Lumakad ako palayo. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Siya na bahala kung patatawarin niya 'ko o hindi. Medyo naaawa na din kasi ako sa sarili ko. Kanina niya pa 'ko minumura't sinasaktan.
Hindi ko naman siguro deserve na masaktan.
Nakakapagisip isip ako minsan. Paano kaya kung wala nalang akong pakialam sa kanila? Kung hindi ko pinapahalagahan ang friends ko, ang Class Z, sina Lolo M? Paano kaya kung naging isang walang pakealam na lang ako? Kabaliktaran sa pakialamerang George na kilala nila. Hindi nakikisali sa kanila, walang pakealam sa paligid.
Mas magiging magaan kaya ang pakiramdam ko? Mas magiging tahimik? O mas lalong gugulo?
“Hindi ko kelangan ng sorry mo." Giit niya. Napatango tango ako bago tumigil sa paglakad.
“Sorry."
Kibit balikat kong sagot. Mas lalo siyang nainis dahil don. Lumapit siyang muli sa akin at saka tila gigil na napasabunot sa sarili. Akmang hahawakan niya 'yung braso ko pero hindi niya tinuloy.
Pasimpleng napangiti ako. May konting awa pa naman pala.
“Hindi ko talaga alam 'yung tungkol sa girlfriend mo. Hindi ko simasadya." Pagsasalita kong muli.
“Tumahimik ka nalang dahil kahit anong sorry mo hindi ko tatanggapin."
Napabuntong hininga ako. Ang hirap kausap ni Kin. Mapanakit masyado. Pwede siyang iline up kayna Zero.
“Kin." Napataas ang kilay niya. “Hindi ba talaga tayo pwedeng maging magkaibigan?" Tanong ko na ikinagulat niya.
Hindi siya agad sumagot pero sana magbago isip niya. Sana man lang makita niya na sincere ako at gusto ko talaga siyang maging kaibigan.
Nakita ko ang paglunok niya bagp sumagot. “Hindi tayo kelanman magiging magkaibigan, George." Aniya. “Kaya simula ngayon, huwag na huwag mo na 'kong kakausapin. Huwag ka na ring lalapit sa'kin."
Aww. Nakaramdam ako ng lungkot. Bahagyang yumuko ako bago tumalikod. Iniwasan kong tingnan siya.
“I see. I understand." Sagot ko nalang bago maglakad palayo.
Medyo nakakahurt pero wala tayong magagawa. Ayaw talaga niya 'kong maging kaibigan. Alangan namang ipilit ko sarili ko diba?
*BLAG!*
May kumalabog!
Agad kong nilingon si Kin at tama nga ako. Nasa lapag siya. Nagtatakbo ako palapit sa kaniya.
“Teka, namumutla ka na." Akmang aalalayan ko siya pero tinabig niya ang kamay ko. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.
“Nangengealam ka na naman. Pakialamera talaga."
Itinulak niya ako palayo. Nakapanood lang ako sa habang pinipilit niyang tumayong mag-isa. Pero kahit anong pilit niya napapaupo pa rin siya.
Napabuntong hininga ako. “Tulungan na kita---."
“KAYA KO!"
Itinulak na naman ako. Napapikit ako sa inis. Nagpupumilit talaga siya, e hindi niya naman kaya. Lumapit ako sa kaniya pero itinulak niya lang ulit ako.
“KAYA KO SABI! HINDI KO KELANGAN ANG TULONG MO--."
*PAK!*
I cut him off. Sinampal ko siya. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako. Noong una gulat pa siya pero maya maya lang ay napaltan 'to ng galit.
“What the hell?!"
“Ang tigas ng bungo mo."
“Seriously?!"

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 130
Magsimula sa umpisa