“Tim! Hindi ka pa din tapos?" Hawak hawak pa rin ni Tim 'yung fired chicken na kanina ko pa nakikita. Kumakain ba siya talaga o naging statue na siya.
Oh, pati pala si Wavin eh.
“Hoyyy, Wavin!”
Walang epek! Ganon lang ang pwesto nila. Yuguyugin ko kaya?
Akmang tatayo na ako nang magsalita bigla si Nadya. “Zero asked you to marry him right? What did you answer?”
Napakunot ang noo ko bago tiningnan si Zero na nakacross arms. Tinaasan niya 'ko ng kilay nang mapatingin ako sa kaniya.
“Wala. Bakit naman ako sasagot?" Wala sa sariling sagot ko.
“He did asked you to marry him-----."
Pinutol ko ang sasabihin ni Corine. “He was only joking."
Awtomatikong pagkasabi ko nun ay ang paggalaw nina Tim. Sinamaan nila ako ng tingin.
“Akala ko totoo na! Magagalit ako sa'yo kapag hindi mo pinapaalam samin!"
“PASASABUGIN KO BAHAY NIYO, GEORGE! BATA KA PA HA!”
Ayuun, nabobother pala dahil don haha. Tumango tango ako at saka napapangiting tila sumusuko. Kahit kelan parang mga bata.
“AKALA KO TOTOO NA!" Wika ni Wavin. Napailing ako.
“It's not true. It'll never be true since they don't like each other, right George?” gray looked at me, his eyes are pleading.
Napalunok ako nang maging seryoso na naman 'yung mood.
“Ahh, hehe." Tanging naisagot ko lang.
Naiinis ako kay Zero. Totoong hindi ko siya gusto pero ang rude naman kung sasabihin ko 'yun ng harap harapan diba?
Tsaka ayoko namang magassume. Hindi namin gusto ang isa't isa but that doesn't mean hate na namin ang isa't isa. Oo, naiinis ako kay Zero pero hindi 'yung inis na sobra sobra.
“Stop deciding for other people." Bigla ay sabi ni Zero.
Sinasabi niya 'yun kay Gray pero patama din yun sa sarili niya? Hindi tumitingin sa salamin bago magsalita.
“Why? You don't like the idea of you and george hating each other?” madiing tanong ni Gray.
Nadamay na naman ako.
“Why are you so affected?”bwelta ni Zero.
Naglalaro ang mapangasar na ngiti sa labi niya samantalang kitang kita ko naman ang pagkuyom ng kamao ni Gray. Nagbabanggaan na naman silang dalawa.
Napapansin ko na madalas na silang nagaaway.
Ano ba kasing pinagaawayan nila? Bakit pati palagi akong nadadamay? Nananahimik na nga lang ako e, tinitigilan ko na nga ang pagiging bida bida pero pilit na isinasali pa din ako.
Makikisabat ba ako o hindi?
Napatikhim si Archer. Sinundan ni Spade, at ibang Class Z hanggang sa si Lolo M na ang tila umubo ubo pa.
May tb siguro sila. Sabay sabay pa.
“Nag-aaway ba kayo, iho?”
Oo nga. Nagaaway ba kayo? Hindi tayo makakasiguro kung hindi itatanong.
“Hindi po." Tipid na sagot ni Gray.
Tanging iling lang ang sinagot ni Zero. He tilt his head as he look at Gray.
“He's mad." tila nangaasar na wika ni Zero.
Agad na gumuhit sa mukha ni Gray ang pagkainis. “I am not mad, pres." Madiing sagot niya.
I am not mad pero nakakuyom ang kamao. Hindi ko na din maintindihan si Gray.
“Yes, you are."
“I'm not.”
Pabalik balik ang tingin namin sa kanilang dalawa. Ang sama ng tingin nila sa isa't isa. Nakakalimutan na ba nilang tropa sila?
“Ehem."
Napatingin kami kay Lolo M nang magsalita siya. Kalapit niya si Spade na seryosong nakatingin sa dalawa.
“Kung ano man ang pinagtatalunan niyo, ayusin niyo. Hindi magandang nagaaway kayo, magkaibigan kayo diba?"
Kaya nga!
“We're not fighting, Lolo."
Hindi sila nagaaway e ano lang? Mukha ngang magbabanggaan na sila kanina e. Gugulo ng mga lahi ng mga 'to.
“Hmm.”
Humalumbaba si Lolo M. “Tandaan niyo mga bata, ang tunay na lalaki patas lumaban." Biglang aniya na parang may pinatutungkulan.
Naguguluhang tiningnan ko si Lolo M. Bakit napunta sa mga kalalakihan? Paano naman ang mga babae?
“Marunong ba kayong lumaban ng patas?" Dagdag na tanong niya pa. Agad na nagtanguhan 'yung mga kalalakihan.
“OO NAMAN, LOLO! KAPAG LIMA ANG KALABAN, TATAKBO! HAHAHAHAHA!"
—_—
Siraulo talaga 'tong si Wavin.
Napailing ako bago napasulyap kay Zero at Gray.
“Marunong akong lumaban ng patas, sana ikaw din." Mahinang bulong ni Gray sapat na para marinig ko at ni Zero.
Walang sagot akong narinig dun sa impakto, seryosong nakatingin lang siya kay Gray pagkatapos sy ngumisi.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 99
Magsimula sa umpisa