抖阴社区

                                    

Pinigilan ko ang inis ko pero hindi ko keri. Inis na tiningnan ko siya. “Kung hindi mo kaya magpatulong ka!"

“KAYA KO NGA!"

“Kung kaya mo ba't ka natutumba? Halata namang nanghihina ka. Ang tigas lang talaga ng bungo mo." I frustratedly grabbed his left arm. “Nakakamatay bang magpatulong ha? Hindi naman ah! Hindi naman kita tatawanan!"

“S..."

Magsasalita palang siya pero pinigil ko na.

“Pwede, huwag ka nalang magsalita?" Irita kong sagot bago siya iniakbay sa balikat ko para maalalayan paupo sa bangko.

Noong una nagrereklamo pa siya pero kalauna'y nanahimik din. Nanahimik ng konti ang buhay ko.

“Diyan ka lang."

Tatawagan ko si Lolo M. Kakalampagin ko ang pinto hanggang sa may makapansin na may nalock dito sa loob. Kelangan nang makainom ng gamot ni Kin dahil kasingputla na siya ng suot niyang damit.

Akmang kakatokin ko na ang pinto ng bumukas 'yun. Lumantad sina Lolo M, Timothy, Wavin, Zero, at Gray.

“Lolo…"

Napatingin din ako sa mga egg warriors na kasama ni Lolo M.

“George, are you okay?" Tanong ni Gray. Tumango ako sa kaniya.

“Ayos lang ako pero si Kin, hindi okay. Inaapoy siya ng lagnat."

Agad na nagtungo dun si Gray.

“Okay ka lang ba talaga?" - Tim.

“WALA BA TALAGANG MASAKIT SA'YO?" - Wavin.

Nagpilit ako ng ngiti. “Wala naman."

Napasulyap ako kay Zero. He's looking at my… hand? Nabaling ang tingin ko don. Namumula pa rin pala hanggang ngayon. Agad kong itinago ang kamay ko.

“Iha. Nakapag-usap ba kayo ni Kin?"

Napasimangot ako kay lolo. “Opo. Kaso Lolo, huhu! Bakit galit po ba kayo sa'kin?"

“Hindi astair. Bakit naman ako magagalit sa'yo?"

Hindi galit si Lolo M. Makakahinga na ako ng maluwag.

“Buti naman po." Napanguso ako.

Lumapit si Gray na inaalalayan si Kin.

“Dude, are you okay?" Tanong ni Gray sa kaniya.

“I'm fine." Tipid na sagot nito.

“Nakapagusap ba kayo ni George?"

Napaiwas ako nang tingin kay Timothy. Ang daldal niya talaga kahit kelan.

“I did talk to her." Sagot ni Kin.

Kumabog ang dibdib ko. Ano kayang sunod niyang sasabihin?

“And what happened?" Tanong naman ni Gray. Nakatingin silang lahat kay Kin. Then Kin look at me. Sinalubong ko ang paningin niya.

“I'll never talk to her again."

“…"

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Mas lalo yata siyang nagalit dahil sinampal ko siya. I bit my lips to surpress the sadness that i'm feeling.

Pakiramdam ko nasayang yung chance na binigay ni Lolo M para makausap ko si Kin.

“KIN--."

“Gray, dalhin mo na siya sa room niya." Utos ni Lolo M. “Wavin, Tim, sumunod kayo sa'kin."

Sumunod agad sila kay Lolo M. Samantalang hindi ako agad sumunod. Pinili kong magpaiwan dito sa library. Nanlalambot ang tuhod ko. Idagdag pa ang pananakit ng kamay at braso ko.

Wala sa sariling nagtungo ako sa upuan para sana don maupo dahil nanlalambot ang tuhod ko pero pinigil ako ni Zero.

“Are you okay?"

Napatingala ako. Pang-ilan na ba sya sa nagtanong sa'kin?

“Ayos lang ako."

Pero kagaya ng sagot ko sa iba, ganon din ang sagot ko sa kaniya. He raises his eyebrow. Hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

“Ayos nga lang ako!" I awkwardly laugh.

“You're not okay." Aniya. His voice is really serious. Malalim ang boses niya nang sabihin 'yun.

“Okay lang ako, Eros." Mas seryoso kong sagot.

I don't know why were talking about this right now. Bakit ba namin pinagtatalunan kung okay lang ako? Wala rin namang mangyayari kung sabihin ko sa kaniyang hindi ako okay. Madadagdagan ko pa problema niya.

“Really? Then how are you going to explain this?"

Hinawakan niya ang kamay ko na ikinangiwi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. “Gagaling din 'yan."

“Kailan?"

“Hindi ko alam. Basta alam ko gagaling din 'to. Namula lang naman e, hindi naman gaanong masakit----ARAY KO PUTANGINAMS!"

Higpitan ba naman ang hawak sa kamay ko, shutanginams talaga 'tong impakto na 'to.

“Adik ka ba?!" Bulyaw ko sa kaniya pero nakatitig lang siya sa akin. May dumi ba 'ko sa mukha?

“Stupid."

Stupid?

Magrereklamo pa sana ako pero nawalan na ako ng lakas lalo na nung hilahin niya ako at yakapin. Hindi makapaniwalang natuod ako. Hindi ako agad makagalaw. Ang daming pumapasok sa utak ko.

Bakit niya ako niyayakap? Katulad ng iba, naaawa din ba siya sa'kin?

“Eros."

“You're telling Kin not to pretend but you can't even tell that to yourself."

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Itutulak ko sana siya pero nagsalita siyang muli.

“It' okay to be weak. You can cry to me, Noburi."

I can cry to him? Paano kung husgahan niya 'ko? Pagtawanan?

“I won't judge you."

Pagkasabing pagkasabi niya non ay mas lalong bumigat ang dibdib ko. Umaapaw, gustong kumawala. Gusto kong umiyak.  Ilabas lahat ng sama ng loob ko.

“You can cry, Noburi." Aniya sa baritonong boses. Giving me assurance.

Yun na ang hudyat. Tuloy tuloy na ngang tumulo ang luha ko. Napahikbi ako. I can feel him caressing my hair.

“A-ang hirap pala…"

Ayoko sanang magdrama pero buset 'tong Zero na 'to. Bakit ba kasi hindi nalang siya umalis agad? Bakit niyakap yakap pa nya ako?

“Silly." Ginulo gulo niya ang buhok ko. “You keep on forgetting that you're a girl."

Napabuntong hininga ako as I silently agree to him. Oo nga, palagi kong nakakalimutan.

“K-kasi naman.. putanginams." Pagmumura ko na ikinatawa niya. He softly chuckles.

“Crazy Noburi."

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon