抖阴社区

Class of Morpheus

By Ariesteller

22.2K 977 223

Akala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nang... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Not an update!
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Not an update!
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Announcement

Chapter 71

130 7 2
By Ariesteller

Strangers

“Anong nangyari kay Tim at Wavin? They looked absent minded.”

“Mukha silang sinapin ng kung ano. Nakakatakot!”

“Mas gusto ko 'yung dating sila."

Napasimangot ako. Ako din! Mas gusto ko 'yung dating sila. Jusme, ba't naman kasi bigla biglang sinasabi nina Tim 'yun. Tapos sineryoso talaga! Hindi naman bagay, nakakairita.

Napatitig ako sa dalawa na busy sa pagunbox. Katulong sila nina Zero. Bale lima silang nagtutulong tulong si Archer, Gray, Tim, Wavin at si Zero. Officers eh. Ay officers nga din pala ako.

Napatayo ako nang wala sa oras. Lumapit ako sa limang Busy pa rin. Ang sabi ay ipamigay daw.

May pangalan na kaya 'to?

“Distribute it.” utos ni Zero. Inabutan nya ako ng isang plastik na may lamang pajama. Sinilip ko naman kung may pangalan. Buti nalang meron ngang pangalan.

Kay Jacob pala 'to. Nasaan kaya si Jacob? Kumuha pa uli ako ng dalawa bago hanapin si Jacob. Nandon pala siya sa may hagdan pataas. Iniabot ko agad sa kanya 'yung plastik. Kahit na nagtataka ay kinuha nya naman 'yon.

Si Jacob. Kung tama ang pagkakatanda ko isa sya sa mga tumulong sa'kin kanina. Magt-thank you sana ako kasi bigla naman syang nagheadset. Edi wag!

Sunod kong hinanap si Warren at si August. Magkasama silang dalawa don sa may labas. Medyo hinihingal na ako. Ba't ba watak watak sila? Kelangan pang isa-isahin.

“Tell them to come here." Utos ni Zero kay Archer na agad namang sinunod nung isa.

Napangiwi ako nang wala pang isang minuto ay nandito na agad ang mga Egg Warriors. Pwede naman pala nyang gawin 'yun ih, dapat kanina pa! Pinahirapan lang ako.

Lumabas na din si Mindy. Maayos na ang itsura nya, nakapagsuklay na din siya. And mukha na naman siyang bitchesa.

“Where's mine?" Maarteng tanong nina Olyvia.

“Nadya, oh." Seryosong wika ni Tim. Agad naman 'yung tinanggap ni Nadya sabay alis. Hindi nya na hinintay 'yung tatlo.

“Where is mine? So, tagal naman." reklamo ni Corine habang pinapatay ako ng tingin.

Kumuha nalang ako nang isa sa kahon. Agad na binasa ko ang pangalan. Napangiwi ako. Sakto ah, kay Corine pa talaga 'tong nakuha ko.

Tumikhim ako bago iabot kay Corine 'yung plastik ng isusuot nya. “Oh."

Nanunuyang tiningnan nya ako. “Kaya naman pala mabagal.” padabog na kinuha nya 'yung plastik sabay alis.

Whooo. Jusko.

“Don't mind her. She's just trying to make you mad.” nasa may kalapit ko na ngayon si Gray. Hawak hawak nya na 'yung plastik nung sa kanya.

“Alam ko naman 'yon, kaya nga hindi ko sya papatulan.”

I care for animals kaya.

“Where's mine?!”

“Wala pa din 'yung sakin, napakabagal!”

Tutuktukan ko na 'tong sina Olyvia eh. Atat lang?

Kumuha ako ng dalawa don sa kahon. 'Yung kay na Tim at Wavin 'yung nakuha ko. Itatabi ko na muna 'to, tutal may gawa pa naman sila.

“Ang tagal! Naiinip na ko!”

Napakaaarti naman! Wala pa ngang 5 minutes na naghihintay naiinip na agad sila? Paano nalang kung kelangan nilang maghintay ng buwan, taon? Edi sumuko agad sila.

“Here." Inabot ni Tim 'yung kay Olyvia. Wala namang imik na inabot nya yun. Si Mindy nalang 'yung nasa harap namin. Medyo nagulat pa ako nang pumunta sya sa harap ko.

“Bilisan mong maghanap.”

Katulong ko kasi si Archer pamimigay, sya 'yung tagaabot.

Napabuntong hininga ako bago halungkatin 'yung kahon, dalawa na lamang ang natira. Kinuha ko 'yung isang plastik. Kay Achylis pala 'to. Iniabot ko kay Archer 'yung pajama ni Achylis.

“Nananadya ka talaga no? Tabi nga!”

Itinulak pa talaga 'yung kamay ko paalis dun sa kahon, wow! Nakatingin lang ako kay Mindy na padabog na kinuha 'yung plastik ng pajamas nya.

“Fucking bitch.” anya bago tumalikod.

I gritted my teeth. Hindi makaintay, kakabuset.

“Sana sya nalang namigay 'diba?” parinig ni Timothy na nasa katabi ko na. Sumulyap sa'min si Mindy pero umirap lang din.

“Nakuuuu! What a day!”

Naginat inat ako. Inaantok ako bigla. Napahikab ako.

“You should sleep." wika ni Wavin. Hindi ko sya nilingon. Sigurado naman akong parang tuod na naman siya.

“Mamaya na ako tutulog. Baka may iutos pa sa'kin.”

Lumapit din sa'min si Gray. May dala dala siyang plastik which is yung kanya ata. Ay, teka. Nasaan 'yung sa'kin? Tiningnan ko 'yung kahon. Ayun! May isa pa!

Niyakap ko 'yung plastik na hawak ko. Hindi ko na din tiningnan kung kanino dahil sure naman ako na sa'kin 'to. Ako nalang kaya ang wala. Tapos transparent 'yung plastik, black and white pa 'yung nasa loob. Confirm, akin nga. Panda sinulat ko e.

“George.”

“Oh?"

Titingnan ko 'yung loob. Kung maayos ba sa'kin, kung tama ang sukat.

“Why are you hugging mine?"

Ha? “Hindi kaya sa'yo 'to! Akin 'to!" Pilit na hinihila ko 'yung plastik sa kamay ni Zero. Bigla bigla nalang kasing sumusulpot 'tong impaktong 'to. Tapos mangaakin ng hindi naman sa kanya.

“George…"

“Bitaw na..” napatingin ako kay Gray nang magsalita sya. Sinimangutan ko silang tatlo.

“Sa akin nga 'to e!”

“Learn to read, Noburi.”

Learn to read? Aisssh. Inis na hinigit ko 'yung plastik para makita ko 'yung name. Eros.

Nanlaki 'yung mata ko. Eros?!

“Eros na pala ngayon ang apelyedo mo?"

Namula ako nang sabihin 'yun ni Archer. Shete! Mali nga ako. Tanga ko kasi hindi nagbabasa.

“Ibigay mo na kasi 'yan." inis na utos ni Gray sa'kin.

“Tsk. Ngayon lang ako nakakita ng aliping nakikipagagawan sa amo nya.”

Alipin? Amo? Huh?!

Napasimangot ako. “Feel na feel mo ah. Kapal." Tss. Ba't kasi wala 'yung sakin???

“Oh, ayan." sinubsob ko sa mukha ni Zero 'yung plastik.

“Pfft." Rinig kong pagtawa ni Gray.

“Fuck you, Noburi." He hissed. Tinarayan ko lang naman sya. Chineck ko 'yung mga kahon pero wala talaga don 'yung sa'kin! Shete.

Baka naman eto na 'yung parusa? Sinabi lang ni Lolo M na hindi sya magpaparusa pero pinarusahan nya na talaga ako!

Awwts. Napaupo ako kalapit ng kahon. “Hindi din pala ako makakasali.”

Nakakalungkot naman. Akala ko pinayagan na ni Lolo M, hindi pala. “Baka naman na kay Spade 'yung sa'yo. Wala nga din kami eh."

Ay, oo nga pala. Walang kagana kaganang tumayo ako. Kinuha ko sa pinagtaguan ko 'yung kay Wavin at Tim. Walang ganang inabot ko 'yun sa kanila bago umupo ulit kalapit nung kahon.

“Ayos lang. Magtitiis nalang ako."

Magtitiis nalang ako na naririnig silang nagsisigawan, naglalaro dito sa baba. Magtitiis nalang akong magisa mamaya. Napabuntong hininga ako.

“Tss. Drama."

Drama? Inirapan ko si Zero na nakatayo sa harapan ko. Ba't ba kasi sya andon? Lalo akong naiimbyerna sa itsura nya.

“Bawal magsalita kapag impakto." Walang gana kong sagot kay Zero. Nag'tsk' lang naman siya. Niyakap ko 'yung kahon na kalapit ko.

Hayy, malas.

“I'll check Spade kung nasa kanya.”

Mas lalo akong napasimangot kay Timothy. Ba't ba kasi ang seryoso nila?

“Alam mo mas matutuwa ako kapag bumalik kayo sa dati kahit na hindi ako makasali sa party na 'yan basta ay bumalik lang kayo sa dati." Tinitigan ko si Tim na napahinto sa paglalakad at si Wavin na seryosong nakatingin sa'kin.

“What happened?" Pagsingit ni Gray.

Mas lalo tuloy akong sumimangot. “Bigla nalang kasi nilang sinabi na magseseryoso na sila mula ngayon! Akala ko joke lang kaya sabi ko magiging masaya ako kapag nagseryoso sila. Pero hindii…"

“Pfft." pagtawa ni Gray na ikinataas ko ng kilay. “They'll be back soon. Hindi naman sila makakatagal nang ganyan." pagdadahilan nya.

Hindi makakatagal? Ako din, hindi makakatagal na ganto sila. “Balik na kasi sa dati.” tumayo ako.

“Hayaan mo na sila. Trip nila 'yan e." Wika ni Archer na nasa gilid na kasama si Zero.

Trip? Hindi magandang trip! “Kapag talaga hindi kayo bumalik sa dati…”

“What?" Pagputol ni Timothy sa sasabihin ko. Seryosong seryoso 'yung mukha nya.

“Kapag hindi kayo bumalik sa dati, hindi ko na kayo papansinin!”

Wala akong maisip na dahilan. Hindi ko alam kung tatalab. Pero kapag hindi talaga sila bumalik sa dati, hindi ko sila papansinin.

“Hmm.. fine.”

Fine? Nabuhayan ako ng loob nang sabihin 'yun ni Wavin. Jusme, kelangan lang palang sabihan ng ganon para tumino!

“Fine. Huwag mo nalang kaming pansinin."

Napawi ang ngiti ko sa labi nang sabihin 'yun ni Wavin. Sinuri kong mabuti 'yung reaction nya umaasang hindi sya seryoso sa sinasabi nya pero wala akong nakitang hint na nagbibiro sya. Talagnga seryoso sya.

Sakit. Ang sakit nya palang magsalita kapag seryoso sya.

“Bro.” napatingin lahat kay Wavin nang sabihin nya 'yon. Hindi sila makapaniwalang ganon 'yung sinabi niya. Maski ako din naman e. Tapos seryosong seryoso pa siya.

Tinry kong makipagtitigan kay Wavin para alamin kung talagang seryoso nga sya pero hindi din ako nakatagal. Hindi sya nagiwas ng tingin sa'kin. Bigla tuloy bumigat 'yung pakiramdam ko.

“What? Anong masama sa sinabi ko?" Maang na tanong nya. “Kung ayaw mo na ganito kami edi okay. Huwag mo nalang kaming pansinin. Alangan namang ipagsiksikan namin ang sarili namin sa'yo."

Iniwasan kong mamuo 'yung luha sa mata ko. Iyakin ako kapag ganitong sitwasyon. “Hindi naman 'yun yung punto ko eh. Alam ko namang napilitan lang kayo dahil sa sinabi ko kay Tim. 'Diba?" Tinitigan ko si Timothy, blangko din ang expression nya.

“Sinong may sabi sa'yo? Hindi kami napilitan. Ginusto namin 'to." Wika ni Tim na nagdulot para madagdagan 'yung bigat sa dibdib ko. “Kung ayaw mo sa amin edi huwag. Huwag nalang tayong magpansinan, tutal hindi mo naman kami tanggap."

Ano bang sinasabi nila? Hindi ko sila tanggap?

“Hindi lang ako sanay pero wala akong sinabing hindi ko kayo tanggap! Magkaiba 'yun."

“Pareho lang 'yun."

Frustrated na napabuntong hininga ako sa sagot ni Wavin. “Magkaiba 'yun! Tsaka hindi ko naman talaga gustong sabihin 'yun e."

“E bakit mo sinabi kung hindi mo gustong sabihin?"

Natigilan ako. Namuong muli ang luha sa mata ko. Bakit pakiramdam ko pinapamukha nila sakin na ang sama sama kong kaibigan?

“A-akala ko kasi hindi nyo seseryosohin." Pagak kong sagot.

Nagpakawala ng nakakainsultong tawa si Timothy. “Grabe pala 'yung tingin mo sa amin no? Para na pala kaming clown sa paningin mo. Anong akala mo sa'min hindi nagseseryoso?"

Napakagat ako sa labi dahil sa sinabi ni Tim. Medyo nag-guilty ako pero naiinis din ako sa kanila. Bakit kelangan pa nilang palakihin? Ba't kelangan pa nilang paabutin sa ganito?

“Hindi naman sa ganon----."

“Next time kasi magingat ka sa bibitawan mong salita. Para hindi ka nakakasakit ng tao."

Nagecho 'yung salita ni Wavin sa living room. Tahimik na pala lahat. Nakikinig sa sinasabi namin. Napayuko ako. Naiiyak na ko.

Ngayon ko lang sila nakasagutan nang ganito. Ngayon lang sila naging ganito kaseryoso. Nakakasakit na nagsasagutan kami ng ganito. Nasasaktan ako dahil pinaparamdam nila sa'king hindi nila ako naiintindihan.

“Huwag kang umiyak."

Napatingala ako kay Tim. 'Yung boses nya parang narinig kong naging tono 'yun ng dati nyang pananalita. May nasense akong care don.

Babalik na kaya sila sa dating sila? “Huwag kang umiyak. Ang arte mo."

Bagsak ang balikat na napatingin ako sa kanila.

“What the fuck dude?" Pagsingit ni Gray sa gitna.

Nagecho sa'kin 'yung mga sinabi nina Timothy. Sakit. Napalingon ako sa mga tao sa room na 'to. Lahat sila gulat, nang mapatingin ako kayna Corine ay nginisian nila ako. Pinapamukhang bagay lang sa'kin ang nangyari.

Nakita ko naman ang pagtayo ni Zero sa upuan nya. “Go to your room, Noburi.”

'Yun naman talaga ang gusto kong gawin. Kaso lang kapag tumakbo ako nang walang dahilan siguradong iisipin nilang nagiinarte na naman ako. Ayokong magisip sila ng ganon kaya kahit na gustong gusto ko nang umakyat papunta sa kwarto ko ay hindi ko ginawa.

Napasinghot ako bago tumango kay Zero. “S-sige."

Napasulyap ako sa impaktong 'yun. Nakapoker face lang din siya. Nakita ko pa ang paglapit nya kayna Timothy bago ako tumalikod.

“Bakit mo ginawa 'yun?" rinig kong tanong ni August.

“What? Just spitting facts." Preskong sagot ni Wavin.

Mas binilisan ko ang pagakyat. Sumasama ang loob ko sa kanila. Masama na pala silang punahin, masama na palang magadvice. Masama na palang magbigay ng opinion. Kung alam ko lang na minamasama nila lahat ay hindi nalang sana ako nagsalita.

Tanginang 'yan. Ang daming beses ko na silang sinasabihan. Mas matindi pa nga 'yung sinasabi ko dati eh. Bakit ganon? Bakit ngayon pa sila nagkakaganito?

Pagkarating ko ng kwarto ay agad na sumalampak ako sa kama ko. What just happened? Hindi nagsisink in sa utak ko na nagalit sila bigla sa akin.

Pero pinagtulungan nila ako.. psh.

“Edi huwag! Huwag nalang kaming magpansinan kung ayaw nila! Sige! Ayos lang din naman sa'kin e. Strangers nalang ulit kami! Okayyy! Fine!"

Isinigaw ko 'yun. Wala akong pakealam kung rinig sa baba. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob.

“Ayos lang naman sa'kin e! Okay nga lang din sa kanila, sa'kin pa kaya hindi maging okay? Sigeee!" Sigaw ko ulit.

Pero ba't ganon? Isinisigaw kong ayos lang sa'kin pero ayaw namang tumigil ng pesteng luha na 'to.

“Pakyu sila! Pakyu kayong lahat!"

Nagtalukbong ako ng kumot. Buset. Nakakainis talaga sila. Parang ang dali dali lang sa kanilang sabihin 'yun. Parang wala kaming pinagsamahan. Parang hindi pa sila nasanay sa'kin.

Ano daw? Hindi ko sila tanggap? Hindi lang ako sanay pero wala akong sinabing hindi ko sila tanggap! All of a sudden kasi bigla nalang ganon sila. Nakakapanibago.

Hindi nakakatuwa 'yung pagbabago nila.

Ang sasama ng ugali! Grrr! Sinuntok suntok ko 'yung unan, inimagine ko na si Wavin at Timothy 'yon.

“Ang sama ng ugali nyo! Parang wala tayong pinagsamahan ah!"

Grrr! Paulit ulit kong sinapak 'yung unan pero napatigil din ako pagkatapos ng ilang segundo. Mangiyak ngiyak na niyakap ko 'yung unan na 'yon.

“Sana bumalik nalang sila sa dati."

Kasi kung hindi sila bumalik sa dati baka…baka talagang hindi na kami maging magkaibigan. Ayoko namang mangyari 'yun.

Napapikit nalang ako. Paano ko naman sila haharapin mamaya?

Umabot ng 30 minutes na ganon ang ayos ko. Chineck ko 'yung cellphone ko. 10:30 am na pala. Mamaya na 'yung pajama party.. pero hindi ako makakasali.

*KNOCK, KNOCK* 

Twice? Chariz. Biglang napatayo ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Diretsong binuksan ko 'yun, walang suklay suklay.

“Oh."

“Oh?" Balik tanong ko din kay Archer. Hindi ko alam kung ba't nasa harapan ko siya ngayon. Tinaasan ko siya nang kilay nang hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin.

Tumikhim ako. Dun lang sya natauhan. “Come to the library."

Bakit? Magtatanong pa sana ako kaso iniwanan na ako. Napabuntong hininga ako. Ichecheck ko nga lang. Tutal mukhang importante 'yon.

“Eto na 'yun."

Pumasok na ako sa room na 'yon. Agad na inilibot ko ang paningin sa kwarto. Nakita ko ang dalawang taong nakatalikod.

“Tim, Wavin?"

Pagpukaw ko sa atensyon nila. Napalingon sila sa'king pareho. Medyo nailang ako nang titigan nila ako.

“Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Tim sa baritonong boses. Napalapit ako sa kanila.

“P-pinapunta ako ni Archer dito."

“Ah."

Napaiwas ako nang tingin kay Timothy pagkasagot nya. Nagkunwari akong tumitingin tingin sa taas ng library. “Bakit kayo nandito?"

“Obvious naman diba?"

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa pambabara ni Wavin. Napakagat ako sa labi bago napabuntong hininga.

“Galit pa rin ba kayo?"

Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko para tanungin sila. Nakakailang 'yung mga titig nila nang tanungin ko sila. Itinigil pa talaga nila 'yung ginagawa.

“What do you think?" Pamimilosopo din ni Timothy.

“Tinatanong ko kayo ng maayos. Sumagot naman kayo ng maayos. Pakiusap.”

Nagsisimula na din akong mainis. Nung nakita ko sila dito, sabi ko sa sarili ko eto na 'yung chance para magkaayos kami. Kaso paano kami magkakaayos kung ganito sila?

“Gusto mo pa bang ipamukha namin sa'yo-----."

“I'm sorry." Pagputol ko sa sasabihin ni Tim. Mangiyak ngiyak ko silang tiningnan. “Sorry na! Hindi ko naman talagang gusto na ganon 'yung iparamdam sa inyo eh. Ayoko naman talagang baguhin nyo 'yung sarili nyo dahil lang sa sinabi ko. Sorry na."

“Nagsosorry ka?”

Tumango ako. “Bakit ka nagsosorry? Kasi takot kang mawalan ng tagasunod?”

Tagasunod? Hindi makapaniwalang tiningnan ko silang dalawa. “Ano bang sinasabi nyo? Kelan man ay hindi ko inisip na tagasunod ko lang kayo! Kaibigan ko kayo. Mahalaga kayo sa'kin!"

“Mahalaga pala, ba't ganon ang ginawa mo?"

Maang na napatingin ako kay Wavin. “Ano bang ginawa ko?"

“Your opinions, sermons and advices is hurting us."

Napanganga ako. “Nagagalit kayo dahil sinesermonan ko kayo? Dahil nagbibigay ako ng opinyon ko, nagaadvice ako? Anong magagawa ko e ganon ako magtrato ng kaibigan. Magaadvice ako kapag naguguluhan ka na, itatama at sesermonan kita kapag mali ka na!” 

“Kahit nakakasakit ka?"

Napalunok ako. “Oo! Kahit na nakakasakit ako. Mas gusto ko na sampalin kayo sa katotohanan kesa icomfort kayo sa kasinungalingan."

“Pfft. You're not worth to be my friend."

Natigilan ako. Umagos 'yung luha sa mga mata ko nang sabihin 'yun ni Timothy. I look at them while crying.

“T-teka lang..itatapon nyo nalang ng ganon 'yung friendship natin?"

Ayaw kong maniwala. Sana sabihin nilang hindi. Sana...

“Yeah. You can go now."

Napaupo ako nang sabihin 'yun ni Wavin. Pilit na pinigilan ko 'yung luha ko pero patuloy lang 'yon sa pagagos. Hindi ako makapaniwala.

“Ang dali lang para sa inyo." Nagawa ko pang sabihin 'yun kasabay ng paghikbi. “Bakit ang dali lang sa inyo? Hindi ko maimagine na hindi ko kayo kaibigan pero kayo? Ang bilis nyo lang bitawan ang pagkakaibigan natin na parang wala tayong pinagsamahan. P-parang wala lang ako sa inyo! Nakakasama kayo ng loob. Ba't ba kasi kayo nagpuyat? Hindi naman mangyayari 'to kung hindi kayo sinaniban ng kaabnoyan.."

Nakayuko lang ako. Ayaw kong tingnan 'yung itsura nila dahil ayokong mas lalong madisappoint. “Kung nakakaya nyong magkunwari, kung nakakaya nyong sabihin na friendship over na ako hindi. Miss ko na 'yung mga kaibigan ko." Tiningala ko sila na parehong nakakunot ang noo. “Hindi kaya 'yon. Ilabas nyo na sila."

Kapag sinabi kong pumapayag ako sa gusto nilang mamgyari baka hindi na nga kami maging magkaibigan hanggang sa huli. Magkaiba 'yung hindi nagpapansinan sa hindi na talaga magkaibigan. Mas okay pa sa'kin 'yung hindi kami nagpapansinan kesa ganito!

Yumuko na ako. Humihikbi pa rin ako. Tanginang 'yan, nakakawala ng ganda kapag nasasaktan. Kung ano ano kasing sinasabi nila. Anong akala nila na papayag ako na ganon ganon nalang 'yun? Na hahayaan ko na masira 'yung friendship namin dahil sa simpleng hindi pagkakaintindihan? Ofcourse not!

Wala akong naririnig na salita. Tanging pagsinghot ko lang ang naririnig ko. Pero ramdam ko, alam ko na nasa harap ko pa rin sila.

“Ang…"

Napatigil ako sa pagsinghot nang magsalita si Timothy. Masakt na salita na naman ba 'yon galing sa kanya? Sakit na, kulang pa ba?

“Ang panget mo umiyak, George."

“Mas panget kang umiyak!” balik lait ko. Nanlalait na naman, huhu.

“Pinakapanget ka sa buong mundo!"

Tongono. Pero teka.

Nanlaki 'yung mata ko, napatingala ako kayna Tim. Nakita ko ang playful na expression sa mukha nya, nakita ko ding nagaalala siya.

“Oy, George. Andito ko ulit. It's me, Tim the pogi." Nagpogi sign pa siya.

Nakatulala lang ako sa kanya.

“TUMAHIMIK KA NGA DYAN, TIM! GINUGULO MO UTAK NI GEORGE!"

Nagtatalo sila sa harapan ko ngayon. Napaiyak ako bigla. Napahagulhol ako na parang bata.

“HOY, SORRY NA!" Lumapit si Wavin sa akin.

“Sorry na nga, George! Hindi ko naman alam na iiyak ka ng sobra. Kung alam lang namin edi hindi ka na sana namin prinank."

Prank? Napatigil ako sa pagiyak. “Prank? Talaga prank?"

“Sorry.." Napakamot sa ulo si Timothy.

“Paano 'yung sinabi nyo sa'kin? Ang sakit nyo kayang magsalita! Nakalimutan nyo na bang babae pa din ako? Anong akala nyo sa'kin walang damdamin?"

Napatayo ako. Kitang kita ko na nag-guilty sila pareho. Tss. “SORRY. SI TIM KASI EH!"

“Anong ako? Ikaw kaya!"

Sinamaan ko sila ng tingin bago lumapit at saka sila sinabunutang pareho. Todo Aray pa sila pero hindi ko sila pinakinggan. Hinampas hampas ko din sila. Tumigil lang ako nang makitang namumula na 'yung braso nila pareho.

Umupo ulit ako sa bangko. “Sama ng ugali nyo!"

“Sorry na nga. Hindi na mauulit!"

“PERO ATLEAST NALAMAN NAMIN NA HINDI KA PLASTIK!"

Napasinghot ako. “Kayo lang naman 'tong plastik!" Tumawa sila pareho sa sagot ko. Psh, akala mo nakakatuwa!

Ang sama sama ng loob ko tapos prank? Punyetang ina.

“I'm sorry. Brad ka namin, iiwanan ka ba naman namin? Takot lang namin sa mukha mo.” lumapit sa'kin si Timothy at saka ako inakbayan. Lumapit din si Wavin at saka ginulo 'yung buhok ko.

“ANG PANGET MO TALAGA KAPAG UMIIIYAK!" Sinamaan ko sya ng tingin. “Sorry na. Hindi na mauulit."

Napasinghot ako. “Tangina nyo." Pagmumura ko na ikinatawa nilang pareho.

“Iyak ka ng iyak. Kadiri sipon at uhog mo!"

Hindi ko sya pinansin pero kinurot ko sila pareho. Napaaray ulit sila dahil don.

“Oo na, oo na! Huwag ka nang umiyak. May party pa mamaya."

Party?

Natigilan ako. “Wala akong susuotin mamaya."

Pinarusahan ata ako ni Lolo M.

“MERON NA KAY SPADE. 'DIBA ARCHER?! " sigaw ni Wavin. Parang timang sinong sinisigawan nya?

“Yeah." Napanganga ako nang may sumagot sa taas. Napatingin ako kay Archer na nasa may taas na library. Hindi lang siya 'yung nandon, pati na si Gray, Zero na seryosong nakatingin sa akin.

Shete.

“Chismoso nyo!"

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 304K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
2M 93.8K 53
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, c...
347K 8.7K 73
She's the outcast girl, that they usually call weird. She's not sociable, she hates attention and she hates everyone. But there's this one guy who e...
3M 60.1K 32
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...