Naku pano ba titigil 'tong mga 'to.
“Hoyyy, stopppp! Galit na si Eros!" try lang baka tumigil sila.
Binalingan nila akong lahat. Akala ko magrereklamo sila pero kanya kanyang balik sila sa upuan nila. Omg, effective! Napangisi ako. Alam ko na panakot hihihi. Hindi din nagreklamo si Zero edi goods!
“Next is Mr. and Mrs. Noblesse, just like always there's Q & A, who wants to volunteer?"
Q&A? Nakakakaba naman pala.
Nagtaas ng kamay si Timothy. Ngiting ngiti pa siya, feeling ko talaga may hindi magandang balak 'to eh. Feel ko lang naman.
“Ikaw nalang pres tsaka si…." Kunwari pang nagiisip na wika ni Tim.
“Me!"
“… tsaka si George!” halos sabay pang wika ni Corine at Tim. Napangiwi naman ako nang magsimulang magkantyawan na naman ang mga Egg Warriors. Ba't ako nadamay? Sasabunutan ko talaga 'tong Timothy na 'to mamaya.
“AYIEEEEEE!"
“Ayoko hoyy!”
Wala akong talent sa rampa rampa at pagsagot na 'yan. Ayoko pati! Para ko na ding ipinahiya 'yung sarili ko sa pageant na 'yan.
“GEORGE AND ZERO NA!"
Kulit ng lahi ng mga 'to. Hinarap ako ni Zero ng nakakunot ang noo, mukhang inaalam niya 'yung opinyon ko. Agad akong umiling sa kanya.
“Ayoko. Alam ko naman na may mabuti kang puso kahit papano at hindi namimilit ng ayaw, hindi ba?" Nginitian ko pa siya ng pagkatamis tamis.
“Let's give it a try?"
Nanlaki 'yung mata ko sa sinabi niya. Putanginams! Ang husky pa ng boses niya nung sinabi niya 'yon. Nangaakit ba siya? Tapos kung tingnan niya pa ako parang tutunawin niya na ako sa tingin.
Hindi ko na maiwasang hindi mamula!
“AYIEEEEE!"
“NAPICTURAN KO! AHAHAAHAH!"
Napicturan?
Lumapit sa amin si Warren at saka ipinakita ang picture naming dalawa. Bahagyang magkalapit ang mukha namin habang halatang halata don na namumula ako!
“Pakierase! Sinasabi ko sa'yo, Warren! Nakuuu!”
Ang walanghiya nangasar lang. Busettt! Gigil na hinawakan ko 'yung pambura ng board. Ganda sanang mambato kung pwede lang!
“Let Corine be the rep tutal ayaw naman ni George."
Napatingin kaming lahat kay Gray nang tumayo siya. Ang dark ng aura niya actually.
“Yeah, I can do it! Partner kami ni Zero hihi." Maarteng wika ni Corine na may pagtaas pa ng kamay.
Nagtitigan muna sina Zero at Gray bago nagsalita 'yung impakto. “Alright, write Corine's name but don't write mine. Who wants to be rep?"
Teka, ayaw niya din? Kanina lang sabi niya let's give it a try. Anong kaplastikan 'yum? Simangot na simangot tuloy si Ate girl niyo.
“Si Achylis daw!"
Napanganga ako nang hindi tumutol si Achylis. Siguro dahol na din sa kantyawan ng barkada. Pero maganda na din 'to. Para maipakita naman niya sa mundo 'yung bagong siya. Great choice!
“Tanggalin niyo na pangalan ko diyan! Grr!” gigil na wika ni Corine. Hinarap ko naman siya.
“Kapag naisulat na hindi na pwedeng tanggalin, 'diba Eros?" Syempre kelangang involve si Zero. Baka awayin pa 'ko e.
Hindi ako nabigo dahil tumango siya. “Yeah."
Edi natahimik si Corine. Si Zero lang talaga katapat niya. Napasulyap ako kay Gray na ngayon ay nakaupo na, mukhang badmood ah. Kausapin ko kaya mamaya?
Sumunod ay Poster Making, ang panlaban namin don ay si Donald, then sa Spoken Word Poetry naman ay si Jacob. Isa nalang 'yung hindi napaguusapan. 'Yung singing contest.
“One girl and One boy."
Agad na nagtingin silang lahat sa akin pagkasabi non ni Archer. Napalunok ako. Hindi ko ata gusto 'tong nangyayari. Don't tell me?
“Noburi is our representative for singing comp for girls, next is rep for boys."
Tekaaa! Hindi man lang ako binigyan ng karapatang magsalita! “Eross----.”
“It's final."
Akala ko ba himdi siya namimilit? Kaasar!
Wala akong nagawa kundi ang ilagay ang name ko dun. Padabog ko pa 'yung isinulat, siniguro kong maririnig nila. Psh, kaasar!
“Si Gray! O kaya ikaw!" Sigaw ni Jacob.
Oo nga si Gray, magaling siyang kumanta. Si Zero parang magaling din, isang beses ko lang siyang narinig kumanta tapos mahina pa pero feel ko magaling din siya.
Sino kaya?
“I'll do it." Napatingin kami kay Gray nang tumayo siya. Waaahh! Confident si Gray, shala! Sanaol.
Kumpleto na nga 'yung mga representatives pero kinakabahan pa din ako. Paano naman ako diba? Pero di bale, kaya ko 'to! Kelangan ko lang ng sapat na practice at lakas ng loob.
George, fighting!

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 91
Magsimula sa umpisa