抖阴社区

                                    

“Ang eng eng mo naman! Malamang isusuot 'yun. Dress nga eh." Bwelta niya.

Dress? O_O

“Bakit naman ako magsusuot ng dress?”

—_— - mga mukha nila.

They look so done. Si Nadya lang 'yung natawa.

“Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mindy.

“May marriage Booth kaya!" Dagdag pa ni Olyvia.

Napataas ang kilay ko. “Ano naman kung may marriage booth?”

Hindi ko sila magets.

“Myghad! Paano kung mapunta kayo ni Zero sa marriage booth? You're going to marry him I that lousy outfit?" Maarteng wika ni Corine.

Muntik na akong masuka. Jusko. Anong sinasabi niya? Kadiri ha. Bakit naman niya naisip na mapupunta ako sa marriage booth at ikakasal kay Zero? YAAAK HA!

“Oh, nagmamature ka na.” papuri ni Nadya kay Corine.

Patay na patay siya kay Zero ih. Nyare? Tapos sa'kin pa inasar, tss.

“Not bitter na?” tanong ni Olyvia.

Ngumisi si Corine, inikot ikot niya pa 'yung dulo ng buhok niya sa daliri niya. “Dzuh, may iba na akong gusto no." Nagfliphair pa talaga!

Ayun naman pala, may iba ng gusto! Wait, hindi kaya?

“Si Achylis?”

Napatigil sa pagiinarte si Corine. Medyo namumula pa siya. Teka, totoo ba?

“Pinagsasasabi mo? Magbihis ka nga dun!"

Aray ko pu! Itulak ba naman ako sa loob ng cubicle. Shuta. Kinatok katok ko 'yung pinto pero nakalock na.

“Hindi ko 'to isusuot!"

*BLAAAG!*

Napaatras ako nang kalabugin nila nang mas malakas 'yung pinto.

“Isusuot mo 'yan o ikukulong ka namin diyan forever?”

Aisssh! Oo na nga isususot na! Agad kong kinuha 'yung dress dun. Disente naman siyang tingnan. Kulay white, medyo puffy 'yung may shoulder part pero okay na din naman.

Hayy, nakakaasar. Hindi naman kasi kadress dress 'tong Marriage booth na 'to. Tss, itapon ko kaya? Tapos 'yung jacket at jogging pants nalang isuot ko kekeekekek~.

“Mahal ang bili ko diyan.”

Itatapon ko na e tapos biglang nagsalita si Nadya. Naguilty ako bigla. Sige na nga, isusuot na!

“Tapos na!" Sigaw ko.

“Sure?" Boses ni Mindy.

Jusko. “Oo nga!" Kulit ha.

Binuksan na nila 'yung pinto, nakalock kasi sa labas hindi ako makakatanggi.

“Oh, that suits you well…” dahan dahang bumaba ang tingin nila sa paa ko. “… .not.”

Ano pati 'tong sapatos ko?

“Okay na 'to!” akmang lalakad na 'ko palabas pero pinigil nila ako.

“Iwww, baduy." Ani Corine na animo'y diring diri.

I sarcastically smile at her. “Ako naman susuot ah!"

Daming paek-ek.

“No way! Ang gaganda namin tapos ikaw ganiyan?" Olyvia eye me from head to toe.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon