Shutaaa, anong nagawa ko? Pinaparusahan ba ako dahil sa palagi akong nasasangkot sa gulo? Baka kaya ikinulong nya ako dito dahil ayaw nya akong makita!
“Waaah! Sorry na po. Hindi na po ako makikipagaway!" Kinatok katok ko yung pinto. Sana may tao sa labas. “Hello? May tao ba dyan? May tao dito! Lolo, help!"
“Ang ingay."
Natigil ako sa pagkatok at saka napaharap sa lalaking nagsalita, si Kin. Nasa may taas siya. Gulo gulo ang buhok at namumula ang mata. Halatang kagagaling pa lang nya sa iyak. Balot na balot din siya ng jacket.
“Kin, nandito ka pala. Kanina pa kita hinahanap."
Buti nalang nandito siya. Blessing in disguise na din 'yung paglock sa'kin dito ni Lolo M. Makakausap ko si Kin nang masinsinan.
Naglakad siya pababa. “Hindi kita gustong kausapin, alis." Malamig ang tono ng pananalita nya, naglakad siya patungo sa kinaroroonan ko.
“Importante 'to---."
“Bingi ka ba?" Bahagyang itinaas nya ang isang kilay nya. “Ayaw nga kitang kausap."
Napalunok ako bago tumitig sa kaniya. Nagexpect na 'ko ng ganitong treatment sa kaniya. Kasalanan ko din naman, hindi ko naman siya masisisi.
“Kahit saglit lang?"
Gusto ko talaga siyang makausap. Kahit saglit na saglit lang. Iritang napaiwas siya ng tingin sa akin. Nang muling lingunin niya ako ay nanlilisik na ang mga mata niya.
“Tanga ka talaga no?" Nakakalokong ngumiti siya. “Alin ba sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan? O talagang ayaw mong intindihin dahil nagtatanga-tangahan ka na naman?"
Nagtatanga-tangahan?
Napakagat ako sa labi para pigilan ang inis. Pinilit kong icompose ang sarili. Hindi ako dapat pumatol. Hindi ako dapat magalit.
“Sorry." Naikuyom ko ang kamao. Lulunukin ko ang pride ko ngayon dahil gusto kong makausap si Kin. “Gusto talaga kitang makausap---."
“HINDI NGA KITA GUSTONG KAUSAPIN! UMALIS KA NA!"
“Teka--."
Ang sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko. Napangiwi ako. Pinanlalakihan niya 'ko ng mata.
“ANG KULIT MO NAMAN!"
Mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko. May balak pa ata siyang baliin ang braso ko. Mas lalong napangiwi ako. Pinilit kong bawiin ang braso ko pero ayaw niyang bitawan.
“Masakit."
Hindi niya 'ko pinakinggan. Scratch that. Wala nga ata siyang naririnig. Nakafocus lang siya sa akin at sa galit niya. Eto nga ata 'yung sinasabi nila, magiging halimaw ka kapag galit ka. Papangunahan ng galit, makakapanakit ng kapwa at magpapakawala ng masasakit na salita na mas matindi pa sa kahit anong sakit ng katawan.
“K-kin."
Habang mas humihigpit ang kapit niya sa braso ko, ramdam ko ang init ng kamay niya. Sobrang init. Agad kong sinapo ang leeg ko bago hawakan ang kamay niya.
May lagnat siya.
“Ano bang ginagawa mo?!"
*PAK*
Malakas na tinampal niya 'yung kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Nabitawan niya din ang braso ko. Agad na tiningnan ko 'yon, namumula ang kamay ko at braso ko. Tinry kong hawakan 'yung braso ko pero napangiwi lang ko.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 130
Magsimula sa umpisa