Nanlaki 'yung mata ko nang bahagyang iginilid nya 'yung mata nya para tingnan ako. Side eye ang putek! Napansin nya sigurong nakatingin ako sa kanya.
Iiwas ba ako ng tingin? Hindi! Iisipin nya lang na naiilang ako.
Hindi ako umiwas ng tingin. Medyo nagulat pa ako ng humarap sa akin si Zero. Iniayos nya 'yung upo paharap sa akin. He's now staring directly into my eyes.
"Tss." Pagreact ni Gray na nasa gitna namin.
Napataas ang kilay ko habang nakatingin kay Zero. Problema nya?
"Problema mo?" hindi ko na mapigilang hindi itanong. Nakapoker face pa din. Hindi nagsasalita. "Hoy!" Wala pa din. Iniignore ang kagandahan ko. Siraulo 'to ah.
Tsk. Bahala nga siya dyan. Akmang aalisin ko 'yung paningin ko sa kanya pero bigla siyang nagsalita.
"Why are you avoiding me now? Kanina lang tinititigan mo ako." Tinititigan? Huh? Kelan?
"And right now, binibigyan kita ng pagkakataon na titigan ako. I won't mind it. Stare as long as you want." Ngumisi siya pagkasabi non.
Napanganga akong literal. Ulol ba siya? Bakit ko naman siya titigan? Ako, gugustuhing tumitig sa kanya ng matagal? Lol. Ang funny naman nya, mukha siyang joke.
"Huwag ka ngang mayabang! P-panget!"
Nautal pa. Hindi naman mahirap sabihin 'yung panget kung ba't may pautal utal ka pa george! Tss.
"Cute..." napatingin uli ako sa kanya. Nandidiring tiningnan ko siya pero nakangisi pa rin siya. Sinabihan nya ba talaga akong cutee? Me as in me? I know right pero sa kanya nanggaling? YUCK!
"Oy pres, may tinatago ka palang paghanga para kay George!" bunganga ni Timothy ang narinig ko. Napangiwi ako nang magsimulang maghiyawan at magkantyawan ang mga kalakakihan. Napasapo ako sa noo, haharot.
"....dog."
Cute.....dog? -_-
Nagtawanan naman 'yung mga lalaki. Napangiwi ako. Nanggigigil na inambahan ko siya ng suntok pero hinigit naman ako ni Wavin palayo kina Zero.
"Sasapakin ko lang isa! Gawin ba naman akong aso!"
Kala mo naman gwapo, psh. "Pfftt." Sinamaan ko 'yung dalawa ng tingin na nagpipigil ng tawa.
"Tama na ang ligawan."
O_O
"WHOOOOOOOOO!!"
"SUPPORT NI LOLO M!"
"GEORGE X ZERO!"
Shit. Napamaang ako sa kanila. Namumula nga nga ata ako. Hindi ako kinikilig. Namumula ako sa hiya. Si Lolo M pa talaga nagsabi non. Tsaka ba't ba support na support nila 'tong Zero na 'to.
Nakangiwing tiningnan kong muli si Zero. Nakataas ang kilay nya at halatang nangaasar. Bahagya ding ngumisi siya. Ayan na naman! 'Yung bwisit na ngisi nyang 'yon. Kaasar!
Hindi ko tuloy alam ang irereact ko. Kaya ang mabuti pa huwag nalang magreact. Kahit naman itanggi ko wala namang mangyayari, hindi naman sila maniniwala sa sinasabi ko. Kay Zero lang naman sila naniniwala eh.
Napacross arms ako. Itinago ko ang pagkaasar na nararamdaman ko, I did my best to pull a serious face. Tinaasan ko din ng kilay si Zero. Ni hindi man lang natinag sa pagkakatingin sa'kin, tibay!
Samantalang ako masuka suka na. -.-
"Omyghad! Deny it! Why aren't you denying it, Zero?" sigaw ni Corine.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 77
Magsimula sa umpisa