Aba't! “Magsorry nga sabi kayo!"
Pinandilatan ko siya. Mag-isip naman kayoo!
Hindi kami makakaalis dito kung hindi sila magsosorry. Makaalis man kami dito sure na puno naman kami ng pasa. Teritoryo nila 'to e.
“I said I don't want!"
Tigas ng ulo kaasar.
“Magsorry ka o ikukwento ko 'to kay Lolo M?”
Nanlaki bigla yung mata niya. Takot naman pala eh.
“You're blackmailing me!”
Hayy, jusmee. Napabuntong hininga ako. Saagutin ko na sana siya pero biglang nagsalita 'yung isa sa mga babaeng nakaaway nila.
“Miss, kung ayaw magsorry huwag pilitin. Sa baranggay nalang kami magkita----."
Shit, sa baranggay?
“Ay, hindi! Magsosorry sila! Diba? Diba?"
Pinanlakihan ko ng mata 'yung apat. Punyetanginams. Magsorrry na kayo!
Nadetention na nga ako tapos magpabranggay pa? Ang malas ko naman.
Ayaw ang makisama nina Corine. Iniirapan lang ako.
“Hindi tayo makakaalis dito kung hindi kayo magsosorry." Madiin kong wika. Sana naman makahalata na sila!
“Hayaan mo na!"
“Pero pre, gaganda no?"
“Mga ineng, layas na!"
Sari-sari na ang isinisigaw nila ng taong bayan sa amin. Antagal tagal pang magdecide nina Corine. Pinapatagal pa, mababaranggay kami nito ih.
Nakasimangot na tinitigan ko sila.
“Gusto ko nang bumalik, ayaw niyo?"
Nagkatinginan silang apat, naguusap usap gamit ang mata. Si Nadya ang unang umiwas bago napabuntong hininga.
“I'm sorry." Tila sumusukong wika ni Nadya. 'We didn't mean any of what we said."
Good! Yown! Nagsorry na si Nadya. Sunod kong sinulyapan si Mindy. Tumataas ang kilay niya.
“I just wanted to go home, sorry." Wika naman ni Mindy.
Sorry na siguro 'yun?
Medyo nakahinga ako ng maluwag. Sunod na sinulyapan ko si Olyvia. Nakacross arms pa siya, she's not even looking at us.
“Olyviaa.." Siniko siko ni Nadya si Olyvia. Inis na tiningnan niya 'to.
“What? Alright, fine."
Buti naman napansin niya na nakatitig lahat sa kaniya. Napakamot siya sa noo niya bago magsalita. “Sorry, okay?”
“Sincere na 'yun----."
Pinutol agad ni Olyvia 'yung sasabihin nung isang nakaaway nila.
“Sincere 'yun, okay? Hmp."
“Yeah, that was the sincerest thing she said today." Pasaring ni Mindy.
Napailing ako. Parang ewan talaga.
Si Corine nalang.
“I'm not going to say that word, hindi sa kanila!”
Maang na napatingin ako sa kaniya. “Nagkamali ka."
“I didn't! I wasn't wrong, magnanakaw sila. They took my belongings!" kinapa kapa niya 'yung bulsa ng suot niya. Inilabas niya pa 'yung bulsa niya. “See? My wallet and phone isn't here----.”

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 97
Magsimula sa umpisa