抖阴社区

Class of Morpheus

By Ariesteller

22.9K 977 223

Akala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nang... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Not an update!
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Not an update!
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Announcement

Chapter 46

150 6 2
By Ariesteller

Brother's Love

“Kuya, a-anong ginagawa mo dito?"

Shete. Ngayon pa ako nakita ni Kuya Gio. Malas ng timing. Mukha akong sabog.

“Baka magiinom.” napasimangot ako. Kahit kelan parang tanga. “Bobo mo kasi, malamang manonood. Bakit ba nasa labas ka?”

Napabuntong hininga ako. Kapag sinabi ko sure na magkakagulo. Knowing Kuya hindi sya pumapayag kapag naaapi ako. Ayaw nyang may nambubully sa'kin. Nung elemetary nga ako, may nambato sa'kin ng manggang hilaw. Nagkaroon ako ng bukol sa noo dahil don, sinugod tuloy ni Kuya 'yung kaklase ko.

“Tinatanong kita, sumagot ka.” naging seryoso na ang boses nya.

“Uhm. Magpapahangin lang. Ang init kasi don sa loob eh.”

Sana makalusot.

Tinaasan nya ako ng kilay, hindi naniwala sa'kin. Pinameywangan pa ako, amp.

“Mayaman ang eskwelahang 'to, may electric fan don. Just tell me the truth, diba representative ka? Bakit nasa labas ka?"

Ayan na. Nagtatanong na. Anong isasagot ko?

“Uhmm, nagbackout kasi ako Kuya. Nakakatakot kasi kaya sila nalang pinalaban k-ko."

Sumama ang mukha nya dahil sa sagot ko. “Kilala kita. Kapag may sinabi kang gagawin, ginagawa mo talaga. Wala kang sinusukuan. So, bakit nga? May nangyari ba?"

Medyo nagteary eye ako sa sinabi ni Kuya. Kilala nya nga pala ako bilang matapang, independent na kapated nya. Hindi pa nga nya ako nakitang umiyak non eh. Ngayon palang siguro. Hindi ko na kasi mapigilan ang emosyon ko.

“W-wala.”

“Wala? Bakit namumula mata mo, umiyak ka ba?"

Napatayo ako sa sinabi nya. “H-hindi no! Ba't naman ako iiyak? Napuwing lang ako."

“Napuwing ka lang tapos ganyan itsura mo? Mukha kang sabog."

“Wala nga sabi. Kulit mo naman, Kuya eh.”

“Just tell me the truth, Georgina.”

Napapikit ako sa tono ng pananalita nya. Seryoso na ang boses nya. Kapag ganto na ang tono ng boses nya, natatakot na ako. Binuo na pati 'yung 'George' ko. Seryoso na talaga sya.

“NagkaLBM kasi talaga ako kaya napaltan ako. Dapat talaga ako ang kasali kaso nga lang sumakit bigla tyan ko. Nagiyak ako kasi disappointed ako sa sarili ko."

Patawarin niyo po ako Lord sa pagsisinungaling. Eto lang talaga ang naisip kong paraan para hindi na lumala pa ang gulo. Kapag nalaman ni Kuya ang totoo hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Baka maguidance pa kami.

“LBM? Ayan kasi kung ano anong kinakain mo.”

Buti naniwala. Napaupo ulit ako sa may silya. “Konti nga lang kaya.”

“Antakaw mo kasi. Ano okay ka na ba?”

Umupo sya sa katabi ko at saka ako tiningnan, 'yung tingin nya halatang nagaalala sya sa'kin. Nagaalala sya sa'kin tapos nagawa ko pang magsinungaling.

“Oks na oks na 'ko. Tsaka tanggap ko na naman na hindi talaga ako belong sa debate na 'yun." Pati na sa section. “Oks na 'yun. Keri ko na.”

“Are you sure?”

Tumango ako bilang sagot. “Yes, Kuya."

“Ano pang hinihintay mo? Tara na sa loob."

Hinila nya ang braso ko pero pinigilan ko sya. Hindi pa ako ready na makita sina Spade, ang buong Class Z. Pakiramdam ko wala na akong mukhang maihaharap.

“Dito nalang muna tayo." Tinaasan nya ako ng kilay. Nagtatanong. “Nagugutom kasi ako.”

“Nagugutom ka? 'Diba masakit tyan mo?"

“Ayos na ako ngayon, gutom na 'ko!”

Hindi talaga ako gutom. Sinabi ko lang na nagugutom ako dahil ayoko pang pumasok sa loob. Hindi ako makakakain sa lagay na 'to.

“Bili ka, may pera ka diba?"

Buset na kapatid 'to. Napakamaloko. “Ihh, ilibre mo 'ko.” 

Kunot noong tiningnan nya ako at saka parang napipilitan na dinukot ang wallet nya. Kumuha sya ng 500 pesos don at saka inabot sa'kin. “Oh, ayan. Bili ka.”

“Tinatamad akong maglakad, Kuya."

Wala akong ganang gumalaw. Nagluluksa parin puso't kaluluwa ko sa nasirang tiwala ko sa kanila. Hindi ko keri makipagplastikan sa makakasalamuha ko. Kung pwede nga lang na umuwi nalang kami.

“Ang tamad mo! Tsk.”

Nagpacute naman ako kay Kuya para ibili ako. Kunwaring nagmumura at nagrereklamo pa sya pero ibinili parin ako ng makakain. Kaya ayon ang ending magisa na naman ako dito sa labas.

Ang ingay sa loob. Sanaol talaga masaya. Sanaol walang problema. Sanaol belong. Isang malaking sanaol. Bakit ko kaya nararanasan lahat ng 'to? Masama ba 'kong tao? Deserve ko ba 'to? Bakit parang pinaparusahan naman ako ng langit?

Hindi ko naman kasi hinihingi 'tong mga pasakit na 'to eh. Kusa nalang talaga ibinibigay. Palagi pa akong nabebetray ng tinuturing kong kaibigan. Ang malas ko talaga.

*PHONE VIBRATING

From : 09×××××××××

George, si Tim 'to. Nasaan ka? Naglalaban na ang Class Z at Class B. You should see this. We're very sorry, balik ka na dito sa loob.

Oo, rinig ko nga. Lakas ba naman ng sound system dun sa loob. Rinig na rinig ko maski ang sigawan at pagcheer nila. Pati na ang pagsasagutan ng mga representatives. Hindi naman ako malayo sa auditorium eh, bale nasa harap lang ako ng mismong building.

Gusto kong lumayo. Sina Zero na ang lalaban, ayokong marinig ang mga boses nila. Sumasama ang pakiramdam ko, kumukulo ang dugo ko.

Ngayong nakakapagisip isip ako, alam ko na. Sarili lang nila ang iniisip nila. Kung sino lang gusto nilang panigan, 'yun lang. Kahit ilang beses kong sinabing tutulong ako, binabalewala nila ako. Pinapahiya nila ako. Ang pinakamasakit don, hindi nila ako nirerespeto. Hindi nila nirerespeto 'yung efforts ko, ilang beses akong napuyat para lang sa paghahanda sa debate na 'to. Hindi na ako umasa na isususupport nila ako kasi okay lang naman sa'kin maski hindi nila ako suportahan. Nandyan naman sina Kuya eh, si Lolo M, si Spade.

Kaso niloko din ako ni Spade. Wala namang nakasulat sa noo ko na dapat akong saktan o 'di kaya'y paniwalain ako. Talagang pinili lang nila akong saktan at lokohin.

“Oh, eto na. Pasok na tayo sa loob. Ang init dito."

Matamlay na inabot ko ang dala nyang sandwich, cola at fries.  Ansarap ng dala ni Kuya na pagkain pero hindi ko naman makakakain, wala akong gana.

“Problema mo?"

“Wala.”

“Edi tara na sa loob."

Umiling iling ako. “Ayoko. Dito muna ako. Kakainin ko muna 'to.” itinuro ko pa ang binili nyang pagkain. Napasimangot naman sya sa'kin at saka napipilitang umupo sa tabi ko.

“Bilisan mo.” anya.

Eh?

“Kuya, kaya ko naman mag-isa."

“Nope, hindi mo kayang mag-isa. Kaya dito lang ako. Bilisan mo kumain!"

Atat psh. Sinimulan kong kainin ang binili nya sa'kin, nagutom ako bigla nang simulan kong kainin 'yung sandwich. Kaunti lang kasi ang kinain ko kanina sa sobrang kaba at kadalian.

“Gutom ka no?"

Inignore ko si Kuya nang magtanong sya. Tuloy tuloy akong kumagat sa sandwich na hawak ko, kinain ko na rin 'yung fries na dala ni Kuya.

“Plastik na 'yan!"

Inagaw nya 'yung plastik ng sandwich na hawak ko. Inirapan ko naman sya. Ang epal. Sa pagkain ko na nga lang binubunton lahat ng inis at lungkot ko e. Tapos pipigilan pa 'ko.

Di bale may fries pa naman at cola. 'Yun naman ang sunod kong kinuha. Hindi ko tinigilan hanggang sa mapuno ang bunganga ko ng fries.

“Pinapakain naman kita ah. Nyare sa'yo?"

Nasaktan.

“Nakadrugs ka ba? Nagaaddict ka?” Inalog alog pa nya ang balikat ko.

Hindi ako nakadrugs, nasaktan nga ako!

Shete. Nahihilo na ako. Kitang kumakain ang tao, alog alogin ba naman. Psh, abnoy talaga 'tong kapatid ko. Sagot daw ako, pano ako makakasagot, puno ang bibig ko. Myghad, walang common sense. Itatapon ko 'to dun sa Class Z eh. 

Hayy bahala sya. Hindi ko nalang sya pinansin, sure naman ako na mapapagod din sya sa ginagawa nya. Kakain nalang ako.

“Kung ayaw mo magsalita, fine. Bilisan mo na kumain, manonood pa ako sa loob."

Napangiwi ako. Nandito kaya ako! 'Yung kapatid nya na dapat ay syang representative. Ba't excited syang manood ng laban ng mga impakto na 'yon? Hmp. Kunsabagay, hindi nga pala alam ni Kuya. Hindi ko rin sya masisisi.

Nagstay pa kami sa labas for 20 minutes. Sinadya ko talagang bagalan ang pagkain para hindi ko maabutan na lumaban sina Zero.

“She's that girl, right?”

Pagpasok ko palang ng auditorium, nagbulungan na sila. Halatang halata pa na ako ang pinaguusapan, titingin sa'kin sabay hahagikhik at bubulong sa katabi. Namayani na naman ang hiya sa katawan ko. Hindi ko naman dapat nararamdaman 'to eh, dahil alam ko na wala akong ginawang masama. Pero hindi ko talaga maiwasang mahiya.

“Omy, she's that pathetic girl."

I know! Dzuh.

“Sinong kasama nya? Ang pogii!”

Pogi?

Nilingon ko si Kuya na nakapoker face habang naglalakad. Kunwari matino sya ngayon. May nakikita akong mga babaeng nagfangirl sa kanya, nagpupuso puso ang mata. Mga hayufff.

Kuya ko 'to!

Ikinawit ko ang braso ko sa braso nya. Takang napatingin naman si Kuya sa'kin. Nginitian ko lang sya bilang sagot. Akala ko tatanggalin nya ang braso ko pero pinabayaan nya lang. Nagbago naman ang mga mukha nung mga babaeng haliparot. Buti nga. Balak pang agawin kuya ko, buset.

“She's so landii!"

“Oh my god, I hate her."

Napatingin ako sa stage kung saan nandon sina Gray, Archer at Zero. Hindi parin tapos ang laban nila kaya focus na focus sila don, si Zero lamg 'yung talagang nakatingin sa'min. Maski 'yung buong Class Z ay busy sa panonood. Hindi nila napansin na pumasok na ulit ako ng auditorium. Buti nalang.

“Kuya, dito tayo."

Sa may pwesto na walang masyadong nakaupo at syempre walang masyadong halips short for haliparot na nakaupo. Maganda din naman ang pwesto dito, kitang kita ang stage. Eto na nga lang ang mangilan ngilan na upuang vacant.

“Hmm, bakit hindi ka nalang dun sa reserved seat niyo umupo? Mas maganda pwesto don."

Umupo na sya kaya ganon din ang ginawa ko. Ayaw kong umupo dun sa pwesto nila. Kanila lang 'yun e, hindi ako belong don.

“Dito nalang ako. Mas gusto ko dito." Sagot ko nalang para tigilan na ako ni Kuya.

Nanahimik na naman sya. Nagfocus nalang sa naglalaban. Sa mga makatang naglalaban. Nabaling din tuloy ang atensyon ko sa kanila. Kahit na inis ako sa kanila, hindi ko parin maiwasang mamangha. Ang talino nila, ang tataba ng utak. Easy easy lang sa kanilang sagutin 'yung kabilang grupo. Halata pang alam na alam nila ang sinasabi nila. Kung ako siguro 'yun, baka hindi na ako magkandarapa sa kaba. Baka mautal utal ako. Kung tutuusin, papayag naman ako na sila ang maging reppresentatives. Hindi lang talaga nila sinabi sa'kin.

'Yung Class Z halatang support na support 'yung tatlo. Sigaw sila ng sigaw, may mga hawak pang banner 'yung iba. Napapaiyak na naman tuloy ako. Parang tanga.

Wala namang nakakaiyak, George! 

Naiinggit ako sa kanila.

“Psst. 'Yung phone mo kanina pa 'yan."

Phone ko? Ay, kanina pa pala 'to nagvibrate. Hindi ko na namalayan. Sino naman kaya 'to?

30+ messages!

Sheez, ang sipag naman magtext ng kung sino man 'to.

I open the message and saw that it's either from Tim, August, Achylis, and Wavin. Punong puno inbox ko. Bakit naman kasi binigay nila 'yung number ko sa mga 'yon. Tss.

From: 09×××××××××

Hey, this is August. Sorry for not telling you.

Binuksan ko pa 'yung isa pang message, ibang number naman.

From:  09×××××××××

Pinilit lang naman talaga kami eh, s-sorry.

Tss. Hanggang sa text may pautal. Buset na Achylis 'to. Pinilit lang sila? Talaga ba?

From:  09×××××××××

SINASABI KO SA'YO BUMALIK KA NA DITO SA LOOB! KAPAG HINDI KA BUMALIK LAGOT KA SA'KIN!

P.S. HINDI AKO GALIT. SORRY NA KASII.

Tsk.

From: 09×××××××××

Georgee, nasaan ka? Huwag ka na magalit.

Si Tim naman 'yon. 'Yung iba naman paulit ulit lang na message. Flood message amp. Akala naman nila patatawarin ko sila. Lol. Manigas sila.

Tiningnan ko ang kinaroroonan ng Class Z, palinga linga sa paligid 'yung mga itlogz parang may hinahanap. May pagtayo pa sina Tim. Ayokong magassume dahil alam kong masasaktan lang ako pero feel ko talaga ako 'yung hinahanap nila. Kaya kailangan kong magtago!

Kaso walang taguan.

Nang tumingin sa direksyon namin sina Tim ay sya ko namang pagiwas ng tingin. Sana lang hindi ako nakita.

Shet, nakita ata ako. Papunta na sila dito.

“Ba't hindi ka mapakali dyan?” tanong ni Kuya nang mapatingin sa'kin.

Napangiwi naman ako. “W-wala naman. ”

“Natatae ka ba?” naniningkit pa ang mata nya.

“Hindi. Wala lang, trip ko lang.”

“Tss. ”

Buset, 'wag kayo dito!

“Punta lang akong cr, kuya---.”

Napatigil ako sa pagsasalita. Nasa harap ko na ngayon sina August, Achylis, Tim at Wavin. Iniwas ko ang paningin ko sa kanila. Gustuhin ko mang titigan sila sa mata, nawawala ang lakas ng loob ko kapag naiisip 'yung ginawa nila.

“Cr? Saan ba cr dito? Gusto mo samahan kita?”

Kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sa'kin si Kuya kaya siguro hindi nya napansin na nasa harap na namin sina Tim. Sa sahig lang naman ako nakatingin o 'di kaya ay sa side na hindi ko masasalubong ng tingin 'yung apat.

“Sumagot ka, tss. Walang bibig lang, bunso?”

“K-kaya ko naman magcr magisa! Manood ka nalang dito.” sagot ko at saka tumayo sa upuan.

Ramdam ko na nakapanood sila sa'min, hayy. I'll just ignore them. Nagumpisa akong maglakad paalis. Konti nalang malalampasan ko na sila.

Konti nalang.

“Georgina.”

Agad kong pilit na inaalis ang hawak ni Tim sa braso ko. Ano na naman bang kelangan nila?

“Ano?” mataray kong sagot. Itinaas ko pa ang kilay ko kahit hindi ako sa kanila nakatingin.

Gusto kong makita nila na naiirita ako sa kanila, na naiinis ako. Hindi ko gusto 'yung ginawa nila. Disappointed ako sa kanila. Lalo pa't paulit ulit silang humihingi ng sorry pero paulit ulit din nila akong pinagmumukhang tanga.

“Tara na don. Hinihintay ka na ni Lolo M.” si August ang sumagot.

Talagang ginawa pa nilang dahilan si Lolo M. Ibang klase talaga.

“Ayoko.”

“George naman.”

“Ayoko.”

Buset na Tim 'to, hindi parin tinatanggal ang pagkakakapit sa braso ko. Kaasar.

“George, please. Let's just go."

“Ayoko nga sabi e!” malakas ang pwersa na binawi ko ang braso ko kay Tim. This time hinarap ko na sila. Kita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila. “Bakit ba ang kulit niyo? Diba sabi ko ayoko!”

Humakbang palapit si Achylis sa'kin. “A-alam ko naman na g-galit ka-----."

“Alam mo pala, ba't nandito kayo?”

They really don't make sense. Kung alam naman pala nilang galit ako, bakit sinasabayan nila ang galit ko? Bakit sumasabay sila? Pinapakita pa nila ang mga mukha nila sa harap ko. Ayos lang naman kung makita ko sila e, huwag nalang nila akong kausapin.  Akala ata nila natutuwa ako na nakikita ko ang mga mukha nila. Tss. Lalong kumukulo dugo ko.

“George, don't be rude."

Napalingon ako kay Kuya na nakatayo na sa upuan nya. Nakuha na pala namin ang atensyon nya. Inis na inayos ko ang damit ko. Hindi na ako umimik at saka bumalik nalang sa upuan ko.

Aishh. Nasa harap ko pa nga pala sila.

“Diba kayo 'yung bumisita sa bahay?” turo ni Kuya kay Wavin at Tim.

“Kami nga, kuya este sir.” ani Tim, napapakamot pa sa ulo. Tahimik lang naman si Wavin sa isang tabi. Patingin tingin samin. “Sinusundo namin si George, dun kasi upuan namin e hehehehe.”

Tss. Plastik.

Bumibigat na naman ang pakiramdaman ko.

“Oh, sama ka na sa kanila. Mas maayos dun."

Umiling agad ako kay Kuya. Nagcross arms pa ako. Kahit anong sabihin nila hindi ako sasama sa kanila. Tinaasan pa ako ng kilay ni Kuya kaya umiling ulit ako sa kanya.

“Ayaw eh, she'll sit here. Balik na kayo sa upuan nyo.” seryosong ani Kuya.

Napahinga ako ng maluwag. Buti nalang talaga't madaling makapickup 'tong kapatid ko.

“Sigee sir.”

Nagaalinlangan pang umalis sina Tim pero sinunod naman si Kuya sa huli. Natatakot siguro sila kay Super Gio. Buti nalang talaga natakot kay Kuya. Buti nalang talaga hindi ko na kelangan pumunta sa kung nasaan sila.

Nanahimik ang buhay ko sa loob ng ilang minuto. Hindi na rin ako pinuntahan nina Wavin. Paminsan minsan ay nakikita ko silang nakatingin sa'kin. Umiiwas lang ako ng tingin, syempre. Hiyang hiya naman kasi ako.

Si Kuya naman parang walang pake sa mundo. Focus na focus sa nagdedebate. Nagsasalita pang mag-isa minsan. Pero mas okay na din 'yon kesa naman magtanong sya sa'kin kung about kanina.

“Astair."

Lolo M?

Napatayo ako sa upuan ko. Nandito nga si Lolo M. Pinadala ata nung mga impakto. Tsk. Nakatingin pa sila dito, sinusubaybayan talaga bawat pangyayari sa buhay ko.

“P-po?"

“Halika na, dun tayo sa upuan mo iha.” anya.

I smile bitterly at Lolo M. Umiling din ako. “Dito nalang po ako.”

“Let's support them together, let's just not think about misunderstandings. Isantabi muna natin. "

Isantabi?

“Lo--.”

“Kahit para sa akin.”

Napabuntong hininga ako. Tinitingnan ako ni Lolo M na parang nagmamakaawa. Parang stress na stress din sya sa mga kaganapan. Nalaman na siguro nya 'yung nangyari. Sinulyapan ko ulit 'yung Class Z, nakatingin pa din sila sa'min.

“S-sige na nga, Lolo."

Makikisama ako dun para kay Lolo M, dahil nirerespeto ko sya. Tsaka ayaw ko syang mastress nang dahil sa'kin. Hindi kaya ng konsensya ko kapag may mangyaring masama sa kanya.

“Wait.”

Natigil ako sa paglalakad nang magsalita si Kuya. Gulong gulo 'yung ekspresyon ng mukha nya.

“Bakit boses lalaki sya?" Tinuro nya pa si Lolo M.

Patay. Mukha nga palang babae si Lolo tapos kinausap nya ako sa normal voice nya. Nakuu.. Napakamot sa ulo si Lolo at saka napatikhim.

“Paos ako, iho.” sagot nya.

Napatango tango lang si Kuya, naniwala ata.

“Oh, sorry for that."

“Kuya, punta lang ako sa upuan ko."

Pumayag agad si Kuya, napasimangot nalang ako. Mas okay sana kung pigilan nya ako kaso focus na focus sa stage. Tss.

Sumama na ako kay Lolo M papunta sa seats namin. Nakita ko pa ang pagngiti nina Tim nang makita na kasama ako ni Lolo M. Psh, dahil kay Lolo M lang naman ako pupunta dun eh.  Akala naman nila.

“Omy, we have a guest!” maarteng anunsyo ni Olivia pagkakita sa'kin.

Agad naman syang sinuway ni Spade na ikinatahimik nya. Naririnig ko pa ang pagrereklamo ng grupo ni Corine, grupo ni Kin at ng iba pa. Ayaw nila na nandito ako, ayaw ko rin naman 'no! Kung 'di lang talaga para kay Lolo M hindi ako pupunta dito.

Wala akong ibang nagawa kundi ang umupo sa upuan ko kalapit ni Tim at Wavin. Hindi ko sila nilingon kahit na kinakausap nila ako. Sa baba lang talaga ako tumingin. Pinapakinggan ko lang din ang sinasabi nila tungkol sa'kin. Syempre, masama na naman ako sa paningin nila. Ewan ko ba kung bakit pinanganak silang makakapal ang mukha.

“May nagpipilit na namang sumingit, oh well. Ganyan talaga kapag makapal ang mukha.” parinig ni Mindy na sinabayan ng halakhakan ng Class Z, except kay Lolo M, Spade at dun sa apat.

“Silence! Pwede manood nalang kayo?” iritang sigaw ni Spade sa baritonong boses, may pagtayo pa. Nalimutan ata nyang babae sya ngayon.

Nanahimik naman sila ulit. Pinagbusy ko nalang din ang sarili ko sa paglalaro ng Tongits sa phone. Hindi ako lumingon sa stage. Narinig ko nalang na iaannounce na ang winner. Magdedecide na 'yung judge.

“And we have a winner! Sila na ang makakalaban ng Class A, congratulations Class Z!”

Oh. Nanalo sila.

“WAAAAAHHHHHHHHH!”

“OMGGGGG!”

“ANG GALING NYO!”

Nakatayo ang lahat habang nakaupo lang ako. Ang ingay nila. Hindi ako nakisigaw o nakicelebrate sa kanila. Nagfocus nalang ako sa nilalaro ko.

“Buti nalang talaga sila ang lumaban.” rinig kong pasaring ni Kin.

“Oo nga, buti nalang.” dugtong pa ni Corine.

Buti na nga lang.

“Sure naman ako na matatalo section natin kapag 'yan ang ipinanglaban nyo.”

“Pfft, HAHAHAHAHA."

Hayy, gusto ko nang umalis. Hindi ko na kayang pakinggan ang sinasabi nila. Aalis na ako. Tumayo na ako at saka humarap sa kanila. Natigil ang pagiingay nila nang makita nakaharap ako sa kanila. Sinamaan ko sila ng tingin isa-isa.

Psh, takot naman pala-----.

“Aray!”

Napahawak ako sa noo ko nang matamaan ng lumilipad na pompoms.

“Ano ba?!”

Pinameywangan ako ng grupo ni Corine. Wala don si Nadya. Inis na tiningnan ko si Corine na mataray akong tiningnan.

“Magcheer ka, pwede?”

Magcheer?

“Magcheer ka naman para may pakinabang ka. Sampid ka na nga lang wala ka pang silbi.”

Walang silbi? Sampid?

Napamaang ako sa sinabi nya. Nakuyom ko ang kamao ko sa sinabi nya. Wow. Grabe. Sobra na. Sobra na talaga sya.

“Corine!"

Hindi makapaniwalang nakatingin lang ako kay Corine, rinig ko din na nagagalit sina Tim sa kanya. Pati si Lolo M, pinagsasabihan sya.

“What? Just spitting facts, dzuh.” napapikit ako nang ibato pa nya sa'kin 'yung isang pompoms na hawak nya. “Ayan pa. Sabing magcheer ka e!"

Tinamaan ako sa mukha, putanginams. Hindi ko na 'to mapapalampas pa.

“Ano? Lalaban ka?” anya.

“Pfft. Oh, ayan pa.” ibinato din sa'kin ni Olyvia at Mindy ang mga pompoms na hawak nila sa'kin. Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, nakita ko nalang na nasa harapan ko na si Tim. Hinawakan naman nina August sina Corine.

“Tama na!" Sigaw ni Tim.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Ayokong gumawa ng gulo pero hindi ko na kayang magpigil.

“Kasalanan nya naman!”

Kasalanan ko?

Inis na umalis ako sa pagkakatago sa likod ni Tim. “Kasalanan ko pa talaga?"

“Oo, kasalanan mo. Kung hindi ka dumating wala sanang gulo."

Mygash. Bulok na 'yung reason nila na 'yon. Wala na bang bago?

“Tumigil na kayo, Corine." Seryosong ani Lolo M.

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Corine si Lolo M. Halatang naiinis sya.

“Why are you stopping me? Bakit ba lagi mong kinakampihan 'tong buset na 'to?” itinuro pa ako ni Corine. “Why? How could you be so bias and unfair? Oh well, maybe George is really a bitch. A psychotic bitch------."

“Who are you calling bitch, bitch?”

Shet, nandito nga pala ang Kuya ko.

Continue Reading

You'll Also Like

483K 1.9K 6
Kung hindi niyo pa nabasa ang season 1 neto wag niyo na itong buksan dahil maguguluhan lang kayo. Kaya mabuti pa basahin niyo muna yun pero kung naba...
2.3K 193 44
COMPLETED Ulila na sa mga magulang si John, namatay ang mga ito sa isang aksidente kaya inilayo niya ang sarili sa mundo, namuhay siyang mag isa hang...
44.6K 2.8K 39
[COMPLETE] Azalea Rieko and Kleon Ace Labera Ang akala ni Azalea mananatili ang mundo niyang tahimik at dati'y walang pakialam sa mundo, walang paki...
922 70 26
Mahilig mag-basa ng mga libro si Victoria, pero ang mga librong binabasa niya ay hindi patungkol sa pag-aaral, dahilan nang pagka-baba ng kan'yang mg...