抖阴社区

                                    

“Eh, teka.." Napalingon sa'kin si Zero at Archer. Nahiya tuloy ako bigla. “Pano kung walang magvolunteer?”

Sa lagay nilang 'to mukhang walang balak magstep up. Lahat nagtutulakan, lahat pa nahihiya!

Mukhang nagets ni Zero 'yung pinupunto ko. Saglit na nagisip pa siya bago sumagot. “Then we'll leave it blank.”

Napatango ako. “Okay."

Humarap na uli sina Zero sa kanila. Wala, nagtuturuan pa din. May napagtripan pang sumayaw sa gitna. -.*

“AY BET! ANG GALING GALING MO TALAGAAA, PAK!" Parang babaeng ani ni August kay Peter na nagtitinikling. “AY, OH! GALING MO BRO!"

Pfft. Nakakatawa sila.

Kanina si Peter lang 'yung sumasayaw ng tinikling tapos sinabayan ni Jacob, nagpandanggo sa ilaw naman! Lakas ng trip! Hanggang sa sinabayan na sila ng lahat. Maging sina Tim at Wavin, andon mukhang unggoy------este nagunggoy dance.

“IWWWWW!" Sabay sabay na wika nung apat na babae, sila nalang 'yung naiwang nakaupo pati na si Gray na serious mode pa din. Gusto ko na tuloy siyang ilipat into happy mode naman. Pangaraw araw nya na 'yung seryoso e, kelan naman kaya siya magiging masaya?

“SI ZEDRICK NA! SI ZEDRICK NA DAW YUNG SASAYAW!" Biglang sigaw ni Wavin.

Si Zedrick na daw? Bakit-----.

Nagtatanong palang ako sa utak ko nang biglang lumabas si Zedrick sa ataul, este sa kumpol ng Egg Warriors. Nahawan 'yun tapos naiwan siya sa gitna. Inalis nila agad 'yung mga bangko na nasa paligid.

Nakatigil siya sa gitna, hanggang sa may narinig kaming malakas na tugtog. Butter ng BTS, OMG!

“OHHHHHH!"

Nagsimulang sumayaw si Zedrick. Grabe.. Ang masasabi ko lang talaga ANG GALING NIYA! Ang swag ng galawan tapos on point 'yung facial expression. Napanganga na nga ako habang nanonood. Hindi ko na rin maiwasang hindi makireact sa tuwing gumagalaw si Zedrick.

“OMG, JOWA KO 'YAN!" sigaw ni Donald na ikinatawa naming lahat.

Natapos na ang sayaw niya, actually hanggang chorus lang 'yun. Bitin nga ih. Pero ang mahalaga! May natuklasan kaming bagong talent! At syempre..

“Looks like we have representative for solo dancing.” ani Zero.

May Rep na kami! Yey! Agad kong isinulat 'yung name ni Zedrick. Hindi naman siya tumutol man lang.

“Galing niya..” wala sa sariling komento ko habang tinitingnan si Zedrick na pinagkukumpulan ng Egg Warriors.

“He's our representative for dancing since 1st year.” biglang pagsasalita ni Archer sa gilid.

“Kaya naman pala ang galing!" Napangiti ako.

“Shhh, tama na! Oo na nga, magaling na. Next na!” iritadong wika ni Mindy. Iniirapan niya pa si Zedrick.

Nagtinginan naman sa kanya 'yung mga Egg Warriors. “Sus, nainlove ka lang eee!”

Biglang napatayo naman si Mindy dahil don. Masuka sukang tiningnan niya sila sabay sabi ng “YAKKKKKK!"

“Anong yak ka dyan! Galing galing netoo, hindi ka na lugi dito!” ani Warren.

“Kadiri ka!"

“Guyss! Sabi ko senyo si Maine lang para sa'kin, hindi babaeng mukhang pusit!" pangaasar ni Zedrick na siya namang ikinausok ng ilong ni Mindy. Ang ending, nagsagutan sila. -,-

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon