“NAKIPAGUSAP PA DON SA YVO AT TRISTAN NA 'YUN!" Full volume na ani Wavin na siyang ikinareact ng lahat.
Bulungan sila as in, rinig na rinig ko naman. Nangunguna na don si Corine at si Olyvia. Hindi kasi nagsasalita man lang 'yung dalawa ni Mindy at Nadya. Nagsasawa na ata silang manglait ng kapwa. Sana sina Corine din.
“Dun ka na kaya sa kanila!" Iritang bulyaw sa'kin ni Corine.
Napangiwi naman ako. Inirapan ko si Wavin at Timothy na tahimik na sa gilid. Mga nakapokerface pa sila at halatang sinadyang sabihin sa mga Egg Warriors na 'to.
“Wala naman akong ginawa.”
“Really? Baka naman nakipagsabwatan ka na sa kanila?" bweltang muli ni Corine. “You know what maybe she shoudn't be here. Hindi niya dapat marinig 'yung meeting natin dahil baka ispill niya don sa kalaban. Napakatwo faced pa naman niya.”
Two faced?
Magsasalita na sana ako pero nagsalita si Zero. “Get inside.” aniya habang nakatingin sa amin.
Nakangusong naglakad ako papasok. Naghahalimaw na naman ang mga 'to. Buti nalang madami akong baon na pasensya.
Umupo agad ako sa upuan ko pagkarating. Hindi ko na nilingon sina Timothy kahit na kinukulbit nila ako. Umayos na din ang lahat sa pagupo. As always, mas behave pa sila kapag sina Zero 'yung nasa unahan kesa kapag 'yung teacher ang nandito.
Napahalumbaba ako habang pinagmamasdan si Zero sa una. Preskong nakatayo siya don habang nakapamulsa. Buti nalang pinapasok kami. Ba't kasi hindi sa'kin sinabi kahapon na bawal pala malate.
As usual, mukha pa rin siyang impakto. Kung tutuusin, meron nga silang pinagkatulad ni Yvo. Pareho nilang pinapahalagahan 'yung mga kaibigan nila. Nakakatuwa 'yung ganong trait nila pero hindi nun maaalis 'yung pagkainis ko sa kanilang dalawa.
O_O
Nanlaki 'yung mata ko nang biglang tingnan ako ni Zero. Iiwas sana ako ng tingin dahil nakakatakot siya kaso bigla aking tinawag.
“Come here."
Nagtinginan sa'kin 'yung iba. May nagsitawanan pa. Dahan dahan akong napatayo bago naglakad sa unahan.
“Omg, paaalisin na siya!”
Naku, huwag naman sana. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag pinaalis ako dito sa room.
“Anong gagawin ko dito?” tanong ko agad pagkarating. Sinulyapan ko din si Archer na nasa gilid ng white board. Tinitigan lang nila akong dalawa, hanep magpakaba jusme.
“Umalis ka na daw!!" sigaw nung ibang Egg Warriors na sinabayan pa ng kantyawan ng iba.
“ALIS NA!”
“AALIS NA 'YAN! AALIS NA 'YAN!”
Okay.. Pinapaalis nila 'ko, ulit.
Hindi ko hinayaan mamayani ang emosyon at saka hinarap si Zero. Sa kanya ko gustong marinig 'yung sagot. Kung paalisin niya man ako...hindi ako aalis! Lol, sinabi ko na sa kanya noin pa na kahit paalisin niya pa 'ko ng ilang beses ay hindi ko gagawin 'yun.
Kasama sa pagabot ng pangarap ang pagtitiis.
“HOYYY, BA'T PINAPAALIS NIYO SI GEORGE! SASABUNUTAN KO NA KAYO!"
Kanina lang kung ipagkaluno nila ko tapos ngayon pinagtatanggol naman nila ko. Ibang klase talaga.
Ano ba kasii? Tinaasan ko ng kilay si Zero dahil nakatitig lang siya sa'kin. Ano pa nga ba? Edi gandang ganda na naman.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 91
Magsimula sa umpisa