抖阴社区

                                    

Ano ba naman kasi 'to! Dapat nasa backstage lang ako, jusme.

“But it's okay at least nakita ko na ayaw mo 'kong masaktan."

O_O

Napaharap ako sa kaniya. Nakangiti na siya! Ang bilis magbago ng mood, hanep.

“That's what matter to me." Aniya. “Now, will you accept this as sign of our friendship? Kahit 'yun nalang.."

Napatitig ako sa bulaklak. Binibigay niya ulit sa'kin. Wala talaga siyang kasing kulit. Nilingon ko ang Class Z na umiiling iling at si Zero na seryoso lang na nakacross arms.

They were telling me to not accept the flowers pero..

“Thank god!" Bulalas ni Tristan. Akala mo'y nanalo sa lotto nang tanggapin ko ang bulaklak. Jusko! “You accepted my flowers!"

Tuwang tuwa?

Napangiwi ako bago napipilitang napangiti. “Oo. Pwede na siguro ako bumaba 'no?"

Kakanta pa ako mamaya. Nakakastress na dito sa taas.

“Yeah! Thank you for accepting me as your friend! Goodluck to your performance later!"

Parang bata. Naiiling na tumalikod ako. Pero bago 'yun nasulyapan ko pa si Gray na nasa may gilid papunta sa backstage. Ang dilim ng aura niya. Nakakatakot. Napatigil ako sa paglalakad pero tinalikuran din naman ako ni Gray.

Mukha siyang galit? Pero bakit naman siya magagalit?

Aissh! Itatanong ko nalang mamaya. Kelangan ko munang makaalis dito sa itaas.

“Hoy! Ang cheap mo ha! Si Tristan na 'yun, ayaw pa?"

Jusko, lord. Tulungan mo 'ko. Bago pa lang ako bababa. Lumapit na agsd sa'kin 'yung kumpol ng mga kababaihan. Puro galit. Kasalanan ko pa? 'Yung iba gusto pa 'kong sabunutan.

Hindi ako makakadaan nito!

Stuck din 'yung Class Z nang tingnan ko sila. Pinipilit nilang pumunta sa direksyon ko pero hindi nila magawa.

“George, wait mo kami diyan---."

Wait? Paano ko sila mahihintay? Jojombagin na 'ko dito oh. Myghad.

Napaatras ako pataas ulit ng stage kung nasaan si Tristan.

“Guys, please don't bully her!"

Ayan kasi. Mga ex-girlfriends niya ata 'yung mga nagagalit. Oh, ayan. Awatin mo huhu! Pknagbababato na naman ako. Langya, may necklace pang ibinato!

Napalapit si Tristan at saka pumunta sa unahan ko. Napaatras ako.

“Don't blame her, it's not her fault. It's my fault----."

“Kasalanan niya! Pinakawalan kita noon dahil sabi mo may sineseryoso ka nang babae, siya pala 'yun!" Sigaw nung isang babae na hinuhubad ang sapatos. “Tapos sasaktan ka lang niya?! Ang kapal niya naman!"

Nanlaki ang mata ko nang ibatikal niya papunta sa akin 'yung sapatos niya. Napanganga ako pero iniready ko ang sarili sa paparating na sapatos. Anong akala niya natatakot ako sa sapatos niya? Kapag nasambot ko 'to, itutuktok ko 'to sa ulo niya.

Sapatos lang 'to, si George ako. Oh, ayan na! Palapit na----AYY.

“Tsk."

Maang na tiningnan ko si Gray nang higitin niya ako sa braso palapit sa kaniya. Nakakunot ng sobra ang noo niya. Kala ko ba nagalis na 'to?

“Gray."

Inirapan niya ako bago sinamaan ng tingin si Tristan na nasa amin na din ang atensyon.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon