Hindi na ba siya magsasalita? Uupo nalang uli ako! Itinaas ko din 'yung isa ko pang kilay sa kaniya. Kapag hindi pa 'to nagsalita, lalayasan ko na siya.
“Do your job." iniabot niya sa'kin 'yung marker na hawak niya.
Ang maingay na silid ay naging tahimik kalaunan. Napamaang ako kay Zero na salubong pa ang kilay. T-teka? Hindi niya 'ko pinapaalis?
“A-anong sabi mo?"
Hindi ako bingi. Gusto ko lang na makasiguro na 'yun talaga 'yung sinabi niya.
“I said do your job. You're my secretary, right?”
Putanginams! Nagugulat man ay agad kong tinanggap 'yung marker na hawak niya.
”O-oo no! Ako kaya 'yung secretary, m-malamang magsusulat ako! Best in Handwriting kaya ako."
Andami ko pang nonsense na nasabi. Kinabahan ako bigla e, kung kelan naman hindi niya ako pinaalis saka pa. Gulo ko din eh.
“Tss.” pagsusungit nung impakto.
Nangingiting napaharap naman ako sa ibang Egg Warriors. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-irap nina Corine, ang pangangantyaw ni Kin, ang pagngiti nina August at ang pang-aasar ni Warren.
Maging ang pagkapokerface ni Gray.
Gusto ko tuloy bigla magyabang. For the first time, fir the first time hindi ako pinaalis ni Zero! Partida halos lahat sila gusto akong paalisin pero hindi niya 'yun ginawa. Awww! Bumabait na kaya siya?
“Ehem, so let's start.” pasimula ni Zero na siya ko namang ikinaseryoso. Okay, let's do our job properly!
“We're going to choose representatives for the following constest, singing contest, dancing, Mr. And Ms. Noblesse, Poster Making Contest and Spoken Word Poetry.” dagdag pa ni Zero na agad ko namang isinulat. “Let's start with Dancing Competition which is nahahati sa dalawa, group and solo. When it comes to group, 18 participants is required."
Hm, oo nga pala. Sa Dancing Competition 18 participants talaga 'yung required. So bale, lahat kami kasali sa competiton na 'to. Ang malas nalang talaga kung hindi marunong sumayaw.
So, Dancing Competition by group is lahat ng Section Z. Sino naman sa solo?
“Who wants to be the rep for solo dancing?" tanong ni Archer.
Nagbulungan silang lahat. Kanya kanyang turuan kung sino nga ba. Nagkakaingay na, halos hindi ko na nga marinig 'yung sarili naming mga boses. Tiningnan ko si Tim at Wavin, sinenyasan ko silang sumali pero agad na iling ang sinagit nila.
“AYOKO, TAMA NG ISA TUTAL NAPAKALOYAL KO!"
—_—
Syempre Wavin 'yan. Mangingibabaw talaga 'yung bunganga niya.
“Si Corine daw!” ani Warren na natatawa tawa pa.
Agad siyang tinaasan ng kilay ni Corine. “Ikaw nalang kaya, magtuturo ka pa! Ugly so much, iww!"
Napailing nalang ako.
“Si Achylis daw! HAHAHAHAAH!" Tawang tawang wika naman ni Jacob. Napasulyap ako kay Achylis na todo iling pa.
“Si Warren daw talaga 'yun!” wika naman ni Zedrick.
Turuan pa, jusme. So, sino na? Tiningnan ko si Zero na nakapokerface. Nasa katapat ko lang siya kaya medyo kita ko 'yung mukha niya.
“Stop pointing at someone, if they don't want to why force them? Hayaan niyo silang magvolunteer ng sarili nila."
Ay pak. Say 'yan ng president. Infairness ha. Medyo makatwiran. Buti naman akala ko mapapalaban na naman ako ng debate ih.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 91
Magsimula sa umpisa