抖阴社区

                                    

“It's in my bag." Biglang singit ni Olyvia.

Ayun, nasa bag naman pala! Napasapo ako sa noo. Gulat na tiningnan ni Corine si Olyvia.

“Bakit napunta sa'yo?"

“You gave it to me before we walked." Paliwanag ni Olyvia.

Na kay Olyvia naman pala èh! Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Corine. Hindi tamang mabintang lalo pa't walang ebidensya.

“Oh, diba? Palabintang kasi!" Gigil na wika nung imga babae. Sinundan 'yun ng kantyawan ng mga nasa palengke, bata man o matanda.

Sabi ko na nga ba e. Napatingin ako kay Corine na namumula na sa hiya. Pumasok na sa utak niya lahat ng maling nahawa niya.

“Judgmental! Feeling mataas porke mayaman!" Sigaw nung isang bata na nasa tabi.

“You little---.”

Susugudin pa 'yung bata. Buti nahawakan agad nina Olyvia si Corine. Kainaman. Pati bata papatulan.

“Hindi ka ba pinalaki ng maayos ng magulang mo? Pati bata papatulan mo ah!"

“Baliw ka ba?!"

Nangagalaiti na sa galit 'yung mga tao na nandito. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.

“Magsorry ka na." Wika ni Nadya kay Corine na nakayuko.

“Hindi 'yan magsosorry! Masama ang ugali niyan!" Sigaw nung isang babae na kalapit na nung bata.

Napatingin ako sa kanilang apat. Sinenyasan ko na sila na iconvince si Corine na humingi na ng pasensya. Lumapit ako sa kanila tutal hindi ko rin marinig ang usapan nila ng maayos dahil nagkakaingay.

“Corine."

Sinulyapan ako ni Corine. “If you want to say sorry, do it yourself. Huwag mo na 'kong idamay."

Grabe. Siya na nga 'tong sinasabihan ng dapat gawin nagmamatigas pa?

“Eh, anong gusto mong gawin namin? Iwanan ka dito?"

Hindi ko na maintindihan. Ewan ko ba't parang ang taas taas ng pride niya.

“Ayoko nga, anong magagawa mo?" Giit niya sa mas seryosong tono.

I let out a deep sigh. Ayokong mainis. 

“Ngayon lang, kahit hindi na para sa'kin. Kahit sa sarili mo at kaibigan mo nalang." Tinitigan ko siya sa mata. 'Yung mga mata niyang puno ng kaba at pagkapahiya. Hatalang sa pride niya nalang siya kumakapit.

E, ano bang makukuha sa pagtaas lalo ng pride?

Magiging malala lang ang sitwasyon kung papairalin ang pride. It doesn't solve anything. Lahat ng sobra nakakasama, sobra sa love, sa pride, sa confidence.

Tiningnan ni Corine isa-isa 'yung tatlo na nakatingin dim sa kaniya. Napaikot ang mata niya bago magsalita.

“Fine."

Yown!

Para akong nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan. Sa wakas. Nakapagisip isip na siya.

“Sorry. Hindi ko sinasadya. I just thought na you stole sething from me…" agad na nagreact 'yung mga babae. “… but you don't. So, sorry." Wika niya sa maarteng boses.

Natahimik bigla ang mga tao sa palengke. They all looked at her.

Nadama ba nila 'yung pagsosorry ni Corine kaya natahimik sila? Or not?

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon