抖阴社区

                                    

“Aray! Tol zone!"  Sinamaan ko ng tingin sina Warren. Kanina pa sila comment ng comment, ipapalunok ko na sa kanila 'yung mga buto dito eh.

Nginisian lang naman ako ni Warren. Napangiwi ako bago nagsimulang kumain.

“You want more, Lo?" Inaasikaso ni Spade si Lolo M. Umiling si Lolo at saka ngumiti.

“Gusto ko ng lechon."

“Hindi ka pwede non! Tch. Forget I asked you."

Napailing ako sa kanila. Parang bata si Lolo M hihi. Nanghihingi siya ng lechon kay Spade, eto naman si Spade ayaw siyang bigyan. Ang cute cute talaga ng bonding nila.

Pinasadahan ko ng tingin ang Class Z, busy sa pagkain 'yung mga lalaki. As in lamon ke lamon talaga! 'Yung mga babae naman, napakahihinhin.

Si Archer din pala, mahinhin. -,-

Kukuha pa 'ko ng kanin. Tumayo ako at saka inabot 'yung lagayan ng kanin. Nagtatakang tiningnan nila ako.

“Ubos na agad?" Wika ni August. Tumango tango ako.

“Oo, pangsecond ko na 'to."

I raises both my eyebrows to him bago nagsandok na ng kanina. Namili na ulit ako ng ulam. Alin naman kaya?

“This one. You said this is dabest, you even said pwede na 'kong mag-asawa dahil dito."

Nanlaki ang matang tiningnan ko si Zero. Nangaasar ba siya? Natigilan ang ibang Class Z sa pagkain dahil don. Pinaglagay pa ako ni Zero nang ulam sa plato ko.

Putek. Lulubayan na ata ako ng katawang lupa. Ano bang nakain nila? Punyeta na 'yan.

“Is Zero being sweet to this girl?" Nangiinsultong wika nj Corine na nasa kabilang side ni Zero.

Sweet?

“I did asked her to marry me, is that considered as being sweet?"

O_O - reaction naming lahat.

“WHATTTT?"

Samedt.

Ganyan din ang magiging reaction ko. Nagegets ko sila. Binalingan ko si Zero at saka hinampas sa balikat.

“Tama nang biro, para kang ano diyan.”

Aba't ang walanghiya ngumisi lang. Buset talaga. Kaasar.

“Hinampas mo si Zerooo at ngumisi lang siya?!"

Eh? Anong klaseng tanong 'yan. Jusko naman si Warren gulat na gulat pa talaga siya. Hindi lang naman 'to ang unang beses na hinampas ko 'yang si Zero, sinapak ko pa nga ih.

Mga ulyanin.

Lumamon nalang ako. Hindi ko na din namalayan na nakatatlong damak na pala ako ng kanin. Kumuha pa uli ako ng adobo at sinigang. Pareho namang masarap 'yung luto nila.

Ewan ko ba kung bakit parang nagpapaligsahan silang dalawa. E pareho namang masarap 'yung luto nila tsaka tyak naman na kahit anong lutuin nila ay magugustuhan ng Class Z. Hindi naman sila mapili, kahit nga buto ibigay mo dito kinakain pa-.-

“Waaaahh, busog na 'ko!”

Napangiti ako. Nagutom ako talaga dahil sa pinagagagawa namin kanina. Ang hirap kayang mangawat. Kaya I believe deserve kong kumain.

“Mabuti naman." Tila nangiinsultong wika ni Kin. Napangiwi ako nang tarayan niya ako. Nangiirap men! Langya.

Naguusap usap na 'yung ibang Class Z, nagkakaingay na. Nabaling ang tingin ko kay Tim.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon