nya? “Lokohin mo lelang mong panot!"

“I'm dead serious."

−_−

Wala akong nagawa kundi ang dumiretso sa upuan na kalapit ni Zero. Medyo inisod ko palayo 'yung upuan pero hindi nagalaw. Hawak pala ng impakto, psh!

May pinggan nang nakatapat sa'kin kaya kumuha nalang ako ng kanin at chicken. Dinamihan ko 'yung kanin dahil gutom na talaga ako. Mukhang masarap 'yung ulam kaya kukuha pa ako mamaya. Nagsimula na akong lumamon, hindi ko na iniintindi 'yung sinasabi nila.

“Piggy."

Piggy? Inis na tumingin ako kay Zero na kalapit ko. Tapos na syang kumain at prenteng nakaupo nalang don sa upuan. Nginisian nya ako nang mapatingin ako sa kanya.

“Anwong shabwi mooo?!" Punong puno 'yung bibig ko, buti nga hindi ko naluwa 'yung kanina sa mukha ni Zero.

“Hoy, George! Ba't nagbaby talk ka dyan?"

Hindi ko pinansin si Tim na ngayon lang ako nakita. After nilang lumamon nang hindi ako inaalok?

“Disgusting!" Diring diri pa 'yung mukha ni Zero. Inirapan ko naman siya. Istorbo sa pagkain ang impaktong 'to.

Lumamon na lang ulit ako. Nakadamak pa ako ng isa since nagugutom pa ako.

“Hindi ko alam na malakas ka palang kumain, George." Wika ni Donald. Napatingin ako sa kaniya. Tapos na pala silang lahat kumain. Ako nalang 'tong nalamon. Ba't kaya hindi pa sila umaalis?

“Paano mo malalaman, hindi naman sabay kumakain palagi."

Others kasi 'yan si Donald, sa bully nasama.

“Ahehehe, oo nga." Tika nahihiya nyang sabi.

“Kapag gutom na gutom talaga ako mas lalong madami akong nakakain. Normal na kain ko lang 'to e."

Taob kaya isang kaldero samin ni kuya sa bahay. 'Yun pa 'yung malaking kaldero.

“PERO PAYATOT PA RIN!" Singit ni Wavin. Inismidan ko siya.

“Mas payatot ka!"

“MAS PAYATOT KA KAYA, GEORGE! LALABAS NA NGA 'YUNG BONES MO EH!"

Aba, teka. “Nahiya naman ako sa bones mo na naghehello na din sa'kin.” sagot ko bago sumubo ng kanin. Dinidilaan pa ako ni Wavin pero iniirapan ko lang siya.

Tanginuh, mangasar ba naman ng nakain ako?

“Don't talk when your mouth is full."

Napasulyap ako nang magsalita si Gray. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Nailang tuloy ako.

“Oo nga, George! Mamaya nyan tumalsik 'yung kanin. Kadiri!" Raulo ka, Tim!

“Hmm-mm." pagsingit ni Archer.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon