抖阴社区

                                    

Si Zero ang naghatid sa'kin?

“T-teka, y-yung impaktong yun ang naghatid sa'kin?!"

He look annoyed. Inilayo niya pa yung sarili niya sakin. “Oo. Pano nangyari yun ha?"

Si Zero ang naghatid sa'kin?

“Alam kong nagaalala ka. Salamat sa pagaalala sa tanong nagmamahal sa'kin. Maraming salamat."

Ay tekaa. Niyakap ko siya! Shutanginams. Niyakap ko siya kagabi.

Napaupo ako sa sahig. Hindi nagsinsink-in sa utak ko. Niyakap ko si Zero! Omyghad.

“Tsk. At ngayon tumatawag tawag yang lalaking yan. Magtapat ka nga sa'kin, ano mo ba siya?"

“WAAALAAA!"

Nanlalaki ang mata ko sa gulat alam ko. Nakakainis naman kasi yun si kuya. Buset.

“Bakit ganiyan ka makareact?"

Nakataas na ang kilay niya. Susko.

“Wala nga kasi. Kaklase ko lang yun. K-kaibigan din daw sabi niya."

“Tch. Kapag nalaman ko lang na nililigawan ka ng lalaking yun, lagot siya sa'kin."

Nanlaki ang mata ko. Nakakuyom pa ang kamao niya ng sabihin yun.

“KUYA, WALANG GANON!"

“Siguraduhin niya lang." Masungit niyang sagot. “Binalaan ko na siya na baka kainin niya yung sinabi niya noon na hindi ka niya liligawan 'ever'."

Naalala niya pa pala yun. Yung unang punta dito ni Zero sinabi niya nga na hindi niya ako liligawan kahit na ako na lang ang kaisa-isang babae sa buong mundo. Buset na buset siya sa'kin e. Ako din naman….noon.

“Hindi niya ako liligawan….." Nandidiring napatingin ako sa kaniya. “KADIRI!"

“Oh? Hindi ka niya magugustuhan? E, ikaw?"

A-anong…Bakit niya naman natanong yun. Hindi ko na talaga maintindihan ang tumatakbo sa isipan niya.

Sandaling natigilan pa ako sa pagkagulat sa tanong niya. Napalunok ako. Masyadong minamaliit ni kuya ang kapatid niyang maganda.

“Natahimik ka ata?"

Agad akong nakabawi at saka napipilitang sumagot. “Hindi ako magkakagusto sa impakto na yun! Itaga mo pa sa noo mo, hmp."

He make an irritated face. “Siguraduhin mo lang."

Hay. Nakahinga na ng maluwag. Buti nalang hindi niya pa pinahaba yung usapan. Gigisahin niya na naman ako. At buti nalang hindi ako pinalayas.

Paalis na siya ng kwarto ko. Agad kong tiningnan yung phone ko pero nandon pa pala siya.

“Kung may magugustuhan ka man, si Gray nalang."

Eeeeeeeeee?

Pinagmasdan ko ang likuran niya. “Mas panatag ang loob ko kung si Gray ang makakatuluyan mo." Yun ang huling sinabi niya.

What was that?

Ilang minuto din akong nakatunganga sa kwarto ko. Nagpapabalik balik sa isip ko yung sinabi ni Kuya. Si Gray? Bakit si Gray? Sa tuwing pinaguusapan ang lablayf ko, palagi niyang binabanggit si Gray.

Hindi kaya… gusto niya si Gray na mapangasawa?!

“Mas panatag ang loob ko kung si Gray ang makakatuluyan mo."

Ay hindi e. Sa sinabi niya parang gusto niya na si Gray ang mapangasawa ko. Oo, mapangasawa.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Andaming pumapasok sa utak ko. Kinakabahan ako. Baka mafia boss pala si kuya tapos madeds nalang ako bigla dahil hindi ko sinusunod yung payo niya.

> /// <

Ay! Nakakahiyaa. Buti nalang wala dito si Gray kundi baka maglumpasay ako sa hiya. Tss, papanotin ko yun si kuya e.

Trip na trip akong ipagpilitan don kay Gray. E brad lang naman kaming dalawa. Nagagalit pa nga sa'kin si Gray. Hindi pa rin kami ayos na dalawa. Hayy.

Hindi ko pa alam kung magkakausap pa kami ng maayos ni Gray. Mainit ang dugo niya sa'kin.

Napabuntong hininga ako.

Tapos kung ano ano pang kabaliwan ang sinasabi ni kuya. Nakuuuuuu!

*PHONE VIBRATING*

“Ay palaka ka!"

[ Impakto calling… ]

Buset! Nanggugulat naman 'tong Zero na 'to! Tumawag? Aish, sagutin ko na nga ng matapos na.

“Oh?"

May ingay na nanggagaling sa kabila. Kalampog? May nagpupukpukan ata ng kawali don. -,-

“Good morning."

Iba yung boses niya. Mukhang paos siya at paubo ubo din siya.

“Nyare sa'yo?"

“I'm sick."

Sick? I gasp. “Hindi mo alam? Matagal na kaya."

“Noburi." Malamig ang boses niyang sagot.

Napasimangot ako. “Joke lang. Hindi ka naman mabiro."

“Whatever."

“Anong kelangan mo?"

“I'm sick."

O-kay? Kanina niya pa pinaulit ulit yun. Ano namang gusto niyang gawin ko sa kaniya?

“Oh, tapos?"

He let out a deep breath. Rinig na rinig ko sa phone.

“I said I'm sick."

“Edi uminom ka ng gamot! Ano ba naman yan, Eros."

Ang talino niyang tao tapos hindi niya naisip yun. Tchtch. Matindi na tama niya.

“Can't move."

Umupo ako sa may kama ko at saka inayos yung higaan ko. Inispeaker ko nalang yung phone para marinig ko ang sinasabi nung impakto.

“Magpatulong ka kayna Timothy. Kaya mo na yan." Sinadya kong sungitan ang boses ko.

“*/Coughs, Ayaw nila."

Ayaw? Napalapit ako sa phone ko. “Bakit naman?"

“They don't want to catch my cold."

Ayts. Napafacepalm ako. Sina Timothy nga yon. Baka nga kahit ako ang may sakit hindi nila ako tulungan e.

“Edi si Gray at Archer, andyan sila diba?"

Bakit ko ba 'to ginagawa? Nagbibigay ako ng advice sa kanya na parang close na close na kami kahit hindi naman talaga. Napasobra naman ata ang pagiging fc niya sa'kin. Gustong gusto niya talaga akong maging kaibigan nong una palang siguro.

“Ayaw din nila."

Ay, anu ba yan. “Pilitin mo."

Ewan ko ba dito sa impaktong 'to, nawala na ata yung leadership skills niya nong nagkalagnat. Nalilimutan pala yun.

“Ikaw nalang."

Maang na napatingin ako sa phone ko. “Aba, bakit ako aber?"

“You're the reason why I catch a cold. Remember, last night? You hugged me----."

“AHHHHH! WALA AKONG NARIRINIG! WAG KANG MAGIMBENTO, PANGET! PANOT!"

“Alam kong nagaalala ka. Salamat sa pagaalala sa tanong nagmamahal sa'kin. Maraming salamat."

Tanga mo kasi george. May payakap yakap ka pa! E nadala lang naman ako ng tuwa kay Zero e!

“You're the reason why I catch this cold so be my nurse, Noburi."

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon