抖阴社区

                                    

Napangiwi ako. Lakas ng hangin ah.

“Don't worry. Malapit na naman kaming maging magkaibigan ni Georgina, diba?" tinitigan niya ako bago ngisian. Kadiri ha.

Napangiwi ako bago siya tinalikuran. Masyado niyang sineseryoso 'yung sinabi ko. Sineryoso niya pero mali  naman 'yung pagkakaintindi niya. Napailing nalang ako bago tumakbo palapit kayna Tim at Wavin.

“See you later!"

Nakasigaw pa nga 'yung Tristan na 'yon, psh. Kaasar!

Napatakbo ako palapit kayna Tim at Wavin na parehong nakacross arms. Don't tell me galit na naman sila. -.-

“Tara na sa loob."

Sana makalusot! Hinigit ko sila pareho sa damit. Napaghigit naman sila. Mukhang hindi nagalit ah! Hooo, buti nalang! Hindi nagalit----.

“Tagal niyo naman magusap."

Napasapo ako sa noo ko. “Hinigit ako ni Yvo, kita niyo naman diba?”

“ANONG PINAGUSAPAN NIYO?!"

Napahakbang ako ng mabilis. Natatanaw ko na 'yung building namin. “Ano. Nabaliw na ata 'yung dalawang 'yon. Lalo na si Yvo, binati kasi ako ni Tristan tapos nagalit kasi hindi ko siya binati pabalik."

“Eh, ano 'yung see you later ha? Makikipagkita ka? Grabe naman, George!”

Aisshh. “Hephep! Huwag kasi kayong overthinker, kakalbuhin ko na kayo eh. Wala akong sinabing magkikita kami mamaya. Siya lang 'tong assuming."

“TALAGA?!"

Tumango tango ako. Nauuna na akong maglakad sa kanila. Nandito na kami sa building. Tuloy tuloy na pumasok kami, medyo tahimik pa sa loob. Wala pa siguro 'yung mga Egg Warriors.

“Huwag kang makikipagkita don ha! Kalaban natin 'yun!" huling sabi ni Timothy.

“Oo, pramis! Mapanot man kayo!" sabi ko nalang para matahimik na.

“Ngayon 'yung meeting about Noble's Week 'diba?" tanong ko, binabago ang topic.

“Oo, late na tayo. Tara na!” ani Timothy. 

Tatakbong tatakbo pa siya. Bakit namang big deal kung malate? Araw-araw namang walang nagtuturo.-,-

Nakarating kami sa room nang hinihingal. Sinamaan ko ng tingin sina Wavin at Timothy. Napahawak ako sa tuhod ko. Ang bata ko pa para rayumahin.

“Ang OA mo naman! Hindi pa tayo late kaya!"

“You're 10 minutes late."

Eh? Napasulyap ako sa may room. Nandoon na silang lahat, nakasilip sa bintana. Samantalang nakasandal naman sa may pinto si Zero.

Napakamot sa ulo si Wavin samantalang nangingiting nagpacute naman si Tim na ikinataas ng kilay ko. Napapanu sila?

“Why are you late?" tanong ni Zero, mababakas ang awtoridad sa boses niya.

Napaayos ako ng tayo bago sumagot. Since mukhang walang balak sumagot 'yung dalawa. “Natraffic lang."

“Traffic? Lakad kayo 'diba?" Bwelta naman ni Warren. Pinandilatan ko siya ng paningin. Ngumisi pa sa'kin, hanep na 'yan hindi makahalata.

“Traffic nga! Hindi pwedeng natraffic sa paglalakad?" Mataray kong sagot.

“Si George kasi!"

Sinamaan ko ng tingin si Tim, sisihin pa 'ko!

“What did she do?" Biglang singit ni Gray na nakasilip sa bintana.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon