抖阴社区

                                    

“AWW! BAWI!"

Napalunok ako nang mas lalong naging seryoso ang laban. Gameface na gameface silang lahat. Bumibilis na lalo ang mga kilos nila.

Halos pantay ang laban. Sa tuwing nakakascore sina Zero ay nakakascore din sina Sir. Ganoon ang nangyayari, kung hindi makakabawi ay tabla naman.

Sino nga kaya ang mananalo?

Kung ganito ng ganito, ang mauubang maka25 ang mananalo, paunahan nalang.

“Halos pantay lang ang laban nila."

Agree!

“Ang cool nung lalaking nasa gitna, KYAHH!"

Lalaking nasa gitna? Aughh, si Zero. Cool siya?

Pawisan na siya pero hindi halata ang pagod sa mukha. Ganito talaga siguro kapag may pinaglalaban.

“Hindi kaya! Mas cool yung nasa likod niya!"

Si Gray yung nasa likod ni Zero. Katulad ni Zero, cool din siyang tingnan. Kahit na nasa laro nakapokerface pa din siya.

Sina Tim, Wavin, Archer din. Si Kin din pero mukhang may inis siyang nararamdaman since kalaban niya ngayon si Rin.

“5 MINUTES BREAK!"

Nagwhistle pa si Sir. Agad na tumayo ako at saka tumakbong palapit sa kanila dala dala ang bottled water na binili ko kanina. Dali-daling lumapit ako sa kanila. Uhaw na sila, alam ko. Kaga ibibigay ko 'to kay Zero.

Nagtatakbo ako palapit sa kaniya.

Pinapalibutan siya ng ibang itlogz. May iba pang students na babae ng Class B na nandito din may dalang tubig.

“Uhm.. Here I brought you this." Wika nung isang medyo blonde ang buhok na inaabit kay Zero ang bottled water na hawak niya. Napaform pa ng circle ang 'yung iba, sila 'yung nasa gitna.

“Awiiie! Alis diyan!" Kantyaw ng Class Z dun sa babae. Pati na ibang Egg Warriors. Mangiyak ngiyak na tuloy yung babae. Ano bang ginagawa nila? Nambubully na naman. -.-

“Why are you giving him that, bitch!" Todo singit pa si Corine sabay turo dun sa babaeng blonde na kaharap ni Zero.

“Z-zero." Pagbanggit nung babae sa pangalan ni Zero. Nakapokerface na tiningnan ni Zero 'yung babae.

“Hoy, alis na diyan!" Bulyaw ng Class Z, pati Class B. Sinisita siya. Specially si Rin at Nero na ang lakas ng bunganga.

“T-tanggapin mo na kasi 'to para umalis na 'ko." Utos nung babae kay Zero.

“Tatanggapin kaya niya?" Rinig kong tanong ni Tim sa'kin? Ako pa tinanong, susko. Napakibit balikat ako.

“Aba, malay ko."

Kapag tinanggap niya edi sa iba ko nalang ibibigay 'tong dala ko. Sayang din naman kasi yung effort nung girl kung hindi nya tatanggapin.

“Huwag mong tanggapin!" Sigaw ni Warren nang ihaba pa nung babae ang kamay niya para iabot kay Zero yung tubig.

Tinitigan yun ni Zero. Tatanggapin kaya niya?

“Ano na?" Sigaw ni Rin sa kabila.

Nagulat ako nang tumingin si Zero sa'kun. He was looking directly into my eyes. Nagsitinginan na din tuloy sila sa'kin.

“Ayy! Puta ka!"

Hayuff talaga 'tong si Warren, bigla bigla nalang akong tinutulak. Gigil na inambahan ko siya ng suntok pero nakatakbo na agad. Buset talaga.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon