抖阴社区

                                    

Sabog sabog pa 'yung kinakain niya, tumatalsik talaga sa bawat pagsasalita noya. Ang baboy talaga niya minsan.

“Kadiri! Lunukin mo nga muna 'yan!"

Tinapik tapik ko siya ng malakas sa likod, agad na napaubo naman siya. “*Coughs*  B-bwigat ng kamay mo!"

“Ay, sori."

Nagpeace sign ako sa kaniya. Hindi naman mabigat kamay ko e pero hayae na. Binalingan ko si Wavin na sa pagkain lang nakatingin. Kinulbit ko siya.

“OH?!"

Nakaloud speaker na naman. -.-

“Ba't hindi niyo ko pinagtabi ng upuan?"Mahinang bulong ko.

Pagkarating ko kanina nakaupo na sila lahat. Kumakain na nga 'yung iba e, hindi ko naman sinasabing sina Tim pero parang ganon na nga. Nakakainis lang dahil 'yun lang 'yung chair na matira.

“BAKIT MAY PROBLEMA KA BA SA UPUAN MO?!"

Pinandilatan ko si Wavin. Buset, ibroadcast ba naman? Punyemas na 'yan.

“Oo nga? Ayaw mo bang katabi si Gray at Zero?"

Isa ka pa! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanilang dalawa.

“Ayaw mong katabi sila, iha?" Tanong bigla ni Lolo M.

Nagtinginan na saming lahat. Tumataas ang kilay ni Corine smantalang 'yung iba nakatingin lang habang punong puno ang bibig.

Nagpeke ako ng tawa. “Ay hindi ho."

Nagtungo na ako dun sa gitnang upuan sa tabi nina Gray at Zero.

“Umupo ka nalang kasi, George!" Sigaw pa. Inis na tiningnan ko si Tim.

“Nakaupo na nga ako, kita mo naman diba?" Pinanlakihan ko pa siya ng mata.

“AH, NAKAUPO KA NA PALA? AKALA KO NAKATAYO PA!" Bwelta ni Wavin na naging dahilan para magtawanan silang lahat.

Nangiinsulto 'tong mga 'to ah! Saya kayo?

Napabuntong hininga ako bago kumuha na ng kanin ko. Pinagmasdan kong mabuti 'yung ulam.

Alin kaya kukunin ko dito? Mukhang parehong masarap. May fried chicken pa! Eto. Inilagay ko sa plato ko 'yung chicken.

“Hmm.."

Alin pa kaya ang magandang kainin?

“This one, you said it taste like sinigang." Ani Gray, medyo sarcastic 'yung pagkakasabi niya pero natatawa siya.

“Halaa, bubu naman this girl. Malamang that's a sinigang!" Giit ni Olyvia na nasa kabilang side ni Gray.

Napanguso ako. Sorry naman, tao lang. Makabubu naman.

“Hoy! Makatanga ka naman sa friend namin, perfect kaaa?" Tila batang wika ni Tim kay Olyvia, 'yung mukha niya mas mukha pa siyang inapi kesa sa'kin.

“Just stating facts, lol." Giit naman ni Olyvia.

“It's called sarcasm, dzuh." Tila babaeng bwelta uli ni Timothy.

Napangiwi naman ako. Napadako ang atensyon ko kay Gray na nilalagyan ng ulam 'yung pinggan ko. Nakakahiya dahil nakatingin sa'min lahat.

“Ay, si Gray ba ang nagwagi hindi si pres?"

“Si Gray naman pala!”

“Salamat, tol." Ngumiti ako kay Gray bago kinuha 'yung kutsara.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon