Fixed
Ikatlong araw ng pagtuturo ni Lolo. As usual maaga akong gumising para makita ang namamaga kong mga mata. Nagdrama rama sa gabi kasi kami ni Tim, parang tanga kasi nagpapaiyak! Kinwento sa'kin 'yung tungkol sa kung paano sila nagkakilala, 'yung pangako nila sa isa't isa at kung gaano siya naging kamiserable nang mawala 'yung girlfriend niya. Kaya ayun, puyat na ang ate niyo. Maga pa ang mata.
“Morning, George.” bati sa'kin ni Tim pagkalabas ko ng kwarto. Hinihintay niya pala ako sa labas. Nginitian ko naman siya, katulad ko ay hindi din maayos ang itsura niya.
“Morning.”
Lumakad na kami pababa. Nasa baba na din ata 'yung dalawa ni Gray at Wavin. Psh, hindi man lang kami ginising. Dumiretso na kami sa hapagkainan.
“Bakit ganiyan ang mata mo ha? Ang panget mo.”
Nangaasar na naman po si Tim. Binatukan ko naman siya.
“Kasalanan mo no!.”
“HAHAHAAHAHAHHAA.”
Ay, wrong move. Nandito din sina Nadya! Nang makita ni Nadya si Tim ay umiwas siya ng tingin, samantalang inirapan naman ako ni Nadya. Dedma lang din naman si Nadya kay Tim.
“DITO KAYO, MGA PANGET!.” sigaw ni Wavin.
Patakbo namang lumapit si Tim sa kanila. Samantalang nasa huli naman ako.
“Malandi.” pasaring nina Corine pero hindi ko nalang pinansin.
Magkakasala ako keaga aga. Tsaka gutom na pati ako. Mas kelangan ko ng pagkain kesa ng kaaway.
“Bagal mo naman lumakad.”
“Edi kayo na mabilis maglakad.” pagtataray ko sa kanila.
Nagkape na lang ako at saka nagpandesal. Mamaya na lang uli ako babawi ng kain. Sina Wavin kasi kumain ng kanin. Nagluluto na kasi agad ng pagkain ang mga kasambahay ni Lolo M kaya pwedeng pwede kumain kung gugustuhin.
“What happened to the both of you? Namamaga ang mga mata niyo.”
“Wala 'yan. Trip lang namin magdrama.” Sagot ko. Sumangayon naman si Tim.
“Pangarap pala ni George magartista eh, kaya ayun. Nagacting acting kami.”
Kahit kelan talaga. Hindi kapanipaniwala sinasabi nito ni Timothy. Pero yae na, paniwalain din naman 'tong dalawa na 'to.
Pagkatapos namin ay dumiretso na kami sa may Classroom. Halos lahat ng estudyante ay nandoon na maliban sa grupo nina Nadya na kumakain pa rin. Maya maya pa'y pumasok sila sa loob ng Classroom, dirediretsong umupo sa kani-kanilang upuan.
Dumating na din si Lolo, science naman ang subject niya ngayon. Isa sa mga kahinaan kong subject lalo na Math which is subject bukas. Para tuloy ayokong pumasok. Gusto kong magkulong bigla sa loob ng kwarto ko kaso alam ko naman na pilit akong palalabasin non ni Lolo.
Ilang oras na kaming nagkaklase. Medyo sumasakit na ang likod ko. Idagdag pang naiihi na din ako. Hindi ko na kaya! Itinaas ko ang kamay ko para mapansin ako ni Lolo M.
“May I go out po?.”
Inaprubahan naman ni Lolo 'yung paglabas ko kaya napangiti ako. Kanina pa kasi ako naiihi. Wala pa namang cr dito nasa taas lahat. Kaya no choice. Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Nalampasan ko pa si Wavin na nagtatanong kung saan daw ako pupunta, sinasagot ko naman ang tanong niya pero sa mahinang boses. Nadaanan ko pa si August na nginitian ako. Kahit nakakagulat napangiti na din ako sa kaniya, 'yun ata 'yung way na para magthank you sa'kin. Hindi pa ata naibibigay 'yung punishment sa kaniya, mamaya nga ay ichichika ko siya.
“Lolo este Prof, ako din po!.” todo taas pa ng kamay si Tim habang sinusundan ako ng tingin. “Hintayin mo ako, George!.”
Jusko, tinamaan ka ng abnoy. Ano naman kayang pumapasok sa utak niya?
“Me too.”
Shet. Masamang tingin ang pinupukol sa'kin ni Nadya. Agad na tumayo siya nang payagan siya ni Lolo M. Naunang maglakad si Tim samantalang nasa likod niya si Nadya. Napasapo ako sa noo. Masama ang kutob ko, huwag naman sana..
Rinig ko pa ang bulungan ng iba bago ako umakyat sa hagdan.
Issueee..
“Saan ka ba pupunta, George?.” tanong ni Tim na nakasunod sa akin.
“Iihi ako! Dun ka!.” imbyerna 'to, sunod ng sunod.
Pati tuloy si Nadya nakasunod sa akin. So bale sumusunkd sa akin si Tim tapos nakasunod kay Tim si Nadya. Para kaming tren tren, jusko.
“Samahan kita.” malokong sabi ni Tim na sinabayan pa ng nakakalokong tawa. Napangiwi naman ako. Ipapahamak pa ako, aba!
“Sampalin kita. Dun ka, gawin mo ang gagawin mo. Naiihi na ako talaga.”
Pumasok na ako sa CR dito sa may baba. Hassle kasi kung aakyat pa ako para don pumunta sa kwarto ko. Naiwan ko pala 'yung dalawa sa labas, sana lang hindi sila magaway.
Nakahinga ako ng maluwag. Whooo, muntik na ako don. Paglabas ko ng pinto…
“Sunod ka ng sunod sa babaeng 'yan, aso ka ba?!.” bungad na salita ni Nadya pagkalabas ko. Napahinto tuloy ako sa paglabas. Sabi ko na nga ba't malabo silang manahimik kapag magkasama.
“I'm glad to be her dog. Ikaw, ba't sunod ka ng sunod sa'kin? Aso ba kita?!. ” balik na sigaw ni Tim kay Nadya.
Putanginams! Ano bang sinasabi niya?
Sinulyapan ko si Nadya, mataray na nakatingin siya kay Tim pero halatang paiyak na.
“Bakit ganyan ka magsalita, nakakasakit ka na ah.” bigla ay huminahon ang boses ni Nadya. Pumipiyok na din siya, tanda na paiyak na talaga siya.
“Iiyak ka na naman ba? Please, tama na. I'm your childhood friend,yes. Pero dapat tanggapin mo na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo.”
Iniwan niya na si Nadya kasama ko. Mangiyak ngiyak siya sa may tapat ng pinto. Maya maya pa'y galit na binalingan niya ako. “Alam mo kasalanan mong lahat 'to! This is all your fucking fault.”
Kasalanan ko? “I'm just his friend, Nadya.” mahinahong sagot ko, baka sakaling kumalma siya.
“Friend mo mukha mo!.”
“Edi huwag kang maniwala! Oh, sige. Hindi lang kami magkaibigan ni Tim. Okay fine, yan ang paniwalaan mo. Saktan mo pa sarili mo, ginusto mo yan eh.”
Nakakairita siya. Sinasabi ko na ang totoo. Ayaw pang maniwala. Psh. Hayuffs.
“Hindi ako naniniwala! Malandi ka!.”
“Ulol mo malandi, Edi sana ngayon may boyfriend na ako 'diba? Hindi naman porke close ako sa kanila e, malandi na. Matuto kayong pumili ng mga salita na bibitawan, baka bumalik 'yun sa'yo. Malaman mo na para sa'yo pala ang mga salitang binabato mo sa ibang tao.”
Natigilan siya.
“H-hindi talaga k-kayo ni Tim?.”
Napaikot ang mata ko. “Hindi.”
“Meet me later at 5pm sa likod ng Mansion, I need to talk to you.” mataray ang boses niya pero hindi ako nainis. Marahil ay dahil kita sa mata niya na nasasaktan siya.
“Okay.” sagot ko.
Bumalik na uli kami doon sa Classroom. Walang pansinan, nauna na pala si Tim don. Sinenyasan niya ako kung okay lang daw ba ako. Tinanguan ko lang siya. Wala namang nangyaring bugbugan. Tinaasan naman ako ng kilay ni Zero, inisnab ko lang siya at saka dumiretso sa upuan ko.
Patuloy na naglelecture si Lolo M. Nagfocus nalang ako sa pakikinig. Kailangan kong makapasa, kailangan kong makagraduate. Kaya pagbubutihin ko.
-------------------------------------------------
“Anong paguusapan natin?.”
Nandito na ako sa likod ng Mansion ni Lolo M. Tapos na rin ang klase kaya nagkalat na naman ang Class Z sa kung saan saang sulok ng bahay. Hindi na rin ako nagpaalam kayna Tim kasi sure naman akong hindi ako hahanapin ng mga 'yon, naglalamon eh.
“About kay Tim.”
Ayyts. She's hopeless. Napangiwi ako sa kaniya. Ipagpipilitan na naman ba niyang kami ni Tim?
“Hindi nga kami ni Tim-----.”
“Alam mo ba na 8 years old palang kami ay kilala ko na si Tim?.” she smiled.
Eh? Bakit bigla siyang nagkukwento? Lumakad lakad siya at saka umupo sa isang malaking bato na nakita niya.
“Nainlove agad ako sa kaniya. Mabilis kasi akong maattract sa mga gwapong lalaki, mukha kasi talaga siyang koreano. Kaya everyday bumibisita ako sa bahay nila para makipaglaro. MaloKo talaga siya mula pa noong bata pero ang bait bait niya. Kaya mas lalo akong nahulog sa kaniya.”
Ohhhh, mabait pala si Tim noong bata? Hindi halata.
“Sinundan ko siya kahit saan siya magpunta, saang school siya magenroll. Tinatakot ko ang mga babaeng lumalapit sa kaniya. Nagtatangkang kilalanin siya. I was a mad stalker. Hindi ko naisip na masasakal si Tim. Nagagalit siya sa'kin and I can't understand him noon. Akala ko tama ang ginagawa ko. That I have the rights.”
Tumigil siya sa pagsasalita. Focus na focus naman ako sa kwento niya.
“Ang akala ko kapag mahal mo 'yung tao sapat na dahilan na 'yon para sabihin kong pagmamayari ko siya. Pero mali ako. Hindi ko pala siya pagmamay ari, nalaman ko 'yun noong nagkaroon ng girlfriend si Tim. He really loved that girl. And I was so jealous, ginagawa ko ang lahat para mapaghiwalay silang dalawa. I did everything but their bond is so strong.” emosyonal niyang kwento.
Wala akong magawa kundi pakinggan siya. Ayokong iinterrupt ang pagkwento niya dahil minsan lang mangyari ang ganito. Minsan lang sila magopen up sa'kin.
“Sumuko ako nang hindi ko masira ang relasyon nila pero noong namatay 'yung girlfriend niya? Nabuhayan ako ng loob. Naisip ko na baka this time.. Baka this time piliin niya naman ako. Baka makita niya na ako. Pero hindi, mas lalong lumayo ang loob niya sa'kin. Naging malungkutin siya.. Nagbago lang nang dumating ka.”
Napaawang ang bibig ko. So naging trigger ako sa pagbalik ng sigla ni Tim? Matutuwa ba ako o ano? Parang hindi maganda ang ididinudulot nito.
“Bumalik siya sa dati. Naging mas maingay, naging mas close niya din 'yung ibang Class Z. Kaya sa tingin ko kung ikaw talaga magpapasaya sa kaniya, sige ipapaubaya ko na siya sa'yo. K-kahit na masakit.” nagteary eye siya.
Agad na nanlaki ang mata ko. “Teka lang! Wala kaming relasyon ni Tim, ano ka ba!.”
Ulit ulit nalang tayo eh. Myghad. Oo na mabait si Tim, gwapo. Isip bata pa. Pero.. I just don't feel it's the right time. Sabi ko nga pinapangalagaan ko 'yung No Boyfriend since birth na title ko.
“Pinapalaya ko na nga, ayaw mo pa? You're so choosy!.” iritang aniya.
“Hindi kasi 'yan pinipilit. Palayain mo siya dahil 'yun ang tama. Para na din sa sarili mo. Pahalagahan mo naman sarili mo, huwag kang maghabol. Mas mahalin mo ang sarili mo.”
Akala ko susungitan niya ako pero nginitian niya ako. “Now I know why he's so fond of you.”
Pinagsasasabi niya? Naguguluhan na ako dito bigla pa akong lalayasan neto ni Nadya. Myghad, sa pagkagusto niya kay Tim nakukuha niya na ata 'yung ugali. Bigla bigla nalang ding nangiiwan eh. Napanguso nalang ako.
“Ang gulo gulo niyo talaga.”
Bumalik na ako sa loob. Dumiretso ako sa dining room kasi nga oras na ng pagkain. At nagulat sa nakita. Nagpapansinan na sina Tim at Nadya! Shete, totoo ba 'to? Bumabait na ata si Nadya. Jusko, nagdilang anghel.
“George, lika dito! Tulungan mo kami.” naghahain kasi sina Tim ng pagkain at mga pinggan sa long table. Katulong niya si Nadya na ngumingiti ngiti, maaliwas na ang mukha niya.
“Yeah, help us. Para naman may silbi ka.” pangasar niyang sabi sa'kin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Oppps, mybad.”
Lol. Nakitulong na lang din ako sa kanila sa paghahain. Nakakahiya naman kung sabihin kong ayaw kong tumulong lalaitin na naman nila ako, sasabihin ang tamad tamad ako. Pshh.
Kinakausap din ako paminsan minsan ni Nadya, fc kasi siya sa'kin. Charot! Nakikipagclose na siya. Kita ko rin namang natutuwa si Tim na medyo nagkakausap na kami ng matino ni Nadya. 'Yung ibang Class Z nga nagtataka na din.
“Bff na sila ni Nadya?.”
“Nagngingitian sila!."
“Mga tanga, magkaaway 'yan!
“Anong kaplastikan 'yan, Nadya?.” mataray pang lumapit sa amin si Corine. “Are you out of your mind?.”
Ayan na naman po siya. Ready na namang makipagaway 'tong si Corine. Ket kelan talaga.
“I'm not. Totoo ako, walang halong plastik.” pabirong sagot ni Nadya. Gusto ko tuloy matawa. Asar na asar na naman si Corine. Namumula na siya sa inis. Nang mapatingin siya sa'kin ay dinilaan ko siya, akmang susugudin niya ako pero humarang agad si Tim.
“Arghhh! I hate you all!.”
Padabog siyang umalis sa dining room. Saan naman kaya punta niya? Kakain na kaya.