Girl in Red
Ang bilis ng araw.
Nakakainis lang. Kung pwede ko lang pabagalin ang oras ay ginawa ko na kaso wala akong ganon na kapangyarihan at hindi ko na mapipigilan ang debate competition! Mamaya na, as in mamaya na talaga. Sobrang kinakabahan ako. Ilang oras nalang magsisimula na ang debate.
Napahawak ako sa dibdib at saka napapikit. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Ayyy, putek. Ang lamigggggggg.”
Napayakap ako sa sarili. Nandito kasi kami ngayon sa Resort ni Lolo M. 8:30 palang ng umaga. Ang sabi kasi ni Spade tutulungan nya raw kami sa preparasyon kaya ayun. Nagpaalam naman ako kay Kuya, nakaalis naman ako kaso may kasamang sermon. Aattend raw sya ng debate competition. Open sa public e, mas lalo tuloy akong kinakabahan. Kailangang galingan ko lalo pa't manonood si Kuya. Para naman ipagmalaki nya ko.
*Achuuuuuu!
Napahawak ako sa ilong ko matapos mapabahing kaso napayakap uli ako sa sarili. “Whooo, ang lamig. Hindi naman tagulan bakit ang lamig?”
Tanga mo kasi, George. Ba't kasi nasa labas ka?
Gusto ko lang naman magpahangin, hindi ko naman alam na grabe pala ang lamig dito.
“Waaaaahhhhh!”
Napasigaw ako sa lamig.
“Kung hindi ka naman kasi tanga, ba't nasa labas ka?”
Eh?
Napalingon ako sa nagsalita. Walang iba kundi si August. Kasama nya rin si Achylis, pawang nakajacket sila pareho. Nakangisi si August samantalang parang walang muwang sa mundo lang akong tiningnan ni Achylis. Sinimangutan ko sila.
“Gusto ko eh!”
“La-lalamigin ka t-talaga nyan, George."
Pinaningkitan ko ng mata si Achylis. “Ikaw, nilalamig ka ba kaya ganyan ka magsalita?"
Kasi kung bumabalik na naman sya sa pagiging utal nya ay masasapok ko sya. Ayos na pormahan nya e, 'yung paggalaw nalang nya at pagsasalita. Paano sya maliligawan kung ganyan sya este manliligaw?
“Nilalamig ako hehe.”
Tumango tango ako. “Mabuti.”
Umupo sila pareho sa magkabila ko. “Anong ginagawa nyo dito, ready na ba kayo? Mamaya na 'yung competition, huwag kayong aabsent!”
Ano namang nakakatawa? Bigla nalang silang tumawa sa tanong ko. Mga adik.
“Oo, ready na kami.”
“Ikaw, ready ka na ba?”
Napabuntong hininga ako. Hindi pa ako ready! Hindi pa ako ready pero kakayanin.
“Kaya natin 'to!”sagot ko nalang sa tanong nila.
“Hindi ka pa ready no? Bawal umatras ha!”
Tinaasan ko ng kilay si August. “Kelan pa ako umatras? Kapag sinabi kong gagawin ko, gagawin ko!”
Hindi naman ako basta basta lang nagsasalita ng hindi ko naman pala kayang gawin. “Tsaka isa pa, manonood si Kuya. Galingan natin ha!”
Binalingan ko sila pareho. Ewan ko ba parang biglang nagbago 'yung expression sa mukha nila. May lungkot, doubt, kaba akong nakikita. Hindi ko din alam kung bakit parang dismayado 'yung mukha nila?
“Bakit ganyan itsura niyo? Natatakot na ba kayo?” ngumiti pa ako ng mapangasar. “Naku ha, kaya natin 'to. Tsaka 'diba nga kasama niyo ko. I got you."
Nagthumbs up pa ako sa kanilang dalawa. Kelangang maging malakas ang loob nila para magawa namin 'tong maayos at para narin manalo kami.
“O-oo, g-galingan n-natin."
Aishh. Ayan na naman siya.
Inis na binunggo ko ng balikat ko si Achylis, napahiga sya sa buhangin dahil don. Nanlalaki pa ang mata nya na parang hindi makapaniwala.
“Ba-ba-bakit mo ko ti-tinulak?”
“Sabi ko sa'yo diba? Ayokong maririnig na utal utal ka na namang magsalita. Tss.” inirapan ko sya.
“Hoy, George! Wag mo namang ganyanin si Achylis.”
Inis na binalingan ko rin si August. “Okay.” sagot ko at saka sya binunggo rin, napahiga rin sya sa buhangin na ikinahagikhik ko ng tawa. Pfft. Kalalaking tao, kahihina.
“Aray ko. Ang sakit non. Kaliit mong babae para kang lalaki!” sita ni August na nakahiga padin.
“O-oo nga." Sangayon ni Achylis na hindi pa din umaayos ng upo.
Napacross arm lang ako. “Pfft, mahina lang naman 'yun ah!”
Konti dikit nga lang ng balikat ko e. OA lang talaga sila magreact. Parang hindi mga lalaki. Nagrereklamo padin sila. Jusko ha, hindi ko na kasalanan 'yun. Psh.
“Bahala kayo dyan, mahina nga lang 'yun ih!”
“Saan ka pupunta? Hoyyy!"
“G-george!”
Tumayo na ako at saka nagtatakbo paalis. Bahala sila don, magreklamo sila sa hangin.
Bumalik ako sa loob ng resort kung saan nandon si Lolo M. Nakaupo sila habang nagkakape. Lumapit ako at saka umupo rin sa kalapit.
“Oh, Astair ready ka na ba?”
Napakamot ako sa ulo. Mas lalo akong kinakabahan kapag nagtatanong sila sa'kin ng ganyan e.
“Wala naman akong choice Lolo eh."
“Jejeje. Kaya mo 'yan, iha. Naniniwala akong kaya niyo."
Napangiti ako sa sinabi ni Lolo M. “Salamat poo!”
Nakakatuwa na sinusupport kami ni Lolo M. Mabuti nalang nandyan siya.
----------------------------------*-*
“Putanginams!”
Whooo, 'yung puso ko parang sasabog na. Hindi maganda 'to kelangan kong kumalma.
Kalma, George. Kalma.
Pero hindi! Hindi ako makakalma juskooo. God guide me!
“Aishhh, ba't ba ako nagiisa dito?”
Kahit anong ikot ko ng mata, kahit anong hanap ko sa kanila hindi ko talaga sila makita. Ni anino nila wala. Kaya tuloy mas lalo akong kinakabahan. Kelan ba kasi sila dadating?
Alas dose na pero wala parin sina August at Achylis, wala rin sina Spade at Lolo M. Tinetext ko naman kesyo parating na raw. Kanina pa 'yung parating nila eh! Juskoo.
Ayos lang naman sa'kin kung hindi dadating 'yung Class Z basta dumating lang sina August, Achylis, si Spade, Lolo M pati na si Kuya ko. Kahit sila lang. Kahit walang magsuporta sa'kin na marami ayos lang. Basta dumating lang sila.
“We're going to start the competition at exactly 12:30. Represantatives be ready."
Shet, shet!
Luminga linga uli ako sa paligid para tingnan kung dumating na sila, pero wala. Wala akong makita. Hayysst, tawagan ko na nga.
“Sagutin niyo, kakalbuhin ko talaga kayo!”
Napakagat ako sa labi habang naghihintay na may sumagot sa tawag ko. Kanina parin ako pinagtitinginan ng ibang Section. Tinatawanan pa ako ng iba. Paano ba naman tanging ako lang ang nakaupo sa chairs for Section Z samantalang punong puno na 'yung upuan nila. May paextrang upuan pa nga sila.
“Pfft. Look at her. She looks pathetic."
“Kawawa naman siya, nagiisa.”
“Mukhang madidisqualified siya.”
Bumigat ang dibdib ko sa naririnig ko sa paligid. Edi sanaol nalang sa kanila. Ano bang pake nila sa'kin kung ako lang ang nandito para sa Class Z? Ano bang pake nila? Sigurado naman akong dadating sina August.
Ayaw sagutin! Hayy, 12:26 na. Konting minuto nalang magstart na.
“Nasaan na ba kayo?”
Nawawalan na ako ng pagasa. Dadating pa kaya sila? Ayy, ano ba 'tong iniisip ko? Dadating sila! Baka nalate lang or natraffic.
Tama tama! Hindi dapat ako magpakanega.
Pinilit kong ngumiti sa kabila ng kaba at lungkot na nararamdaman ko. Sinulyapan ko ulit ang relo ko, 12:29 na. Kung may kapangyarihan lang ako pinabagal ko na ang oras.
“We're going to start the program within a minute.”
Aisshh! Tawagin ko uli, this time si Spade na ang tinawagan ko pero katulad din ng kayna Achylis nagriring lang pero wala namang sumasagot. Hindi ko alam, is it me or sadyang iniiwasan nilang sagutin ang tawag ko?
“Welcome to Noblesse High's Intersection Debate Competition!”
Napapikit ako nang umakyat na ang host sa gitna ng stage para iannounce na start na ng competition. Biglang nagkaingay sa paligid, nagsimulang maghiyawan ang mga students ng Noblesse High. Inilibot ko ang paningin at nakitang tuwang tuwa ang lahat, may mga nagalacheer dancer pa sa Section.
“This debate is exclusively for 4th year students of Noblesse High. So now, let's meet the judges…”
Pakiramdam ko nagslowmo ang paligid. Napaupo nalang ako sa…ano ba 'tong nararamdaman ko? Siguro sa pagkadisappointed, hindi ko rin maiwasang hindi malungkot. Iniwan nila 'ko eh. Ang sabi nila sa'kin ready sila, na sasamahan nila 'ko, na ipapanalo namin 'to. Pero bakit nagiisa ako ngayon? Nasaan sila? Manonood pa naman si Kuya pero hindi naman pala matutuloy. Nasayang lang pala 'yung effort, oras na nilaan namin sa pagpapraktis para sa debate na 'to.
Binigyan bigyan pa nila ako ng damit na susuotin, naghanda pa 'ko. Wala rin pala! Buset kasi, dapat pala hindi nalang ako nakealam. Dapat nanahimik nalang ako.
“And now, let's call on sa sating center stage ang mga representatives ng bawat section. Syempre para makita natin ang mga mukha nila diba?”
Aisshhh, ano ba 'to!
Kinakabahan ako. Nagtinginan pa sa'kin ang ibang section habang nagtatawa. Nakuyom ko ang kamao ko. Napaharap nalang ako sa unahan, ket saan naman kasi ako tumingin alam kong may mga matang nakatingin sa'kin.
“Let's start with Class B representatives, we have Bryan Stuart, Kelly Maddi and Nero Abarques. Let's give them a round of applause! Dapat nagccheer din, ipakita niyong proud kayo sa representatives niyo!"
Nakakairita. Ako paring magisa ngayon. Sinong magcheer, ako din? Hayyss, madidisqualified nga talaga kami. Pero teka, si Nero. Siya 'yung representatives ng kabila and as usual shining shimmering splended na naman ang damit nya. Nakatingin sya sa'kin! Hindi lang basta tingin, tinging nanghuhusga at nagyayabang.
Tsk. Gusto ko tuloy syang hilahin pababa ng stage. Idagdag pa 'yung nakakabinging cheer ng section nila. May iba pa na nagcheer na tagalabas. Hindi ko parin nalilimutan ang pambubugbog nya sa'kin, may araw din sya.
Pinakilala na din ang Class C, hinuli ata talaga ang Class A. Bakit kaya?
Pero teka, hindi 'yun ang problema ko. Nagiisa parin ako. Punyetanginams, wala paring dumadating. Juskoo, anong gagawin kooo?
“And the least section, I mean 2nd to the last na ipapakilala natin ngayon. Let's call them Class Z!”
Katahimikan.
Katahimikan ang bumalot sa paligid. Napapikit nalang ako nang mapunta sa'kin ang atensyon ng lahat. Kung sa ibang section sobrang lakas ng cheer sa section namin wala man lang sumigaw. Syempre, walang tao kundi ako lang. Vacant ang lahat ng seats.
“HAHAHAHAHA, ano ba 'yan.”
“Pfft, nagiisa sya. Katawa tawa.”
“Kawawa naman.”
Hindi ko maiwasang mapayuko sa sinasabi nila. Bumibigat ang pakiramdam ko. Namuo ang luha sa mata ko. I feel betrayed. Pakiramdam ko out of place na naman ako. Well, kelan ba kasi ako naging belong? Palagi namang hindi ako belong ih. Pero hindi ko naman ineexpect na hindi sila tutupad sa usapan. Paano ako lalaban ngayon?
Sana lang wala pa si Kuya para hindi nya nakikita ang kalagayan ko ngayon. Ayokong kaawaan nya 'ko, mas lalong ayokong mapahamak sya dahil sa'kin.
Mga hayufff kasi sila, huwag lang sila magpapakita sa'kin ngayon. Kakalbuhin ko sila!!
“Please come on stage. Mr. Gray, Mr. Archer and Mr. Zachary Eros.”
Ayan tinatawag na ko------teka?! Napatayo ako sa kinauupuan ko sa sobrang gulat.
Gray, Archer at Zero? Bakit sila? Bakit sila ang tinawag? Bakit hindi ako? Anong nangyari? Alam ko e, tandang tanda ko na ipinasa namin 'yung registration form naming tatlo pero bakit naging ganito.
Napaawang ang bibig ko nang mahawan sa gitna, nagbigay daan sila para sa kanila.. Kayna Gray, Archer at Zero na puro nakapoker face. Sa likod nila ay ang Class Z, sina Tim, sina Corine, sina August. Lahat. Lahat sila nandon, habang naglalakad ay nagccheer. Pawang nakakulay black sila lahat. May mga armband din sila katulad ko.
Agad na napatingin ako sa suot ko. Ako lang 'yung nakared. Nagiisa lang akong nakared. Wow. Napanganga ako lalo na nung pumunta na sa gitna ng stage ang tatlong representative daw nila.
Hindi ako makapaniwala. Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang Class Z, sina August at Achylis na nagiiwas ng tingin sa'kin.
Grabe. Ang galing.
Akala ko ba kami kami ang lalaban? Akala ko ba ayaw nila? Eh anong ginagawa nila sa stage? Wow. Oh talagang sinadya nila 'to para mapahiya ako? Para masayang lahat ng efforts ko. Akala ko may pinagsamahan na kaming lahat, pero ni text man lang wala silang sinend. Sana man lang sinabi nila na may sarili silang representative para hindi na ako nagmukhang tanga.
Manonood pa naman si Kuya.