抖阴社区

                                    

"Sabi ko sa inyo ay! 'Yun ang isasagot nya!"

Kanya-kanyang bulungan. Samantalang tahimik lang sina Timothy. Napatikhim ako.

"Pero hindi na naman ako 'yung dating george na mahina, na basta basta nalang nagpapadala sa emosyon. Kaya kung tatanungin nyo ko ngayon, wala akong pinagsisisihan." Sinabayan ko pa ng pagiling.

"Kasi bakit naman ako magsisisi? Sarili kong desisyon lahat ng 'yon. Ginusto ko ding lumipat sa Noblesse High."

Hindi lang naman kasi si kuya 'yung may gawa kung ba't ako napalipat sa school na 'yon. Dahil din sa akin. Pumayag din naman ako na malipat don kaya bakit ako magsisisi?

"Tsaka nung una ko kayong makilala, naging mabait naman 'yung iba sa inyo sa'kin, sinabihan nyo akong huwag makialam. Pero nangealam pa rin ako kaya nagalit kayo sa'kin. Hindi ko naman itatanggi na kasalanan ko kaya ako nabully. Dahil din sa desisyon ko."

May naging nabait naman talaga sa akin. Si Tim, 'yung mga babae noong una. Pwera nalang don sa mga nambato sa'kin ng itlog.

"Kaya wala akong pinagsisisihan. Hindi ako nagsisising nakilala ko kayo. Kahit na puro pambubully nalang ang natatamo ko mula nung dumating ako, kahit na puro masasakit na salita nalang 'yung natatanggap ko. Kahit na nilalait nyo ko." Pinasadahan ko sila ng tingin. Tumigil ang paningin ko sa grupo nina Corine. Inirapan ako ni Olyvia at Corine samantalang nakatingin lang si Mindy at Nadya.

"Kasi tingnan nyo naman ngayon 'diba? May abnoy akong mga kaibigan.."itinuro ko sina Tim at Wavin na hindi man lang nagreact. Seryoso lang silang nakatingin sa akin.

"Tsaka unti-unti na din namang nasasanay ako sa ugali nyo. Lahat ng nangyari mula umpisa hanggang ngayon, masakit man o hindi pinapahalagahan ko 'yun. Bunga 'yon lahat ng sarili kong desisyon kaya wala akong pinagsisisihan. Kahit na magkaroon pa ng time machine, hinding hindi ko babaguhin 'yung mga ginawa ko't nangyari, dahil ako 'yon, sariling desisyon ko 'yun. "

Pagkatapos kong magsalita, nanahimik lang sila. Sinadya kong hindi tingnan ang mga reaction nila. Ewan ko ba, hindi naman ako mahiyaing tao pero nahihiya ako sa sitwasyong 'to. Gusto kong tingnan 'yung reaction nila pero may parte sa'kin na kinakabahan?

I don't know why I'm feeling this way.

Nanahimik lang sila. Limang minuto na ang lumilipas pero tahimik pa rin sila. Napabuntong hininga ako, uupo na lang ako. Mukha namang tapos na din 'yung turn ko.

"George."

May biglang nagsalita.

Hinanap ko si August na siyang nagsalita. "Sino sa tingin mo sa Class Z ang nakikita mong pwede mong maging asawa in the future?"

O_O

Napanganga ako. Saan nanggaling 'yon?

"YOWNNN!!"
"NICE ONE!"
"SAGUTIN MO 'YAN!"

Napatingin ako kay Lolo M. "Hala, lolo! 'Yung tanong!"

Anong klaseng tanong ba kasi 'yun? Like seriously who can predict the future? Kahit pa sabihin ko ngayon na gusto ko si si Juan, sigurado naman akong magbabago pa rin 'yon. Kasi hindi tayo makakasigurong 'yung nararamdaman natin para sa taong 'yun ay ganon pa din pagtagal.

"Sagutin mo nalang iha."

Napakamot ako sa ulo. "Ehh..."

"SAGUTIN MO NA GEORGE!"

Pinandilatan ko si Wavin. Imbes na tulungan ako, ipinupush nya pa talaga 'yung tanong sa'kin. Pambihira.

Anong isasagot ko?

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon