Enemies kaming dalawa. At kahit pa maging magkaibigan kami, I doubt na yayayain niya akong magpakasal. Pinanghahawakan ko rin 'yung sinabi niya na maski ako nalang ang nag-iisang babae sa mundo hindi siya magkakagusto sa'kin.
“What did I just hear?"
Nandito si Gray, mukhang gulat na gulat sa narinig.
Mas lalong napalayo ako kay Zero. Napaayos ako ng sarili bago tiningnan si Gray. “Oy, fresh pa ba 'yung hangin sa labas? Papahangin din ako."
Ipinaypay ko ang kamay sa sarili. Uminit bigla. Nagumpisa na akong maglakad. Hindi ko na hinintay na magsalita si Gray at saka nagtungo sa pinto. Kelangan ko ng hangin!
“Just kidding."
Just kidding? Teka.
Napalingon ako kay Zero na nakangisi. Nagloloko nga siya!
“Seee! Nagloloko ka ngaaa! Animaaall kaaaa!" Bumalik ako sa pwesto niya at saka hinampas. Kelangan kong makabawi sa pantitrip niya.
“Damn you, pres." Gigil na wika ni Gray sa gilid.
Natatawang tiningnan siya ni Zero. He raised one of his eyebrow as he look at Gray. “What? I didn't do anything."
Inis na tumalon ako para sabunutan si Zero pero nahuli niya lang 'yung kamay ko. Nakangising tiningnan niya 'ko, napasimangot ako.
Buset talaga mukha ng impaktong 'to.
“You're funny, Noburi."
Punyetanginams.
Buti nalang hindi ako paniwalain. At buti nalang alam kong hindi ako papatol sa lalaking 'to. Nakakadiri kaya, yakk!
“Funny mo mukha mo! Bitaw na nga, kaasar." Hinila ko 'yung kamay ko sa kaniya bago naglakad papunta sa pintuan. “Papahangin lang ako!”
Lumabas na ako ng kitchen area. Dumiretso ako sa may buhanginan sa labas. Magtatanghali na ngayon kaya medyo mainit na talaga pero keri naman ng balat.
Hindi ko nakita sina Timothy, siguro nagpapractice na sila. Hayy. Umupo ako sa hindi mainit na part. Kitang kita ang kumikislap na dagat. Nakakagaan ng loob. Nawala 'yung kaba na nararamdaman ko kanina.
Kinabahan ako talaga. Kasi kahit na sabihing trip trip lang 'yun ni Zero, 'yun pa rin ang unang beses na msy nagaya sa'kin na magpakasal. Ngayon lang din ako tiningnan ni Zero nang ganon kasincere. Kung ako si Corine baka sinagot ko na nga siya──kung ako si Corine.
Patay na patay 'yun kay Zero eh. Pero hindi ako. Gusto ko lang na maging magkaibigan kaming dalawa. Hindi pa 'ko ready na pumasok sa relationships na 'yan. Isa pa, kung si Zero lang din naman huwag na!
Pinanghahawakan ko 'yung mga salita niya kay Kuya, 'yung sinabi niya sa'kin kaya kahit anong mangyari alam ko na hinding hindi siya magkakagusto sa'kin.
Hindi si Zero. Alam kong hindi si Zero.
“Georgeeee! Kakain na daw!"
Kapupunta ko lang dito, kakain na agad? Ang bilis naman ata nilang magluto. Well, ano pa bang magagawa ko? Sakto gutom na gutom na di ako. Dami kasing drama sa kitchen. Jusme.
“KAKAIN NA DAWWW!" sigaw ni Wavin nang makitang hindi ako tumayo. Nasa may dulo ako pero rinig na rinig ko ang bunganga. Pakaway kaway pa sa'kin.
“ANDYAN NAAAA!" Sigaw ko pabalik bago naglakad pabalik.
—_—
Pasimpleng lumapit ako kayna Tim na lamon na ng lamon at saka sila tinampal. Inis na nilingon niya ako. “Annnwwoo?"

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 99
Magsimula sa umpisa