抖阴社区

                                    

“HUY!" napasigaw pa ako.

“SHIT!MUNTIK NA KO DUN!"

Hawak hawak nya 'yung dibdib nya. Namutla din siya. Naguilty tuloy ako. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. “Sorry. Hindi ko naman alam na magugulat ka."

Gulat pa din sya. Hindi ko naman sya masisisi. Tanga mo kasi, George! “Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

“Sarado kasi 'yung room." sagot ko. “Ayos ka lang ba?"

Napatikhim sya. Inayos nya 'yung sarili nya at saka tumayo na parang walang nangyari. “Okay lang ako." sumilip ulit siya dun sa baba.

Ako naman eto magf-feeling close muna. Lumapit ako sa katabi nya para makigaya. Gaya gaya kasi ako e. Kitang kita dito ang mga estudyante ng Noblesse High. Ang taas, ang sarap ng hangin. Hindi pa mainip, buti nalang.

“So, papasok ka na ulit?" pagbubukas nya ng usapan. Nilingon ko siya pero sa baba pa rin siya nakatingin.

“Yup!" sagot ko sabay ngiti kahit na alam kong hindi nya nakikita.

“Despite of all those things that happened?" 'Yung pambubully ba ang tinutukoy nya? Well, kung gusto kong makatapos kelangan kong magtiis.

Tumango ako sa kanya.

“Bakit? Hindi ka pa ba nadadala?" Nadadala? Napaisip ako.

“Napupuno din ako syempre. Sino ba namang hindi?" Halos lahat naman ng tao may limitasyon. Kung hindi pa ako nainis after nung mangyari edi para na din akong hindi tao non?

Nilingon ko siya kasabay ng pagihip ng hangin. “Pero sabi nga ni Lolo M, madaming batang gustong makapag-aral pero hindi nila kaya. Tapos ako eto magiinarte dahil nasaktan ako?” umiling iling ako. “Kasama sa buhay 'yung pagtitiis. Kaya kung gusto ko talagang makatapos kelangan kong magtiis."

This time nilingon nya ako. Tiningnan nya ako na parang ako na 'yung pinakaalien na taong nakita nya. “Iba ka nga."

Iba? “Paanong iba?" Sino namang may sabi sa kanya na iba ako?

“Sabi nina Tim na iba ka. Wala kang katulad, that's why palagi ka nilang ibinibida sa amin.” he smiled at me.

Ibinibida? Sina Tim ibinibida ako? Namuo ang luha sa mata ko. Naiiyak ako huhu! Mukhang nagulat pa siya nang makita 'yung reaction ko.

“Huy, ba't paiyak na dyan?"

Napasinghot ako. “Masaya lang ako hehe." Nginitian ko siya. Napailing sya.

“Iyakin ka din pala."

Iyakin? “Hindi no! Once in a blue moon nga lang ako umiyak."

“Weh? Ilang beses ka na kaya naming nakitang umiyak.”

Pinaalala pa!

“Nung first week mo tapos nung kay Lolo M, tapos-----."

“SHATTAPPP!" Itinaas ko ang kamay ko para pigilan siyang magsalita. “Past is past, alam mo 'yun? Move on na huyyy."

Napatawa siya. Tamo, timang lang. “Okay hehe." Napanguso ako. Mapangasar din pala si Donald. Well, lahat naman sila mapangasar.

“E ba't ka naman nandito? Naririnig kita kaninang nagsasalita."

“Huh? Hindi naman ako nagsasalita." namutla siya bigla. Tanggi pa kasi!

“Sige, sabi mo e." Sagot ko nalang kahit na gusto ko talaga syang tanungin. Napabuntong hininga ako. “Anong meron ngayon?"

“Makulit ka din no?" Naiinis na wika nya. Napasimangot ako. Talagang makulit ako!

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon