Aisshh, alam ko na! Sa mga ganitong pagkakataon, alam na alam ko na 'yung dapat gawin. Ano pa nga ba, edi tatakbo!
Inilupi ko 'yung jogging pants na nakadoble sa uniform ko ng kaunti bago bumwelo.
“Where are you going?”
Ignore him, Georgina! Malilintikan na naman ako sa mga impakto kapag nakipagusap ako sa kanya.
Makaalis na nga lang!
*COUGHS*
“A-ano ba 'yan, Tristan!”
Napahawak ako sa kwelyo ng uniform ko na sumakal sa'kin. Hinawaka ni Tristan, napakasiraulo. “Kita mo nang masasakal ako kapag hinigit mo 'yan, siraulo ka ba?" inis na humarap ako sa kanya-----sa kanila pala.
“Pres, ba't mo naman ginawa 'yun?” tila hindi mapakaling tanong ni Tristan kay Yvo. “Sorry, George.”
Napangiwi ako. Hindi pala si Tristan ang humigit sa likod ng kwelyo ng damit ko kundi si Yvo. Magkasama silang dalawa ngayon. Nakakatakot pa rin ang aura ni Yvo, ganon pa din.
Pero kahit natatakot ako, namayani 'yung inis ko dahil sa ginawa niya.
“Bakit mo ginawa 'yun ha?" bulyaw ko sa kanya.
He tilt his head bago magpamulsa. Isang nakakakilabot na tingin ang ipinukol niya sa'kin. Kinilabutan ako bigla.
“He greeted you, why didn't you greet him back?"
Natigilan ako sa sinabi niya bago napasinghal. Teka? Ginawa niya 'yon nang dahil lang sa hindi ko binati pabalik si Tristan?
“Pfft.." hindi ko na naiwasang hindi natawa. “HAHAHAHAHA! Nakakatawa ka naman! Ako ba kinakausap mo?”
May paghawak pa sa tyan na binalingan ko siya. Jusko, nakakatawa naman pala 'to si Yvo. Biglang nawala 'yung takot na nararamdaman ko sa kaniya.
“May nakakatawa ba?" Madiin at buo ang boses na tanong ni Yvo. Napailing naman ako at agad na pinunas ang mata. Grabe, mangiyak ngiyak pa ko sa kakatawa dahil sa kaniya.
“Ginawa mo 'yun dahil hindi ko binati si Tristan pabalik?" naninigurong tanong ko.
Hindi siya nagsalita, supladong tinitingnan niya lang ako. Samantalang nakatitig naman sa'kin si Tristan.
“Nagmamadali kasi ako. Hinihintay kasi ako ng mga kaibigan ko. Ayun oh.” itinuro ko sina Tim at Wavin na nandon padin. “Kanina pa kasi nila ako hinihintay kaya babush!"
“Next time if my friend greets you, make sure to greet him back." Maawtoridad na wika ni Yvo na nakapagpataas ng kilay ko. So, kasalanan ko pa kapag hindi ko nabati pabalik si Tristan?
“Teka, unfair naman yata 'yan. Paano kung ayaw ko siyang igreet pabalik?"
Biglang naging dark lalo 'yung aura niya. Patay na. “Stop taking him for granted."
Nanlaki 'yung mata ko. Akoo? Talaga ako? Tinitake for granted si Tristan? Ay wow! Ba't hindi ko alam? Hindi makapaniwalang naituro ko pa ang sarili.
“A-akoo?"
Pinakatitigan niya lang ako. More like sinamaan ng tingin. Jusme, alam ko na pader 'tong binabangga ko kaya kinakabahan ako. Siya 'yung president ng Class A, kung si Zero ang Big Boss ng Class Z, siya naman sa kanila.
“It's okay, Pres." Saka lang nagstep up si Tristan. Inakbayan niya si Yvo na beast mode na beast mode. Napaiwas ako ng tingin. “I thank you for your help pero kaya ko na 'to. Ang mga babae kasi hindi dapat pinipilit. Kelangan ng mahabang pasensya while dealing with them."aniya sabay kindat.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 91
Magsimula sa umpisa