Oo nga. Ba't hindi nya dinedeny? Isang hindi nya lang tapos na 'tong asaran na 'to e.
Nagcross arms lang si Zero. Putek.
"Hala, couple talaga!"
"Witwiw!"Tss. Seryosong tiningnan ko pa rin si Zero. Hangga't maaari ayokong magpakita ng reaction. Hindi ako nabobothered! Hindi! Ipapamukha ko sa impaktong 'to na walang siyang epekto sa'kin.
"How long are you gonna stare with each other?" Napatingin kaming pareho kay Gray na nasa gitna namin.
"Forever?" sagot ni Zero.
"WHOOOOOOOOOO!"
"BOOOOM TAMIS!"
"ZERO FOR THE WIN!"Napanganga ako. Sa inis ay natanggal ko 'yung pambahay na tsinelas ko at saka ibinato 'yun sa kanya. Ipinagpray ko na tamaan siya sa mukha pero kahit na gaano kabilis ang pagbato ko ay nasalo nya pa din 'yun.
Tinaasan ko siya ng kilay ng iniabot nya sa akin 'yun. "Here's your slipper, cinderella."
A-anong sinasabi nya?!
Napatayo si Gray after sabihin 'yun ni Zero. Hindi ko alam kung bakit ganon ang naging reaction nya.
"EHEM!" Kunwaring pagtikhim ni Wavin. Inis na kinuha ko kay Zero 'yung tsinelas ko. Buset!
"Let's continue." wika ni Spade. "Gray's turn."
Si Gray na pala. Nakaupo na ngayon ulit si Gray. Napansin kong nakakuyom ang kamao nya. Bakit? May problema ba si Gray?
"I'll ask him." Wika ni Nadya. "Sa lahat ng babae dito sa Class Z, sinong babae ang may potential na ligawan mo in the future?"
"Ohhhhhh!" Pagreact ng mga lalaki.
Napatitig ako kay Gray. Sino kayang sasabihin nya? Si Olyvia ba? Kung si Olyvia edi matutupad na 'yung pangarap ni Olyvia na mapansin ni Gray.
Sino nga kaya? Wala naman akong nakikitang babae na palaging kasama ni Gray. Palaging libro nalang ang kaharap nya. 'Yun na nga ata ang jinowa nya e!
Saan naman siya pupunta? Tumayo ulit si Gray. Pumunta siya doon sa gitna. Maang na napatingin kaming lahat sa kanya.
"I won't answer that question, I'll just sing." Wika nya sa baritonong boses. Napahiyaw tuloy muli ang Egg Warriors. Nangingibabaw naman ang boses ni Olyvia sa mga babae.
Nakakapagtaka lang. Bakit kaya hindi nya sinagot? Kung sabagay hindi naman talaga madaling sagutin 'yon. Anuways, icheer ko nalang si Gray. Aba hindi biro yung kumanta sa unahan.
"GO, GRAY!" Pagsigaw ko. Napalingon siya sa akin. I don't know if guni guni ko lang pero nakita ko siyang ngumiti! O baka guni guni ko lang talaga?
Nagpipindot na siya sa karaoke bago isinalang 'yung kanta.
Alam ko 'tong kanta na 'to! Naghiyawan silang lahat.. Nagsimula nang kumanta si Gray, dito siya sa parte namin tumingin.
"You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you..."Mula nang kumanta siya, hindi ko alam o nagiging assuming lang ako? Sa akin siya nakatingin. Nakakailang lang. Pero siguro gandang ganda lang siya sa'kin kaya ganon. Nginitian ko siya at saka inisway 'yung kamay ko.
".... You'd be like heaven to touch.
I wanna hold you so much
At long last love has arrived
And I thank God I'm alive
You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you... "

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 77
Magsimula sa umpisa