Class A VS Class Z
Bakit ako isinama ni Lolo M dito?
Ang sabi nya sa'kin isantabi muna 'yung galit at sama ng loob ko sa mga kaklase kong abnoy. Pero bakit sila 'yung g na g sa pagpapahirap sa'kin? Sa pangbubully sa'kin? Bakit sinabihan akong magadjust pero 'yung buong Class Z hindi nila magawang magadjust?
Kasalanan 'to nina Tim dahil hindi nila sa'kin pinaalam------ hindi. Kasalanan talaga 'to nina Zero dahil ginagawa nila akong laruan. Hindi, mali na naman. Kasalanan 'to ni Lolo M dahil sinama nya pa ako dito.
Mali ka, Georgina. Kasalanan mo 'to.
Tama. Kasalanan kong lahat. Kung marunong lang akong makiramdam, kung marunong lang akong lumugar. Nung sinabi nila na hindi ako nararapat sa section nila dapat umalis nalang ako. Ipinaalam ko nalang dapat kay Kuya. Pwedeng pwede naman akong magtrabaho nalang kesa makisama sa kanila. Kasalanan ko talaga dahil ang tanga ko.
Dahil sa'kin nagkakagulo.
“Tama na 'yan!”
“Stop! Stop it!”
Hiyawan, sigawan. Hindi na magkandarapa sina August sa pagawat kay Corine. Nakatingin lang naman ang ibang Class Z, ayaw atang makigulo. Bago 'yun ah. Hawak hawak nya ngayon 'yung upuan nya. Gigil na gigil siya at gustong gusto nyang ibato ang upuan sa tumawag sa kanyang 'bitch'. Hindi siguro siya sanay na naiinsulto.
“Kung sino ka mang buset ka, go away! We don't need you here!” iritang sigaw ni Corine.
Sinisigawan nya ngayon ang Kuya ko. Sinulyapan ko ang itsura ni Kuya, seryoso ang mukha niya pero 'yung mata nya nakakatakot.
“I didn't know this school had a psychotic bitch and mannerless student like you."
“Excuse me?”
Napakagat ako sa labi at saka dahan dahang lumapit kay Kuya. Hinawakan ko ang braso nya para pakalmahin siya pero hindi nya ako nilingon. Hindi ko alam kung anong magagawa nya kay Corine kaya dapat syang pigilan.
“Kakilala mo, George?” tanong ng isang Class Z na kaklase ko, si Jacob siya if I remembered correctly.
Hindi ko siya sinagot at sa halip ay binalingan si Kuya Gio. “Kuya, tara na. Hayaan mo nalang sila.”
Palampasin nalang. Katulad ng palagi kong ginagawa.
“Hayaan? I saw what they did to you. Kung mapapalampas mo 'yun, not me.” hindi parin nya ako binalingan ng tingin.
Akmang lalapitan nya si Corine pero pinigilan ko siya. “Please, let's just go."
“No.”
Kung inulan ako ng kamalasan, si Kuya naman sa katigasan ng ulo. Jusko, sinasabihan na ayaw pang umalis. Ano ba 'yan. Hindi ko na alam kung pano siya maaawat.
Bagsak ang balikat na tiningnan ko siya, kay Corine and friends parin sya nakatingin. “Kuya, please. Umuwi nalang tayo.”
“I said no, Georgina. Dyan ka nalang sa tabi.”
Sa tabi? Myghad. Akala talaga nya mananahimik lang ako sa isang tabi habang nakikita ko syang nakikipagjombagan?
“Kuya ni George?”
“Nakakatakot ang Kuya nya.”
“Hala, ang pogi.”
May naririnig pa akong comment galing sa ibang section. Inilibot ko ang tingin na dapat pala ay hindi ko ginawa, pinagtitinginan na kami… ng lahat! Nakuha na namin ang atensyon nila pati nung mga nasa stage. Natigil na din pala 'yung sinasabi nung host. Pati sina Zero nakatingin samin, hindi lang 'yun pati si Yvo. Putanginams talaga.
“Kuyaaaa, tara naa.”
Hinigit ko 'yung braso nya paalis pero ayaw patinag. Buset. Ano ba 'to.
“Kaya naman pala basura ang ugali, kuya mo naman pala. Pfftt, hindi na ako nagtataka.”
Manahimik ka, Olyvia!
“Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin? If not, look at yourself in the mirror first. Stop saying things that are really meant for yourself.” bwelta ni Kuya, nakakuyom parin ang kamao nya.
Napa'oohh' pa ang mga kaklase kong lalaki. Hindi naman ako mapakali sa paghila kay Kuya paalis, grabe ayaw patinag. Muntik pa akong matumba kakahigit sa kanya. Buti nahawakan nya ako agad. Kundi kahiya hiya. Sakit na nga ng puso ko pati ba naman ng katawan?
“I hate you both!!” biglang sigaw ni Corine.
Tiningnan ko siya sa mata.
I hate you too. Wala na nga ding mapaglagyan 'yung inis ko sa kanya. Gusto ko na siyang labanan pero wala pa akong lakas ng loob para labanan siya.
“We hate you!” sabay sabay na sigaw ng tatlong sina Mindy, Olyvia at Corine. Ganap na ganap na mean girls.
Rinig na rinig sa buong auditorium ang mga boses nila. Medyo nagulat pa sila nung una. Ngayon lang nila napansin na pinapanood na kami ng lahat.
“Tama na!” sigaw ni Lolo M, medyo pinagirly nya 'yung boses nya. Mukha syang stress na stress ngayon. Gusto ko tuloy syang pauwiin bigla.
Si Kuya naman ang binalingan ko, ang tigas ng ulo kahit kelan.
“Umuwi na tayo. Kahit ngayon lang makinig ka sa'kin. Please.”
Hinigit higit ko 'yung laylayan ng damit nya pati na ang braso nya pero hindi parin ako nililingon. Alam ko na galit siya. Nagagalit siya sa'kin. Nagagalit siya para sa'kin.
“Ano bang ginawa ng kapatid ko? Ninakawan ba kayo? Siniraan? Ginawan ng masama?”
“Kuya.”
Ano bang sinasabi nya. Juskoo. Mangiyak ngiyak ko siyang tiningnan. Huwag mo kong paiyakin! Napayuko nalang ako.
“Marami! Mahilig siyang manghimasok, pakialamera, bida bida!” bigla ay sigaw ni Mindy.
“Oh, sorry for that then. She always has this spotlight in her. She's unique, you know."
Spotlight?
Tiningnan ko si Kuya, nakasmirk siya sa kanila. Habang hindi makapaniwalang tinitingnan naman sya nung mga mean girl. Hindi ko maiwasang maoverwhelm sa sinabi nya.
“Bida bida siya? Pakielamara? To tell you the truth, isa 'yun sa ugali nya na gusto ko. She saves someone's day just by being herself.”
Awww. Mangiyak ngiyak na tiningnan ko si Kuya. Saktong tumingin din siya sa'kin. “And I'm proud of her.” Nginitian nya ako after sabihin 'yun. Namuo tuloy ng tuluyan ang mga luha ko. Buset 'tong si Kuya pinapaiyak ako.
“Awww.”
“Sanaol kay George."
“Namiss ko tuloy si Kuya."
Side comment ulit ng nga itlogz at Noblesse High 4th year student. Live nga pala kami. Pinunasan ko ang luha ko.
“Arrrghhhh! The hell?!”
Shet. Nagdadabog na sya.
“Class Z.” napaharap ako sa stage nang magsalita 'yung Filipino Prof namin. Nakangiti siya pero halatang plastik 'yung ngiti.
“Kung gagawa kayo ng gulo, pwede umalis nalang kayo? Huwag nyong ipaglandakan ang kagaspangan ng mga ugali niyo. Nakakahiya sa ibang section. Mahiya naman kayo.”
Wow. Talagang gumamit pa sya ng mic para sabihin 'yun. Naghagikhikan naman ang students ng ibang section, may naririnig pa akong nagsasabi na wala raw talaga kaming breeding.
Dzuh, meron kaya! Kabibili ko lang kahapon ng chicken breeding.
“Kung gusto niyo namang magstay. Just take your seat and just watch.”
Walang nagawa ang Class Z students kundi ang maupo. Maging sina Mindy at Olyvia na naiinis ay umupo din. Tanging kami nalang ni Kuya, at Corine ang nakatayo. Nakikipageye to eye pa si Kuya kay Corine. Ayaw naman magpatalo nung leader ng mean girls.
“Georgina and Corine, right? Hindi ba kayo uupo?”
Nagbabanta na.
“Tara na!”
Hinigit higit ko si Kuya ayaw pang magpahila nung una pero sa pangatlong try ko ay nagpdala na sya. Kita ko pang tatayo sana si Tim at Wavin para tulungan ako. Sinenyasan ko silang huwag na. Hindi ko rin naman kelangan ng tulong nila.
Masama ang tingin ni Kuya kay Corine habang hila hila ko siya, hindi nya inalis ang paningin dun. May kung ano anong binubulong pa sya. Tsk. Hirap na hirap na kaya ako. Ang laki kaya nyang tao!
Napansin ata ni Kuya na nahihirapan ako paghila sa kanya. Inakbayan nya ako at saka sya na mismo ang nagguide papunta sa upuan namin. Nasulyapan ko pa sina Gray, seryoso lang sila. Samantalang ngiting ngiti naman si Yvo.
“Kaklase mo ba talaga 'yun? Bakit ganon ka itrato?”
Hindi daw nila ako kaklase.
Kararating palang namin sa upuan namin, nagtanong na agad siya. Halata parin ang asar sa mukha nya.
“Ano bang ginawa mo sa kanila?”
Wala. Wala akong ginawa.
Hindi ko ulit sya sinagot.
“Sagutin mo 'ko.”
“Wala akong ginawa. Galit lang talaga sila sa'kin dahil sa ganda ko. Alam mo naman----."
“Georgina!”
Galit na syaaa. Napabuntong hininga ako. Mangiyak ngiyak na tiningnan ko siya. “Kuya, sa bahay nalang pwede? Umuwi na tayo.”
Gusto ko nalang magkulong sa kwarto ko. Andami kong iisipin. Andami ko ring gustong kalimutan. Ayoko munang lumabas.
“Tsk. You're not answering my question. Siguraduhin mo lang na sasabihin mo sa'kin lahat pagdating natin sa bahay.”
Tumango agad ako. Baka magbago pa ang isip eh. For now, uuwi nalang kami. Tumayo na ako pagkatayo ni Kuya. Saktong pagtayo naman namin nagsalita bigla 'yung host.
“Umpisahan na natin ang huling tapatan. Let's all welcome, Class A and Class Z!”
Nakakarinding sigawan na naman ang nangyari. Edi good for them. Iwinaksi ko nalang ang nararamdaman kong inggit sa katawan. Hindi nga ako belong tapos nagaasam pa akong ipaglaban din nila 'ko? Lol, ang funny ko pala.
Hindi parin maiwasan ang bulungan ng iba habang papalabas kami. Syempre marites sila. Pero hindi ko kayo papansinin. Iisipin ko nalang na isa silang malaking oud.
Ay mali, nakakatakot pala.
“Before we start...”
Eh? Iba 'yung boses ah. Sino kaya 'yun. Boses ng lalaki. Sigurado akong hindi 'yun boses ni Gray, Archer at mas lalong hindi boses ni Zero.
“..I would like to request Miss Noburi to replace one of the representative on stage. Gusto ko siya ang lumaban.”
Noburi? Apelyedo ko 'yun ah.
“Apelyedo natin 'yun ah.”
Napahinto na din si Kuya sa paglalakad. Bakit ba naman kasi nadadamay ang apelyedo naming nananahimik?
“Noburi?” tanong nung host, nakamic din sya.
“Yes, Georgina Astair Noburi.”
Nanlaki ang mata ko at saka napaharap sa kanila.
Si Yvo. Sya 'yung nagrequest! Putanginams. Ano naman kayang binabalak nya? Nanlalaki parin ang mata ko habang tiningnan siya.
“Miss Georgina Astair Noburi, please come on stage.” agad na announce nung host. Wala man lang meeting or usap na naganap, talagang pumayag silang umakyat ako dun at lumaban? Putek.
“Siya si Noburi?"
“Ang swerte naman nya, sikat na sikat sya.”
“This can't be happening! Hindi siya pwedeng maging rep!”
Napapikit nalang ako. Napakapit din ako kay Kuya. Nanlalambot ang tuhod ko, feeling ko anytime ay bibigay ang katawan ko. Ano ba kasing sumanib sa kanya at gumawa sya ng ganong request? Kung bored sya sa buhay nya huwag nya akong paglaruan. Uuwi na ako eh.
“Tinatawag ka. Lalaban ka?”
Tinatanong mo pa talaga ako, Kuya! Jusko.
Lalong namuo ang pawis sa noo ko. Parang may nagkakarerang mga kabayo na naman sa dibdib ko. Gantong ganto 'yung pakiramdam ko kanina knowing na lalaban ako. Sinulyapan ko 'yung Class Z, halata sa mukha nila na hindi sila payag na ako ang maging rep. Si Lolo M at Spade naman, minumustrahan akong kaya ko raw 'yon. Na umakyat ako sa stage.
Kung ganon lang talaga kadali 'yun ih.
Sina Tim at Wavin naman, hindi maitsurahan. Hindi ko alam kung isususpport ako o hindi. Sunod kong sinulyapan sina Zero, nagbubulungan sila sa gitna ng stage. Sumusulyap sulyap din sila sa'kin sabay bubulong. Ano ba naman 'tong nangyayare!
“Let's just go home.” rinig ko ang boses ni Kuya.
“Umakyat ka na sa stage Miss Noburi or else your section will be disqualified.”
“Shit, akyat na girl!” sigaw nung mga tagaClass Z.
Napamaang ako sa sinabi nung host. Aba, hindi naman tama 'yun! Porke sinuggest nung buset na Yvo na 'yun, disqualified agad kapag hindi pumayag? Wala na talaga akong free will dito ah. Hanep sila. Puro paladesisyon.
“Don't mind them, let's go.” hinila ako ni Kuya paharap sa labasan. Sumama naman ako, gusto kong tumakas.
“Tatakbo ka?I always look up to you, Georgina. I didn't know you're this weak.”
Napatigil ulit ako sa paglalakad. Nakagat ko ang ibabang labi sa inis. Si Yvo na ulit ang may hawak nung mic pagkaharap ko. Nangaasar ang ngiti nya.
“Aba't, siraulo 'yun----.”
Pinigilan ko si Kuya. Nagagalit na naman sya para sa'kin. Ipagtatanggol na naman nya ako. Hindi nya naman ako kelangang ipagtanggol dahil ako na mismo ang magtatanggol sa sarili ko.
“Lalaban ka?"
Tumigil ako sa paglalakad. “Oo, Kuya.”
“But."
“Don't worry, kaya ko 'to!”
“Goodluck. I'll cheer for you.” tila sumusukong anya.
Nginitian ko sya. Buti nalang talaga nandyan si kuya. Sya lang talaga nagpapalakas ng loob ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung wala sya dito.
Nakasalubong ko si Gray paakyat sa stage. Medyo lumapit sya sa'kin at saka bumulong ng 'Goodluck'. Medyo natuwa ako kahit papaano pero hindi parin nawala ang inis ko sa kanila. Puro negative comments nalang ang nadaanan ko buti naligaw si Gray.
“You're here.” bungad ni Archer sa'kin.
Hindi ko sya pinansin. Kala niya, tsk. Pumwesto ako sa may gilid medyo malayo sa kanila. Team kami pero individual lang 'tong sa'kin. Syempre, hindi ko sila aasahan. Sasagot ako ng akin.
“A-ano ba!”
Pilit kong inaalis ang braso ni Zero na nakaakbay sa'kin. Lumapit talaga sya sa'kin tapos bigla akong inakbayan. Nakaisip na naman siguro ng kabaliwan. Kadiri ha. Ayaw tanggalin ang kamay. Buset.
Dinala nya ako sa pwesto nila, sa may gitna nya ako pinwesto. Napasimangot agad ako dahil kaharap ko si Yvo. Isa pa'y hindi parin tinatanggal ni Zero 'yung pagkakaakbay nya sa'kin. Naririnig ko tuloy na sumisigaw si Kuya pati na ang boses ng iba.
“Let's start. Heads or tails?" Tanong nung host sa grupo namin at sa grupo ng Class A.
Walang ganang tumingin lang ako sa sahig. Bahala na silang pumili, malaki na sila. Tsaka kinakabahan ako ng sobra. Hindi ko kering sumagot. Namamawis pa ang kamay ko. Idagdag pa 'tong buset na Zero na 'to, ayaw alisin 'yung pagkakaakbay nya sa'kin.
“Head.” sagot ni Yvo.
“No choice, tails." Sagot naman ni Zero.
Ibinato na nung host 'yung barya sa ere at saka sinalo. Pinakita nya samin 'yun at..
“Heads! Class A kayo ang mauunang pumili ng side.”
Kinakabahan talaga ako. Anong sasabihin ko? Paano kung magkandautal utal ako? Kung pwede ko lang hiramin ang utak ni Kuya. Sila pa ang mauunang pumili.
“You're shaking.” malamig ang boses na ani Zero.
Nanlalaki ang matang tiningnan ko sya. Sobrang lapit ng mukha nya sa may tenga ko. Binulungan nya ako na dapat hindi nya ginawa! Gusto ko biglang maligo sa alcohol.
“Tumahimik ka. Hindi ako nanginginig. Pakialis na ng braso mo.”
Putanginams neto. Kung hindi ka nga naman manggigil.
“Ayoko.” aniya, seryoso parin ang boses nya pero halata na don na nangaasar din sya. Medyo inilapit nya pa uli 'yung mukha nya sa may tenga ko para bumulong.
“Tanggalin mo na, impakto ka!” gigil ko na ding bulong kay Zero.
“I said I don't want."
Nakakagigil talaga 'tong impakto na 'to! Hinarap ko sya pero wrong move pala. Ang lapit ng mukha nya sa'kin. Konti nalang magtatama na 'yung mga ilong namin.
Dugdugdug.
Putanginams! Ba't kumakabog ang puso ko? Ba't ako kinakabahan?
“Ehem. We're on a debate, pinapaalala ko lang."
Agad na iniwas ko ang tingin kay Zero. Pilit ko din inaalis 'yung braso nya. Kaso ayaw talagang magpatinag.
“Eto 'yung pagdedebatehan niyo.” pagagaw pansin nung Filipino prof namin.
“Ano ang mas kailangan ng tao para mabuhay? Pera o Moral?"
Pera o Moral?
Syempre moral!
Dalawang beses pang inulit nung host 'yung tanong. Pinapili na din kami kung saan side kami. Hindi na kami nagusap o nagdiskusyon.
“We're Class A, para sa amin pera ang mas higit na kailangan para mabuhay.” diretsang sagot ni Yvo.
Mukhang focus na si Zero don. Ginamit ko ang pagkakataong 'yun para tanggalin ang pagkakaakbay nya sa'kin, good thing natanggal ko.
“Moral ang sa'min, then.” tila bored na sagot ni Zero.
Nandon din pala si Tristan at si Louis. Nakalimutan ko na. Paano ba naman nakakastress ang Class Z. Pero feeling ko masstress din naman ako sa kanila, ang sama ng tingin ni Tristan. Hindi sa'kin kundi kay Zero.
“Meron lamang tiglimang minuto para sumagot. May 30 minutes para sa laban na 'to. Goodluck. Start now.”
Naku, start na daw.
“Tristan speaking, para sa amin pera ang mas higit na kailangan ng tao para mabuhay, bakit? We all know that we have our basic needs right? May mga kailangan tayo, paano natin 'yun nakukuha? Ofcourse, it didn't just fall from the sky. Pinaghihirapan natin. Nakakabili tayo ng mga pagkain, pantawid gutom sa pangaraw araw dahil may pera tayo….”
Truth naman.
Jusko, anong isasagot namin? Kung ba't naman kasi nauna silang pumili. Time na namin para sumagot. Sino kaya ang unang sasagot?
“Zero here. Mas kailangan ng tao ang moral, ang magandang asal. Hindi lang naman tayo ang tao sa mundo, communication is a must. And when we communicate we need to have moral. Dahil kung meron kang moral, you'll be able to work things easier. Like for example at work, magagawa mong maging magandang halimbawa sa iba, just by being yourself and standing for what you think is right."
Owww. Nalimutan kong kagrupo ko si Zero. Sanaol tapos na. Ako hindi pa huhu! Tigiisa atang sagutan 'to bago uli umikot. Kinakabahan na ako.
Bawat rebutt sumisigaw 'yung mga kaklase namin at ng Class A, may labanan din sa cheer.
“Paano ka naman mabubuhay ng moral mo? Naibibili ka ba nyan ng pangaraw araw na makakain? Ng damit? Ng matutulugan? Diba hindi? Mas kailangan ang pera para mabuhay. Isipin niyo nalang, sa tuwing sinasabi ng mga magulang niyo na 'wala na tayong bigas' o 'di kaya'y 'walang pambaon sa eskwela', ano ang pinagtatrabahuhan nila para maibigay sa inyo ang kailangan niyo? Diba pera? Nagtatrabaho sila para kumita ng pera.”
Hindi ko maiwasang hindi sumangayon sa sinabi ni Louis. Totoo 'yung sinabi nya. Medyo nakarelate ako dun sa ginawa nyang sample.
“Sinong may sabing hindi ka mapapakain ng kagandahang asal? Kung may moral ka maraming magmamahal sa'yo. Maraming tutulong sa'yo, magaguide para matuto ka sa buhay. Magiging mas magaan ang bawat araw mo. Mas malalaman mo ang halaga ng buhay…”
Shete. Patapos narin magpaliwanag si Archer. So far katanggap tanggap naman 'yung paliwanag nila. Ako hindi ko pa alam ang sasabihin ko, punyemas.
“I'll make it short. ” si Yvo na ang nasagot, bale panghuli sya sa kanila. “Moral can't buy food so obviously it's money that we needed the most."
Sinagot ni Zero 'yung rebuttal ni Yvo, nagsagutan silang dalawa. Habang ako ay nanginginig lang dito sa gitna.
“Let her speak. Hindi naman sya siguro pipi 'diba?” itinuro pa ako ni Yvo. Buset!
Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagtingin sa'kin nina Zero at Archer. Hindi ko sila nilingon, napalunok ako bago magsalita.
“P-para sa a-akin..”
Whooo. Hingang malalim, George!
Pinagtatawanan pa ako ng audience, buset 'yan. Tinitigan ko sa mata si Yvo. Hindi ako nagpatinag sa tingin nya. Hinugot ko lahat ng lakas ng loob ko at saka sumagot.
“Para s-sa akin, moral ang mas higit na kailangan para mabuhay. Balikan natin 'yung tanong sa debate na 'to, ang sabi nung host 'Ano ang mas kailangan', dun palang dapat alam niyo na. Hindi naman sinabing pumili lang ng isa na kailangan para mabuhay diba? Nandon parin 'yung moral o 'yung pera, regardless of what we chose to prioritize. Regardless kung ano 'yung piliin natin na mas kailangan para mabuhay.” tinitigan ko sila isa isa.
“'Yung mga salitang 'Hindi ka mapapakain ng moral mo na 'yan', alam kong tumatakbo sa isipan niyo. Pero sa tingin niyo nabubuhay lang ba tayo para kumain, bumili ng gusto natin, ng kailangan natin? Diba hindi? Huwag nating kalimutan na isa sa mahalagang parte ng buhay ang pagkakaroon ng kaibigan, pagdedesisyon kung ano ang tama at mali, pagkakaroon ng matuwid na daan, pagkakaroon ng will na itama 'yung mali. Dahil 'yung mga 'yun ang nagpapakatao satin. With all those masasabi kong isang ganap na tao tayo. Dahil makakaya natin mawalan ng pera pero ang moral? 'Yun ang hinding hindi dapat mawala satin dahil kung wala kang moral, para ka naring namatay.”
Nanahimik sa loob ng auditorium pagkatapos kong sumagot, medyo hinihingal pa ako. Ewan ko ba kinakabahan talaga ako eh. Hindi ko makuha 'yung mga salitang sasabihin. Hindi ata nila nagustuhan ang sagot ko. Well, understandable naman. Hindi ko nga alam kung saan ko nakuha 'yun e.
Saktong pagtapos ko ay tumunog na din 'yung orasan, tapos na din 'yung time ng debate namin. Ngising ngisi lang samin 'yung tatlo sa kabilang panig. Samantalang tahimik lang naman 'yung mga kasama ko. Hayy. Sabi ko na nga ba dapat hindi na ako lumaban eh.
“Nice rebutt, pretty.” ani Tristan.
Pinagbreak muna ng 5 minutes dahil may kung ano pa silang ginagawa. Napagdesisyunan ko ding bumaba at puntahan si Kuya. Hindi naman ako pinigilan nina Zero at Archer, tuloy tuloy na akong bumaba. Dumiretso ako kay Kuya , hindi pinapansin 'yung mga bubuyog na nadadaanan ko.
“Good job, bunso.” bungad ni Kuya.
Napasimangot ako. Hindi ko nga alam kung ayos ba talaga 'yung sagot ko e. Bahala na nga.
Nagstay ako dun sa upuan namin hanggang sa tawagin na ulit kami sa unahan. Inaannounce na ata 'yung winner. Juskoooo. Mas lalo akong kinakabahan sa tuwing tinititigan ko 'yung host.
“Judges will decide now kung sino ang nanalo.”
May apat na judges, kapwa may hawak silang parang papel or karton? 'Yun yung tinataas nila, may letter 'yun ng sections. Then saka sila nagbibigay ng comments. Iniready na nila 'yung mga hawak nila.
It's either A or Z.
Sana Z.
Sabay sabay nilang itinaas 'yung hawak nila. Napapikit naman ako.
“Oh.” rinig ko ang boses ni Archer. Pati na ang pagkagulat ng audience.
Bakit kaya sila nagulat? Iminulat ko ang mata at sheteee…
Tie?
Dalawang A at Dalawang Z. So, sino ang nanalo?
Nagkakagulo na sa baba. Nalilito din sila. Maski ako nalilito e, sinong panalo? Ang gulo naman.
“Dahil tie ang result. Your Filipino teacher will be the one to decide. Siya ang magiging tie breaker.”
Pumunta na sa gitna si Miss Filipino. May hawak hawak syang letter katulad nung sa judges. Hindi ko alam ang itataas nyang letter pero sa palagay ko alam ko na.
“Sinong gusto niyong manalo?!” sigaw nung host na lalong nagpakaba sa'kin.
“Section A! Section A!”
“SECTION Z!!!!!WHOOOOOOOO!!”
Syempre mas malakas 'yung cheer namin. Si Wavin palang solve na e. May pasayaw pa sa baba 'yung ibang Z. Ibang klase.
Itinaas na nung Filipino Prof namin 'yung napupusuan nyang section...
--------------------------------------
Whoo..
Hingang malalim, George.
Whoooo!
Hingang malalim--------.
“Kaya siguro pinaakyat 'yang babae na 'yan dun sa stage kasi alam nilang mananalo sila kapag lumaban sya.”
Inirapan ko 'yung Section B students na dumadaan sa harapan ko. Anlalakas magchismisan, sa harap ko pa talaga. Mukha namang natakot, nagtatakbo bigla paalis. Tch.
Hindi ko na kasalanan 'yun 'no. Sisihin nila si Yvo, sya naman nagpumilit na umakyat ako sa taas ng stage eh. Pauwi na nga ako. Bakit naman sa'kin isinisisi lahat?
Alam na alam na sa buong school, alam na ng lahat ang pagkatalo ng Class A sa Class Z. Yep, natalo ng Class Z ang section nila. Nung nagtie kanina 'yung section Z at A, pipili na sana ng mananalo si Ms. Filipino pero pinigilan siya. May request na dumating sa kanya na paglabanin nalang ang Class A at Class Z uli bilang tie breaker round. Pero this time, one on one nalang ang labanan. Zero VS Yvo. So obviously, hindi natalo ang Class Z. OA lang talaga nila.
And the rest is history. Nanalo na ang Class Z.
“George! George!”
Boses ni Tim 'yun ah. Ano naman kayang kailangan nya? Nasa may likuran ko na pala sya, ngiting ngiti pa sya sa'kin habang may hawak na trophy. Kumirot bigla ang puso ko dahil sa kanya. Hindi ko siya sinagot, tinitigan ko lang sya.
“Tara sama ka samin, magc-celebrate!”
“Magc-celebrate?”
Tumango sya bilang sagot. Napangisi tuloy ako ng wala sa oras.
“Kayo nalang.” malamig kung tugon. Nagbago ang kaninang ngiting ngiting mukha nya at napaltan ng lungkot.
“Sumama ka na, hindi masaya kapag wala ka.”
“Hindi rin naman sasaya kapag nandon ako.”
Umupo ako sa may bato na nakita. Nasa may labas na ako ng school, sa may gilid ng gate. Iniwanan ako ni Kuya dito, pinabili ko kasi ng isaw.
“Huwag mo ngang sabihin 'yan! Alam mong hindi 'yan totoo, mas sasaya kami kapag nandon ka.”
'Yung mata nya, parang nagmamakaawa. Para syang inagawan ng kendi. Para syang bata. Naaawa ako sa kanya pero mas naaawa ako sa sarili ko sa maaaringangyari kapag sumama ako sa kanila.
“Masaya kayo? Paano naman ako na hindi masaya don?” hindi ko na naitago ang hinanakit sa boses ko. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nya, medyo lumapit sya sa'kin. 'Yung mukha nya parang naguilty.
“Pwede bago kayo magdecide, tanungin niyo muna ako kung gusto ko. Kung payag ba 'ko, kung masaya ba ako. Huwag kayong magdesisyon para sa sarili niyo lang.”
Gusto nila sila masaya tapos ang ending ako naman ang kawawa. Ibang klase din naman talaga ang trip nila sa buhay.
“G-george, that's not what I meant. I just want you to be there. You're part of us."
“Parte pala ako, ba't hindi ko ramdam? Ni wala nga kayong konsiderasyon sa'kin eh. Akala niyo ba malimutan ko na 'yung nangyari kanina? Pinagmukha niyo 'kong tanga.”
“Sorry.” nakayuko na sya habang nagsasalita.
Tumayo ako at saka siya hinarap. “If you're really are sorry, you'll leave me alone. Gusto ko nang katahimikan, please.”
“Alright, I'll leave you for now.”
“Just leave me alone!” sa inis ko ay naisigaw ko, nakayukong umalis sya sa harap ko. Sinundan ko sya ng tingin at nakitang nandon ang buong Class sa dulo, nakatingin sa'min.
Hindi ko sya gustong paalisin pero kelangan, para sa katahimikan ko. Disappointed din talaga ako, ayokong magtanim ng sama ng loob kaya iiwasan ko muna sila.
This time, hindi na marupok.