抖阴社区

                                    

“Talking nonsense again."

Pfft. Namumula si Zero. Napangiti ako. Pero baka naman ito talaga 'yung totoong Zero, baka hindi ko lang siya masyadong kilala kaya akala ko impakto siya. Sadya ngang 'Don"t judge a book by it's cover'.

“Stop smiling."

Napataas ang kilay ko. Seryoso pa ang Lolo mo nang sabihin 'yon. “Problema mo? Pati ba naman pagngiti?"

“You look like an idiot."

Tsk. Nanlait na naman.

Inirapan ko siya.

Wala kaming ginawa ni Zero kundi ang magkwentuhan. Ganon lang ang nangyari hanggang sa lumipas na ang oras ng hindi namin namamalayan. Sa pag-uusap naming 'yon nakikita ko siyang madalas na ngumingiti at tumatawa. Minsan nagj-joke pa, hindi ko lang magets dahil pang matalino ang joke nya.

“Salamat."

Hindi ko siya nilingon pero alam kong nakatingin siya sa'kin. I can't help but to smile. Naramdaman ko ang pagtitig niya. Nakakailang, naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

“What did you say?"

Gusto pang ipaulit!

“Ang sabi ko salamat." Hinarap ko siya kaya nasalubong ko ang paningin niya. Iiwas ba 'ko?

Sa halip na umiwas ay ngumiti ako sa kaniya. Magsusungit na naman siya, alam ko---.

“You always have me by your side. You can always count on me, Noburi." He slightly let out a smile. “Whenever you need someone to talk, you can call me. Pwede mo akong bulabugin, I won't mind."

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Unti-unting namuo ang luha ko. Naiiyak ako. Naririnig ko ba talaga 'to kay Zero? Siya ba talaga 'tong kaharap ko? Hindi ako makapaniwala. Nahihiya ako pero eto 'yung nararamdaman ko.

“S-salamat." Umiwas ako ng tingin at saka pasimpleng pinunasan ang luha ko. Sana lang hindi nya napansin. Napasinghot ako.

Tumayo siya. Napansin pa ata. Suskoo. Baka sabihin sobrang drama ko tapos biglang bawiin 'yung sinabi niya. Suskonaman.

Eeeeeeee?

“Let's go."

Ipinatong niya ang isang kamay sa may ulo ko as he slowly bend down para makapantay niya ang mukha ko. He even messed my hair up.

“O-oo sige! Tara na!"

--------------------------------

Nagkaklase si Lolo M ngayon. Hindi kasama si Kin dahil may sakit nga. Matigas pa ang ulo dahil ayaw uminom ng gamot. Gusto ko tuloy biglang pumasok at ipalunok sa kanya 'yun. E kaso lang hindi kami okay.

Hindi ko rin alam kung magiging okay pa kami.

“George, akina 'yang kamay mo."

Ano na namang trip neto ni Timothy? Iniiwas ko 'yung kamay ko nang akmang hahawakan niya yon.

“Bakit?"

“May titingnan lang."

Titingnan? “Ano namang titingnan mo aber?"

“Dali na! Akina kasi!"

Tumataas pa ang boses. Aba, teka. Napatingin din si Wavin na nasa kabilang gilid ni Timothy. Magkakalapit kasi kami, si Tim ang nasa gitna.

“Ayoko nga!"

Baka kung anong gawin sa kamay ko. Tutuktukan ko 'to eh.

“Parang tanga naman. Akina nga kamay mo!"

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon