“Ano ba kasi 'yun?" Pagpipilit ko.
“Malalaman mo din mamaya."
“Edi sabihin mo na sa'kin ngayon." Kesa naman mamaya pa diba? Para malaman ko na agad.
“Kulit!"
Hinarap ko siya. “Edi sabihin mo na para hindi ka makulitan!" Sigaw ko. Tinakpan nya ang tenga nya na ikinangiwi ko. Siraulo 'to ah.
“HOYYYYY!" Buong lakas na sigaw ko sa mukha nya. Tumalikod naman siya sa akin.
“Hindi ko alam kung paano nakakaya nina Tim ang kabaliwan mo."
“Hindi mo alam? Pare-parehas kasi kaming baliw!" Sagot ko. “Ano na?" Umikot ako para makaharap siya pero tinalikudan na naman ako ng walanghiya.
“Kayna Tim mo nalang itanong.”
“Para sasabihin lang e."
“Tinatamad akong magsalita." sagot nya na ikinataas ng kilay ko.
“Hindi ka pa ba nagsasalita sa lagay mong 'yan? Hellooo?"
“Kulit mo naman george!" Yung mukha nya, aburidong aburido pfft. Gusto ko tuloy siyang tawanan. “Dun ka na nga."
Itaboy pa 'ko, amp!
“Sabihin mo na para ka namang hindi lalaki dyan e! Sige na, now na!"
Napabuntong hininga sya, inalis nya 'yung pagkakatakip nya sa tenga nya. Sasabihin nya na ba?
“Bahala ka dyan." Anya saka tumalikod. Nagsalubong bigla 'yung kilay ko. Langya, hindi pa sabihin! Sinundan ko siya pababa ng building. Panay reklamo pa 'tong si Donald.
“Kapag sinabi mo sa'kin hindi na kita kukulitin! Pramis, peksman, magkaron man ng bulutong si Eros!"
“Eros?"
Tongonuh, hindi kilala 'yung president nila. “Yung impakto."
“Ah si Zero? Hindi nagpapatawag ng Eros 'yun buti hindi ka binugbog."
Ayan na naman! Nananakot na naman sila. “Ginawa nyo namang bigdeal masyado." Si Gray ganon din. Masyado nilang ginagawang bigdeal 'yun. -,-
“Kasi totoo naman. Lahat ng tumatawag sa kanyang Eros o Zachary, binabalian nya. Maswerte ka pa."
Napakamot ako sa ulo. Maswerte ba 'yun? “Gandang ganda na naman kasi sa akin kaya ganon." Sinabayan ko pa ng tawa.
−_– - Donald
“Jokerist ka pala." Malamya nyang sagot.
“Aba't-------.”
*BOGGSHH!*
Naputol ang sasabihin ko ng biglang may kumalabog. “Ano 'yun?"
“Intruder." sagot nya.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Donald bago sabay na tumakbo pababa. Sino 'yun, Class A na naman ba? B or C? O baka naman 'yung SSG Council? Hindi ko alam kung sino 'yun dahil maraming may galit sa Class Z.
Mukhang may binasag sila. Bintana? Aisshh! Mas binilisan ko ang pagtakbo. Nauna pa ako kay Donald na hinihingal na sa likod.
Kung ano man ang pakay nila, hindi ako makakapayag na magawa nila 'yun!
Hinihingal na napahawak ako sa tuhod ko. May limang lalaki, pawang nakamaskara sila. Katulad nung maskara ng mga bumato sa akin dati.
“A-anong… ginagawa nyo?!"

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 79
Magsimula sa umpisa