Rule
Hindi ako galing sa mayamang pamilya, mahirap lang kami. Sumasideline sideline lang si Mama noon, kung saan pwedeng pasukan.Elementary pa lang ako at Highschool naman si Kuya Gio nang magpaalam sa amin si Mama para magtrabaho abroad. Iniwan niya kami kay Lola bago umalis. Sa Hong Kong siya nagtrabaho, buwan buwan ay nagpapadala siya ng pera sa amin. Nagsusumikap para matustusan ang pangangailangan naming magkapatid.
Hanggang sa bigla nalang hindi siya nagparamdam, walang padala, walang sulat, wala ring tawag. Miss na miss ko siya, gustong gusto kong marinig ang boses niya. Marinig na tinatawag niya ako sa pangalan ko. Umaasa ako na isang araw ay magpaparamdam ulit si Mama pero walang nagparamdam. Hanggang sa nalaman na lang namin na tumawag pala kina Tito si Mama, humihingi ng tulong. Pero hindi nila tinulungan, hindi nila pinakinggan.
Minamaltrato na pala siya ng boss niya. Ang sakit, Ang sakit lang na sa iba ko pa malalaman na ganon ang nangyari sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit sa ilang taon ni Mama don sa pinagtatrabahuhan niya ay ngayon pa siya sinaktan. Bakit? Hindi niya deserve. Hindi niya deserve saktan ng kung sino man. Ang bait bait ng Mama ko eh, palagi niya lang iniisip ang makakabuti sa'min ni Kuya. Pero bakit kelangan siyang mawala agad? Gusto lang naman niyang umasenso kami eh, masama na ba 'yon? Nakatanggap kami ng balita na dahil sa labis na pambubugbog kay Mama ay nawala nga siya. Sobrang iyak ko non. Hindi ko kaya. Paano nalang kami ngayong wala siya?
Ansakit. Sobrang sakit pa rin pala hanggang ngayon. Kung nakinig lang sana sina Tito sa kaniya sana buhay pa siya. Ang mas masakit pa ay hindi man lang nakulong 'yung nagmaltrato sa mama ko.
“Are you okay?.”
Agad kong pinahid ang luha na tuloy tuloy na bumabagsak. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Jusko, kaya ayaw kong mapupunta ang usapan sa magulang eh. Naalala ko si Mama.
“A-ayos lang ako.” pasinghot singhot kong sagot.
Kanina ay siya ang umiiyak, hindi ko alam kung bakit biglang ako na ngayon. Bumalik kasi lahat eh. Masakit pa rin pala.
“Tch, punasan mo nga 'yang luha at sipon mo."
Ramdam ko nga pati uhog ko ay natulo na. Teka, wala akong panyo. Kinapa kapa ko ang short ko pero wala talaga akong panyo na nakita. Malas ha.
“W-wala akong p-panyo..”
“Oh.”
Inabot niya sa akin ang panyo niya na kulay itim, takang tiningnan ko naman siya. Talaga bang pinapahiram niya sa'kin?
“Ayaw mo?.” akmang ilalagay niya ulit sa bulsa pero dinampot ko na 'to. Agad kong pinunasan ang mga luha ko, tiningnan ko siya saglit na seryosong nakatingin sa'kin bago siningahan sa harap niya 'yung panyo.
“Shit! Paborito kong panyo 'yan! Sinabi ko bang singahan mo, ha?.” napapikit ako. Galit na naman siya. Nakangiwing tiningnan ko siya.
“S-sorry, oh.”
Iaabot ko na sana 'yung panyo pero iniwasan niya 'to. Tch, arte!
“Sa'yo na 'yan. May sipon mo na eh.”
Napanguso naman ako. Sino ba naman kasing nagmamatigas diyan? Sabi na kasing makinig siya sa Mama niya, naiyak tuloy ako!
“Bakit ba bigla ka nalang pumalahaw na parang bata diyan? The last time I know ako 'tong may problema ba't umiiyak ka diyan?.” aniya.
Napakamot ako sa ulo ko.
“Wala, wala 'yon!.”
Bakit ba feeling close siya ngayon? Kanina lang kung ipagtabuyan niya ako't sabihan na pakialamera ay inam ah. Nagiba ata ihip ng hangin.
“Kapag sinabi mo sa akin, quits na tayo. Hindi na ako magagalit sa'yo sa pakikinig mo sa usapan namin at pagsagot mo sa tawag niya.”
Jusko, ba't ba gustong gusto niyang malaman? Dati ba siyang member ng imbestigador? Pero, sige. Andito na din naman eh.
“Naalala ko lang kasi si Mama ko sa Mama mo.”
“Why?.”
Tumikhim ako bago ipagpatuloy ang pagsasalita. “Ofw kasi siya. Hindi kasi kami mayaman, kung hindi kakayod ay hindi magkakalaman ang tyan. Tapos ayon, buwan buwan siyang nagpapadala.”
Kita ko na focus na focus siya sa kwento ko.
“Tapos bigla nalang hindi siya nagpadala, walang tawag, walang sulat. Sobrang nagaalala kami kay Mama, miss na miss ko siya. Hanggang sa nalaman na lang namin na wala na si Mama.” nangilid ang luha sa mga mata ko.
Buset 'yan.
“At alam mo ang masakit don? Tinawagan ni Mama 'yung Tito kong abogado pero hindi siya pinakinggan. Hindi siya sinaklolohan. Buhay pa sana siya ngayon kung may nakinig lang sa kaniya. Ni hindi ko man lang narinig ang boses niya bago siya mawala. Tapos 'yung nakita ko nga uli si Mama p-pero w-walang buhay na naman siya..” tuloy tuloy na umagos ang luha ko.
Pasinghot singhot na napayuko ako. Alam ko na nakatingin siya sa akin pero wala akong panahon para mahiya. Umaapaw ang emosyon ko. 'Yung ilang taon ko na pagkukunwaring masaya, matatag ay natapos na.
“I-I didn't know." Tanging nasabi ni August.
Nakayuko pa rin ako. Putanginams! Ba't ba kasi umiiyak ka, George? Tingin mo ba matutuwa sa'yo si Mama, ha?
“Ang s-sakit parin pala kaya ikaw.. pakinggan mo ang Mama mo. Hangga't maaari.”
Pilit na pinunasan ko ang luha pero patuloy lang 'to sa pagpatak. May sarili atang utak, punyeta.
“Ano ba 'tong luha na 'to. Ayaw tumigil. Ayoko na ngang umiyak eh----.”
“GEORGE HUHUU!.”
A-anong?!
“T-tim, Tim hindi ako makahinga!.”
Bigla na lang sumulpot si Tim tapos niyakap ako ng mahigpit. Sa sobrang higpit pakiramdam ko malalagutan akk ng hininga. Ano ba kasing ginagawa niya dito?
“Anong nangyari sa'yo?.” Tanong ko pagkabitaw niya sa'kin. Sisinghot singhot siya at umiiyak. Ano naman kayang problema niya?
“Narinig kasi namin 'yung kwento mo about sa Mama mo." Pasinghot singhot na sagot ni Tim.
Namin?
Takang tumingin ako sa likod ni August. Shet! Si Zero, Corine at Peter! Narinig nila? Agad kong pinunasan ang luha ko bago uli sumulyap sa kinaroroonan nina Zero. Madilim ang aura na tiningnan ako ni Zero, tila ba nagagalit siya sa'kin. Si Peter naman ay malumanay ang mukha. Samantalang halata sa mukha ni Corine na hindi siya naniniwala.
“A-anong? Kanina pa ba kayo diyan?.”
Tumango tango naman si Tim. Jusko!
“I gotta go inside.” ani August na nagpaalam sa'kin? Tinanguan ko lang siya ket na nagtataka. Sumabay na din sa kaniya si Peter samantalang naiwan si Corine, Zero at Tim. Ikinawit ni Tim ang braso ko sa braso niya.
“Halika na sa loob, ikukuha kita ng Ice Cream. Alam kong malungkot ka kaya pagagaanin natin ang loob mo----.”
“Tim, go inside. May paguusapan lang kami ng babaeng 'yan.”
Ha? Ano namang paguusapan namin?
“What are you going to talk about, Zero?.” maarteng tanong ni Corine, halata sa boses na naiinis siya. Hindi naman siya sinagot ni Zero.
“You too. I don't need you here.” Baling niya kay Corine. Oopps. Tiningnan muna ako ni Corine bago padabog na pumasok sa loob, gayundin ang ginawa ni Tim pero nagpaalam muna siya sa'kin. Pinagbantaan niya din si Zero na huwag daw akong sasaktan.
Hayy, mas lalo lang magiinit ang ulo neto ni Zero sa'kin eh.
“Anong paguusapan natin?.”
Gusto ko na agad pumasok sa loob kaya hindi ko na pahahabain pa 'to. Lumakad siya palapit sa akin.
“So, your Mother died? Hmm.. What a great story.” nangiinsulto ang boses niya.
Nabuhay ang galit sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Ang akala niya ba ay nagkukunwari ako? Na gawa gawa ko lang ang lahat ganon?
“Zero, hindi ako tanga para gawan ng kwento ang Mama ko.” madiing bwelta ko.
Tiim bagang niya lang akong tinitigan. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko. “Really? If I know gawa gawa mo lang 'yun para mapaamo na parang tupa ang Class Z , right?.”
Gigil na sinuntok ko ang balikat niya. Napahawak naman agad siya don. “Ano bang problema mo? Kung may problema ka sa'kin, sa akin na lang! Huwag mo na idamay ang Mama ko na matagal ng nananahimik. Putanginang 'yan!.”
Buset siya!
“What the---.”
“What the mo mukha mo! Kung wala kang sasabihing matino pwede manahimik ka nalang? O kaya magkunwari ka nalang na hindi mo ko nakikita. Wala nalang tayong pansinan. Puro panlalait lang natatamo ko sa'yo, hindi mo naman ako kilala.” gigil kong sigaw at saka siya nilampasan.
Animal siya. Huwag lang talaga niya ako kakausapin dahil baka makalbo ko siya. Akala mo kung sinong magsalita, tsaka seriously akala niya gawa gawa ko lang 'yung sinabi ko? Ulol pala siya ih! Dapat sa kaniya nasa mental!!!!
“Oy, George. Tara magice cream!.”
Nilampasan ko si Tim na tinatawag pa din ako. Gusto ko munang mapagisa kahit ngayon lang. Papasok na lang muna ako sa kwarto ko. Mas tahimik don at hindi ko rin makikita ang mukha nong Zero na 'yun. Grr!
“Lahat ng Class 4-Z students, magtipon tipon muna sa gitna." Malakas na announcement sa speaker ng Mansion.
Napahinto ako sa paglalakad. Napurnada pa ang pagpunta ko sa kwarto paakyat na ako ng hagdan eh! Napangiwi ako at saka napiliting bumalik sa may sala. Ano naman kayang sasabihin ni Lolo?
Hindi ko nilingon o tiningnan man lang ang ibang Class Z na madadaanan ko. Maging sina Corine ay nilampasan ko---lalampasan ko sana pero tinalapid ko.
“Whooo.”
Narinig ko ang hagikhikan sa paligid, pinagtatawanan nila ako. Ngayon pa. Ngayon pa talagang wala ako sa mood. Sumasabay pa sila. Wala ba silang patawad? Mga isang araw lang? Hindi naman siguro sila mamamatay ng hindi ako tinitrip!
“Poor you. Awww, muntik na akong maiyak sa kwento mo kanina. Buti na lang muntik lang, ayoko namang mapabilang sa mga kaklase nating naloloko mo.” nginisian niya ako.
Napabuntong hininga ako. Nandito pa rin ako sa sahig, ganoon pa rin ang ayos ko. Nanlalambot ako bigla eh. Wala akong lakas.
“Are you okay?.” napatingin ako kay Gray na tinutulungan akong makabangon. Myghad dis layf!
“Kaya ko na, Abo.”
Tumayo akong magisa saka nilingon sina Corine. Nakataas ang kilay nila sa akin na parang nanghahamon. Lupet talaga!
“What? You're gonna slap me, outcast?.” maarteng aniya.
I scoff. Kapal muks talaga. Kanina pa 'to. Kapag ginawa kong punching bag ang mukha niya, iyak 'to.
“Slap me then! Slap me, coward!.” sigaw niya.
Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin. Lahat nakatutok. Inis na tiningnan ko naman si Corine, inilalahad niya pa ang kaliwang pisngi niya sa'kin na parang walang kinatatakutan. HAH!
Sumulyap ako kay Abo na pailing iling, si Tim naman ay nasa dulo kasama ni Zero siguro'y hindi siya pinapayagang umalis ng Animal. Si Wavin lang ang hindi ko makita at si Archer.
“Coward! Ano, sampalin mo ko! Sampali----OUCH!.”
Sampalin daw, edi sampalin! Lol, madali naman akong kausap.
“How dare you, bitch!.” iritang sigaw niya habang nakaupo sa sahig. Napalakas pala ang sampal ko kaya napaupo siya, mybad. Kanina pa kasi nangangati ang kamay ko eh.
Inalalayan siyang tumayo ng mga alipores niya. Galit nila akong tinitingnan. Sumugod pa ang iba sa akin, sasampalin ako, sasabunutan. Nagready ako, mukhang mapapalaban ah. Itinaas ko ang manggas ng damit ko pero may humawak sa braso ko.
“Stop, George.”
Pinigilan niya ako, lalaban na ako eh! Ano ba 'yan. Nangingisi namang tiningnan ako ni Corine and friends. Alam nilang hindi ako makakalaban.
“Prepare to die, bitch!.”
“Lagot ka na!.”
“Hala, awatin niyo!.”
Sumugod na sila isa isa. Hindi pa rin binibitawan ni Gray ang braso ko. Wow, gusto niya ata akong mabugbog.
“Anong nangyayari dito?.”
Napalingon kami kay Lolo at Spade na kararating lang. Napatigil din sa pagsugod sina Corine, Mindy, Nadya at Olyvya.
“W-wala po, Lolo.”
Tch. Napaikot ang mata ko sa sagot ni Corine na edyo namumula ang pulang pisngi. Takot naman pala eh!
“Okay, sitdown."
Kaniya kaniyang upo naman ang lahat. Nang madaanan ako nina Corine bumulong siya na hindi para kami tapos. Napailing na lang ako. Kung anong ibigay niya sa'kin, ibabalik ko lang. Alam niyo 'yun, give and take.
Umupo na rin ako sa kalapit na silya ni Gray, nasa may kalapit naman ni Zero si Tim na kanina pa nagsasign language, tinatanong kung ayos lang ba ako. Nagokay sign na din ako sa kaniya para matapos na. Kabababa lang din ni Wavin, natulog ata.
“Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo ang aking Rule, paumanhin.” makatang sabi ni Lolo na nakatayo sa gitna. Kalapit niya si Spade na nagmistulang secretary niya.
“Isa lang naman ang rule ko, Do not disobey me. Lahat ng sasabihin ko ay gagawin niyo, susundin niyo. Bawal umayaw, pwedeng magreklamo. I'll be giving punishment to those who will disobey my words, is that understood?.”
Napalunok ako. Isang punishment lang pero ang lupet. Wow.