抖阴社区

                                    

Huwag sanang mamaga.

“Ang init ng kamay mo." Pagbaling ko sa kaniya na sinasabunitan ang sarili. “May lagnat ka.."

“Wala kang pakealam."

Tinalikuran niya 'ko. Hinabol ko siya at saka hinawakan sa braso. “May cellphone ka ba? Tatawagan natin si Lolo M. Ipapaalam natin na nilalagnat ka para palabasin niya na tayo dito---."

“Pakialaman mo nalang sarili mo!"

Tinabig niya 'yung kamay ko. Nakakailan na 'to. Kanina pa niya pinupuntirya ang kamay ko. Humugot ako ng malalim na hininga.

“Kelangan mong uminom ng gamot at magpahinga." Seryoso kong wika.

Hindi niya ako sinagot. Lumakad siya paalis. Agad na sinundan ko siya.

“Pwede huwag nang matigas ang ulo mo? Masama na pakiramdam mo, nagiinarte ka pa."

Matitiis ko pa kung nagsusungit siya na walang sakit pero may sakit siya. Mas kelangan niyang makainom ng gamot at magpahinga.

Ayaw tumigil sa kalalakad.

“Kin!" Sigaw ko. Huminto din. Sana kanina ko pa siya sinigawan.

Inis na tiningnan niya ako. “Close ba tayo? Para sa kaalaman mo, HINDI." Inemphasize pa talaga niya 'yung hindi.

“Kaya huwag lang umakto na parang close tayo. Nalimutan mo na ba ang sinabi ko kanina na kahit anong mangyari hangga't nandito ako hindi ka magiging belong."

Ngumiti ako sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.

“Hindi ko nalilimutan. Galit ka sa'kin, alam ko. Hindi ko malilimutan 'yun dahil nakatatak 'yun dito." Itinuro ko ang ulo ko. “At dito." Itinuro ko namang sunod ang bandang dibdib ko.

“At huwag kang mag-alala, makalimot man ako't magkaroon ng amnesia. Pero eto.." I placed my hand on my chest. “… hinding hindi 'to makakalimot."

Nakatatak na sa puso ko lahat.

“Kahit ano ngang gawin ko e, kahit na gusto kong kalimutan hindi ko makalimutan. Pinaulit ulit niyo ba naman." Pagak na natawa ako. “Pero huwag kang mag-alala hindi ko kayo sinisisi."

“George."

Nagpilit ako nang ngiti. Nakatitig lang siya sa'kin, waring hinihintay ang susunod kong sasabihin. Hindi ako nagsalita.

“Hindi mo ako maloloko."

Natigilan ako. Bumalik ang dating tingin ng mga mata niya. Nanlilisik, kagaya kanina nung kaharap namin siya.

“May natitira pa akong katiting na awa sa'yo kaya lumabas ka na." May pagbabanta sa boses niya. Napalunok ako.

The way he said it pinapamukha niya sa aking ako na pinakanakakainis na taong nakilala niya. Parang ako ang kinasusuklaman niya. Most hated person ni Kin. Nays.

Pero ano naman ngayon?  My inner thoughts were battling against me.

Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita.

“Gusto kong magsorry sa'yo." I straightly look at his face. “Hindi ko alam na si Sophia pala 'yung tinutukoy sa text. Hindi ko rin alam na girlfriend mo siya. Hindi ko sinasadyang guluhin ang pananahimik niya."

Sinsero kong sinabi 'yun. Blangko ang expression sa mukha niya.

“Yun lang ang gusto kong sabihin."

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon