“Basta inagaw mo nalang 'yung tray matapos mong inumin 'yung drinks na nakalagay don."
Uminom ako. Oo, natatandaan ko na. Uminom nga pala ako. Ang pait nga e pero kalaunan naman ay nasasanay na din ako sa lasa.
Ibang klaseng juice 'yon.
“Ay, oo. Uminom nga ako ng juice."
“Hindi po juice yon, ma'am. Alak po."
Alak yon? Kaya pala ganon ang lasa. Mapait. Gumuguhit sa lalamunan pero nandon din yung tamis.
“Augh...alak pala." Napahawak ako sa ulo ko, umiikot talaga ang paligid. “Ganon pala ang lasa ng alak."
Kung nandito si kuya, tiyak na papagalitan niya ako. Pero wala siya dito kaya okay lang siguro 'yon. Hindi naman niya 'ko kita.
“Ayan na kuya, sinasauli ko na sa'yo ang tray." Napatingin ako dun sa tray na inaabot ko kay kuyang waiter. Meron pang dalawang baso na may laman. Pinakatitigan ko 'yon.
Hinahamon niya ba 'ko? Mas tinitigan ko pa 'yung baso. Kahit anong tingin ko, hindi pa rin mabago 'yung tingin ko dun sa baso.
Hinahamon niya nga ako!
Akmang maglalakad na si kuyang waiter nang damputin ko 'yung dalawang baso ng alak na nandon, tuloy tuloy kong nilagok 'yung laman ng isang baso.
“Noburi."
Naririnig ko ang boses ni Zero. Nandon yung maawtoridad na tono ng boses niya. Hindi ko alam kung bakit niya binanggit 'yung pangalan ko. Marahil ay naiinis siya, gusto niya sigurong siya ang uminom nung isa pero kinuha ko pareho.
“Waahh!"
Ang pait!
Naramdaman ko ang pagguhit ng alak sa lalamunan ko. Hindi ko naman gustong uminom, totoong accidental lang 'yung unang beses na uminom ako pero 'yung pangalawa at pangatlo, hehe.
Uutuin ko nalang si kuya mamaya, hshs.
“Misss…"
“P-po?."
“Aalis na po ako."
Nagpapaalam pa si kuya. “Shige, k-kya hihi." Nagbabye pa ako sa kaniya.
Hmm, ano kayang gagawin ko?
Nasa sayawan pa rin sina Timothy. Si Wavin hindi pa din bumabalik. Ah! Tama. Hahanapin ko nalang 'yung angry bird na 'yon. Lagoootttttt siya sa'kin. Grr.
“Okieeyy, okeeyyy. T-tatayo akkoo."
Tatayo ako at hahanapin ko 'yung angry bird na 'yon. Napapameywang ako habang nakatayo.
“KAPAG NAHANAP KO SIYA LAGOT SIYA SAAKINNNN!"
Okayyy! Operation hanapin si Wavin. Lezzzzzggooooooooo.
“Noburi."
Eee? May nagsalita! Kaboses ni Zero. Luminga linga ako para hanapin 'yung impakto sa paligid. Nandito siya e, alam koo.
Wala naman sa harap ko. Hm, sa likod kaya?
“Himmmpakktooooo!"
Grabee. Nakakatakot.
Napaurong ako at saka napahawak sa lamesa. Bakit nasa likuran ko siyaaa? Buset talaga 'tong impakto na 'to, bigla biglang sumusulpot.
“Anwong…. GINAGAWA MO DIYAAAANNN?!!!"
Masamang tiningnan ko siya. Sinasamaan niya rin ako ng tingin. Hindi ako magpapatalo! Mas lalong pinanlakihan ko siya ng mata.
Nakakunot na ang noo ko dahil hindi ko siya gaanong maaninag dahil sa ilaw na nanggagaling sa dance floor.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 118
Magsimula sa umpisa