抖阴社区

Class of Morpheus

By Ariesteller

23.2K 978 223

Akala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nang... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Not an update!
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Not an update!
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Announcement

Chapter 105

130 7 2
By Ariesteller

Tug-of-War

Dahan dahang naglakad ako palapit sa booth ng Class A, sana lang hindi ako mahuli. Nandito ako ngayon sa may likod ng booth nila. Hawak hawak ko 'yung paperbag na may lamang jacket ni Yvo. Isasauli ko na tutal nagagalit na din sina Wavin kapag nakikita 'yung jacket na 'to.

Buti nalang walang tao.

Ibinaba ko na 'yung paperbag sa may damuhan sa likod. Pagkalapag na pagkalapag ay lumakad din ako paalis. May mga nakasalubong akong ibang tagaClass A pero sure akong hindi nila ako makikilala. Beauty and brains kaya 'ko!

Nakabalot sa mukha ko 'yung jacket na bigay ni Timothy. Winter vibe ko ngayon dahil may nakapulupot din sa leeg ko.

Napangisi ako nang wala ngang makapansin sa akin. Ngayon pwede na akong bumalik nang matiwasay!

“Georgina."

Uh-oh. Akala ko lang pala.

Timatawag ako ni Yvo!

Hihinto ba 'ko? Pero teka! Ba't naman ako hihinto, hindi naman niya ako na ako 'to. Ayos!

Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad since hindi naman ako kilala.

“Georgina.”

Aisshh! Bahala ka diyan.

Mas binilisan ko ang paglalakad. Hindi sana ako hihinto pero biglang may humila nung nakabalabal sa ulo ko. Walang kahirap hirap na natanggal 'yun, naexpose tuloy 'yung mukha ko. Nakangiwing humarap ako kay Yvo.

“Bakit ba bigla bigla kang nanghihila diyan?!" 

Hawak hawak niya 'yung jacket na inagaw niya sa'kin. Seryoso niya akong tinitingnan. Nakakaasar. Konti nalang makakaalis na ako eh.

“How rude of you. Is that how you thank people?"

Napalunok ako. Alam ko naman na mali ako, na kahit na bwisit ako dito kay Yvo dapat harap-harapan pa din akong magpasalamat sa kaniya. Kaso lang nakakatakot kasi, isa pa sasama sina Timothy kapag ganon ang ginawa ko. Tyak na magaaway na naman sila.

“Ay oo, s-salamat nga pala sa pagpapahiram mo sa'kin nung jacket. Inilagay ko na dun sa ano--."

“Did I ask you to put it there? You should've atleast give it to me personally if you really are thankful."

Napakamot ako sa ulo. Bakit ba ganito 'tong si Yvo. Kaura niya 'yung trio ng Class Z. Nakakailang tuloy.

“Kukunin ko.”

Nilampasan ko siya at saka kinuha 'yung paperbag, lumapit ako sa kaniya at saka inabot 'yun.

“Eto oh."

“… .”

Nakakangalay.

Wala man lang say 'tong lola mo este si Yvo. Nakatitig lang siya dun sa paperbag na hawak ko.

“Kunin mo na 'to, ngalay na kaya ako!" Nagreklamo na 'ko tutal wala siyang balak kunin 'yun.

Napataas ang kilay niya. Mukhang bwisit. Aba, totoo lang naman ang sinasabi ko.

“Nakapagisip isip na ako kanina." Biglang aniya na ikinakunot ng noo ko.

Tinatanong ko ba siya?

“Hindi naman kita tinanong." Kaswal kong sagot.

“I think that whoever the mastermind is, he is targetting you." Gumuhit ang mapangasar na ngiti sa kaniyang mukha.

Ako?

“Gaano ka kasigurado na ako 'yun at hindi ikaw? Dalawa kaya tayo dun." Giit ko. Napaayos ako ng tayo.

Porke madaming may galit sa'kin ako na agad. Hindi ba pwedeng siya muna? Sure naman ako na may hidden haters siya.. -,-

“I just know it."

Ngumisi pa talaga si Yvo bago kinuha 'yung paperbags. Hindi agad ako nakaalis sa kinatatayuan ko. Naguguluhan ako. Paano niya nasabing ako? Teka.. Hindi kaya?

Nanlaki ang mata ko bago napalapit kay Yvo na nasa pwesto niya pa din.

“Kilala mo kung sino 'yung mastermind?!"

Tumataas na 'yung boses ko. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung sino 'yung may pakana. Ayoko nang palagi nalang inaalala 'yung sarili ko, na baka bigla nalang may mang-ambush o 'di kaya ay magpasabog ng bahay namin ni kuya.

Kanina nakangisi siya pero ngayon walang ekspresyon 'yung mukha niya. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya pero nagbago 'yun nang bigla nalang niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

“A-anong ginagawa mo!"

Agad akong lumayo sa kaniya dahilan para tumawa siya. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa. Ang nakakabwisit lang 'yung ikinatatawa niya ay 'yung ikinabubwisit ng iba.

“They're waiting for you."

Itinuro niya 'yung likod ko. Nandun sina Tim at si Wavin. Wait, don't tell me sinundan nila ako dito? Simangot na simangot silang dalawa. Akala ko magtatago sila pero pumunta sila sa direksyon namin.

Galit na naman.

“TARA NA, GEORGE!"

“T-tekaa!”

Kingina. Bakit ba palagi nalang ako hinihigit?

Natagpuan ko nalang ang sarili na hinihila na nina Timothy pabalik sa booth namin, leaving Yvo behind na nagbabye pa sa'kin para manginis.



Mabilis na lumipas ang oras. Oras na para sa mga games na hinanda ng SSG Officers para sa event na 'to. Masasabi kong nakakaaliw naman talaga 'yung mga palaro. Mostly panggenius 'yung palaro. Parang paquiz na din kasi patungkol sa math, science palagi.

Eto lang ang naiba. Tug of War.

Kanina pa ako nabibingi sa mga kalapit ko. Walang tigil sa kasisigaw. Okay lang sana kung ang sarap pakinggan ng boses pero napakatitinis ng boses! Ang sakit sa tenga.

Napangiwi ako bago napatitig sa kayna Zero na nasa gitna ng field. Sila na 'yung lalaro. Napaiwas ako nang tingin nang magtama ang paningin naming dalawa ni Zero. Hanep, baka isipin niya tinititigan ko siya. Magf-feeling pogi na naman 'yun tss.

Pero ano kayang nangyari kanina?

May patanong tanong pa 'ko, hindi naman pinansin 'yung tanong ko. Wala silang sinagot maski isa ni Gray basta nagwalkout nalang sila.

Gulong gulo na tuloy ako. Hayyyy!

Napasabunot ako sa buhok ko. Kung naririnig lang nila 'yung iniisip ko ngayon sigurado akong sasabihin nilang nagiging pakialamera na naman ako. Na kesyo hindi ko naman problema ay pinoproblema ko.

E ano bang magagawa ko? Ganito ako eh. 

“Gooo! Whoooo!"

Ay susko. Isa pa 'tong si Zedrick. Akala ko may motto siya na kay Maine Mendoza lang magiging baliw pati din pala sa Class Z.

Ay? Halos lahat nasa kabilang gilid. Ba't andito si Zedrick?

“Oy, Zedrick. Akala ko nasa kabila ka?" Pagkausap ko sa kaniya pero ni hindi man lang ako tiningnan. G na g siya sa pag cheer kayna Zero na nandon sa gitna. Napasimangot ako. Ayaw mamansin!

Sige na nga magc-cheer nalang din.

Tutal nanalo na naman kami kanina sa larong 'to. Womens division hihi. Panalo ang Class Z. Kung hindi pa 'ko nakipaglaitan kayna Corine hindi pa sila aayos. Buti nalang nagkaroon ako ng magandang idea. Hindi ko afford matalo kasi nanonood 'yung trio, sina Tim at Wavin, 'yung ibang Class Z pati na ang ibang section.

Ayokong ipahiya 'yung klase namin kaya gustong gusto kong manalo. Gusto kong ipakita na may ibubuga din kami.

Buti nalang nanalo hihiii..

“Ouchh..”

Napalingon ako sa kay Zedrick. May bumangga sa kaniyang babae. I think Class C siya. Punong puno ng make up 'yung mukha niya. As in makapal talaga.

Pasimpleng nakinig ako sa usapan nila.

“It's okay." Sagot ni Zedrick bago nagfocus ulit sa pagcheer.

Binalingan kong muli 'yung gitna kung nasaan sina Zero, Gray, Archer, Tim at Wavin. Sila yung pambato sa tug of war, boys division. So far nagpapansinan naman sina Zero at Gray. Parang wala lang nangyari. Okay na ulit sila.

Ang bilis. Ayos na agad sila. Ni hindi ko man lang nalaman 'yung issue. Aissh, umaandar na naman pagiging chimosa ko.

“U-uhm. You're Zedrick from Class Z right? I'm Pat--."

“Not interested, Miss."

Napalingon akong muli kay Zedrick. Nandon pa din 'yung babae. Kanina pa siya dun ah. Mukhang walang balak umalis.

“O-okay. Add me on facebook nalang. My name is--."

Pinutol na naman ni Zedrick 'yung sasabihin nung babae.

“I said not interested." Giit niya. Ni hindi niya nilingon 'yung babae. Napayuko 'to kasabay ng pagalis.

Hayhay. Puppy love? Or Love at First Sight? Halatang inlab 'yung si ate girl eh. Nakuuu, nagkamali siya ng tinarget. E si Maine Mendoza lang gusto nito eh.

Tsktsk. Wala na 'to.

Nagfocus nalang ulit ako sa laban. Ang kalaban nina Zero ay 'yung  Class A. Andon si Yvo na siyang nagl-lead, si Tristan, Louis, at dalawang hindi ko kilala na pawang malalaki ang katawan.

Kung tutuusin, mukhang dehado kami pero naniniwala ako sa kakayahan nung mga Egg Warriors. Yakang yaka nila 'yun!

*PRRTTTTTT!*

Pumito na. Start na ng laban. Agad na naghiyawan ang lahat. Kanya-kaniyang cheer sa mga pambato nila. At syempre papahuli ba 'ko?

“GOOOOO CLASSSS Z!" sigaw ko. “BRING HOME THE CHICKEN!!" Dagdag ko pa dahilan para magtinginan sa'kin 'yung iba na natatawa. Nakita ko pang natatawa 'yung mga panlaban namin na nasa gitna.

Napanguso ako.

Ano kayang nakakatawa? Chicken naman talaga 'yun a buti nga hindi ko sinabing chick. -.-

“GOOO! GO! GO! KAYA NIYO 'YAN!"

“ITODO! ITODO! ITODO NIYO CLASS Z!WHOOOOOO! GOGOGOOO, TODO NA 'TO!"

Jusmeee AHAHAHAHAH. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, kung mahihiya ba ako sa ginagawa nung Class Z or matatawa. May pagsayaw pa!

“WAAAAAAAAGHHHHHHHH!"

Aissh, mahihigit ang mga manok ko!

“Kaya niyo 'yan! Hila lang, hilahin niyo paaa!"

Nakakastress! Ngayon lang ako nastress sa panonood ng laro.  Sana manalo sila! Sana manalo din sila.

Napapatalon pa ako habang nanonood sa tuwing madadala ang mga manok ko.  Buti nalang talaga mukhang wala silang balak magpatalo.

“Itulak mo 'ko daliii."

Eeee? Napataas ang kilay ko sa dalawang babaeng nasa may likuran ni Zedrick. If I remembered correctly siya din 'yung nakabunggo ni Zedrick kanina.

Inuutusan niya 'yung kasama niyang itulak siya papunta kay Zedrick. Ibang klase.

“Ouchhh!"

Hindi ako makapaniwala sa kaartehan ng babaeng 'to. Bakit nagpapatulak tulak siya don sa kaklase niya tapos nung nabunggo kay Zedrick bigla siyang aaray na parang hindi niya kasalanan?

“I'm sorry! Itinulak kasi ako. Are you okay?" Nangingiting tanong nung babae kay Zedrick. Napangiwi ako.

Siya lang 'yung nasaktan na nakangiti.

Hindi nagreact si Zedrick. Nakafocus lang siya sa laban at obviously walang balak pansinin 'yung babaeng nasa harapan niya. Pero wala din namang balak tumigil 'yung babae.

“Uhm. My name is Patricia from Class C. Actually I'm the muse. You must heard about me since palagi akong nagj-join sa pageant.”

Ano kayang isasagot ni Zedrick?

“I also play volleyball, ako 'yung best player nila. Hindi naman sa pagmamayabang." Napakamot sa batok 'yung babae. Mukhang nahihiya siya. Siguro sa pinagsasasabi niya?

“Ikaw? Ano nga palang facebook name mo para maadd kita? Sinearch ko na kanina pero wala akong nakitang result.”

She was smiling from ear to ear pero ni hindi man lang nakitaan ng reaction si Zedrick.

“Hello?" Pagsasalitang muli nung babae nang hindi magsalita si Zedrick. “I'm talking to you--."

“Not interested."

“But--."

“Go away." Giit ni Zedrick. Halata ang pagkadisgusto sa mukha niya. Hindi ko naman siya masisisi.

Napailing  nalang ako. Manonood nalang ako ng laban! Grabe. Ang dikit ng laban! Halos pantay lang sila ng lakas kahit na may malaking tao dun sa Class A. Iba talaga!

“Itulak mo ulit ako! Masyadong mahina kaya hindi niya 'ko pinapansin."

Narinig ko na naman sila. Ngayon malinaw na malinaw na sa'king nagpapapansin siya kay Zedrick. Nakapanood lang ako as she threw herself to him, this time mas malakas dahilan para pati ako madamay. Napabunggo sa'kin si Zedrick dahilan para matumba ako sa damuhan.

Nakaupo pa naman ako.

“Tangina." Pagmumura ni Zedrick.

Napasimangot ako at saka napahawak sa ulo ko. Sakit ha.

“Aray ko ha. Grabe siya."

Nilingon ako nung Egg Warrior, nanlaki pa talaga ang mata niya. Sinimangutan ko siya.

“Anong ginagawa mo diyan, George?”

—_—

Seriously?

“Kanina pa kaya ako dito! Tss."

“Hindi kita nakita. Bakit ba naman kasi ang liit mo na nga umupo ka pa!"

Aba't! Sinamaan ko siya ng tingin. “So, kasalanan ko pa pala! Magsorry ka kaya."

Tss. Ako pa sinisi.

Tawa ang sinagot niya sa'kin bago ako inalalayan patayo. May magandang puso pa din naman siya kahit papaano.

“Pfft. May dahon ka sa ulo."

Oh, nakakatawa 'yun? May dahon lang sa ulo ikinasaya na niya. Saan ba kasi meron? Iginalaw galaw ko 'yung ulo ko para lumagpak 'yung dahon.

“Ay tanga. Ako na nga."

“Kaya ko naman!"

Hahawiin ko sana 'yung kamay niya pero agad na lumapit siya sa'kin at mabilisang tinanggal 'yun.

“Ayan, okay na."

Psh. Kaya ko naman e.

Sinimangutan ko siya pero nginitian niya lang ako. Infairness dito kay Zedrick may araw din palang wala siyang sapi. Pasimpleng napangiti din ako.

“Excuse me, kinakausap pa kita!"

Nabaling ang atensyon namin dun sa babae. She has this furious reaction on her face. Zedrick tilt his head na parang nagtatanong.

Gusto niya kasing makipagkilala.

Nagulat ako nang itulak nung babae si Zedrick sa balikat. Ano bang ginagawa niya?

“Anong karapatan mong talikuran ako huh?! Tingin mo ba sapat na dahilan na 'yung gwapo ka para ganituhin mo 'ko?!”

Saan ba nanggagaling ang energy ng babaeng 'to? Tsaka bakit ba kanina pa siya nananakit?

“Sino ka ba?" Ani Zedrick sa baritonong boses. Halata ang pagkairita sa boses niya. Gumuhit ang pagkabigla sa mukha nung babae. Halata din ang pagkapahiya niya.

“A-anong sabi mo?! Ang yabang mo!"

Lumapit siya kay Zedrick para itulak 'to. Nagsimula na din aking mainis. Paulit ulit niya pang itinulak si Zedrick.

“Ano? Huh! Ano sumagot kaaa!"

Ano bang pinaglalaban niya? Todo tulak pa siya. Kahit na pinipigilan na siya ni Zedrick todo tulak pa din siya. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao.

Napahugot ako ng malalim na hininga at saka lumapit ng mas malapit pa dun sa babae. Magsasalita na sana ako pero ako naman 'yung nakita nung babae.

“At sino ka naman?! Sino ka para lumapit kay Zedrick ko? May gusto ka ba sa kaniya? Ako lang ang pwedeng magkagusto sa kaniya! "

Napakuyom ang kamao ko nang malakas na itulak niya din ako. Sira na ba ulo niya? Gusto kong maging mabait pero sinong hindi maiinis sa ginagawa niya?

“Gusto mo 'ko? AHAHAHAHAHA!" Nagpakawala ng sarkastikong tawa si Zedrick. “Nakakadiri." Dagdag niya kasabay ng pagseryoso ng mukha.

*PAKKK!*

“I hate youuu!"

Malakas na sampal ang tinamo ni Zedrick na sinundan pa ng malakas na pagtulak na ikinainit ng ulo ko. Napaupong muli sa damuhan si Zedrick, kasabay ng pagtingin ng lahat sa amin.

Gigil na napatingin ako dun sa babae. Talaga proud na proud pa siya sa ginawa niya. Namumula din ang mukha niya.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Inis kong sogaw dun sa babae.

Agad na lumapit ako dun sa kanya at saka siya buong lakas na itinulak dahilan para mapaupo din siya dun sa damuhan. Nanlilisik ang matang tiningnan niya ako. Hindi siguro siya makapaniwalang itinulak ko siya.

Tss. Kanina ko pa gustong gawin 'yun.

“What the hell? Anong problema mo!"

Ako pa talaga?Ikaw anong problema mo? Tama bang manakit ka ng tao?"

Kung gusto niyang mapansin siya nang taong gusto niya dapat  umaakto siya ng tama. Hindi 'yung kung ano-anong ginagawa niyang hindi nakakatuwa. Nakakasakit pa siya ng iba.

“Ano naman sa'yo? Pwede huwag kang makialam?"

“Paanong hindi ako makikialam, sinaktan mo lang naman 'yung kaklase ko!!” I even pointed at Zedrick na nasa may tabi ko na.

“Ano naman kung saktan ko siya? Can't you see that he's the one who hurt me first? Kanina niya pa ako iniignore!"

Napapikit ako sa asar. “Sinabi niya na kasi kaninang hindi siya interesado pero napakakulit mo. Ginusto mo talagang paulit ulit ka pang masaktan."

“Ako pa ngayon? Dapat kasi binigay niya nalang 'yung hinihingi ko! Ang simple lang naman nun eh--."

Pinutol ko siya. “Kapag ba may nanghingi ng personal information mo tapos hindi mo gusto, anong gagawin mo? Irereject mo diba? Ganon lang din 'yung ginawa niya."

“Wala akong pake! Umalis ka sa harapan ko, tigilan mo 'yang pakikialam!"

Pinanlakihan niya pa ako nang mata. Anong akala niya matatakot ako sa kaniya? Neknek niya! Akmang susugod siya sa'kin pero humarang si Zedrick.

“Kanina pa ako naiirita sa'yo. Huwag mong hintaying patulan kita." Aniya.

Dumating sina Tim, kasama sina Zero. Agad na humarang sila sa may pagitan namin. Ganon din ang ibang Class Z. Pinapalibutan na kami ng ibang estudyante.

“Anong nangyayari dito Zedrick? Need mo resbak?" Wika ni Warren na pinanlalakihan ng mata 'yung babae.

“Kaya ko na 'to, tol." Seryosong sagot ni Zedrick pero biglang sumugod si Corine palapit dun sa babae. Sasabunutan niya 'yon! Nakuuu.

Buti nalang napigilan ni Achylis. “Corine, stop it!"

Nagpumiglas siya kay Achylis, nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin dun sa babae. “Put your hands off meee! I saw what she did! Kanina pa 'ko naiirita sa face ng babaeng 'yan. How dare her?"

Napanganga ako habang pinapanood sila. Hindi ko alam na sobrang nagki-care din pala si Corine kay Zedrick. Akala ko puro kaartehan lang siya mali pala ako.

“George okay ka lang?” tanong ni Tim na nasa tabi ko na. Tumango lang ako bilang sagot. Napasukyap aki kay Gray na biglang lumapit sa akin. Pakiramdam ko may gusto siyang sabihin.

“Class Z? Kayo na naman?”

Ayan na siya. Gandang bungad.

Napasimangot ako habang nakapanood kay Mrs. De Villa na kararating lang. Nakataas ang isang kilay niya habang isa-isa kaming tinitingnan.

She even looked at us na parang alam na alam na niya 'yung nangyari.

“Omg! Ayan na si Mrs. De Villa!"

“Sigurado akong mapaparusahan 'yung Class Z AHAHAAHA!"

“Palengkera kasi."

Kami na naman. Gusto kong umasa na this time kami naman 'yung papakinggan pero huwag nalang.

“Ma'am! Itinulak niya po ako. Wala naman akong ginagawa!"

Napaawang ang bibig ko bago inis na tiningnan 'yung babae. Lintek, ituro ba naman ako? Kasalanan ko na naman? Nauna kaya siya!

“Oh, Ms. Noburi?"

“Opo, itinulak niya 'ko! Siya, siya lang 'yung tumulak sa'kin!"

Nabaling ang paningin sa'kin ni Mrs. De Villa. She looked at me from head to toe.

“Hindi kasalanan ni George!" Giit ni Zedrick. Halatang naiinis siya.

“Oo nga, kasalanan ng babaeng 'yan desperada kasi!"

“Maging fair naman kayo!"

Sinundan pa 'yun ng ibang Class Z. Natutuwa ako pero mas nangingibabaw 'yung kaba. Parang alam ko na ang kalalagyan ko neto.

“Silence!" She even 'shh' us. “Ms. Noburi, alam mo naman siguro ang consequences ng ginawa mo 'diba? Sinabihan na kitang maging maayos na estudyante pero hindi ka sumusunod. At ngayon nanakit ka na naman, nagsimula ka na naman ng gulo--."

“Hindi po si George 'yung nanguna!" Pagsingit ni Tim.

“I said QUIET!"

Nanlambot ang tuhod ko sa kaba nang sumigaw siya. Maging 'yung ibang estudyante ay natahimik din. Sinenyasan ko sina Wavin na huwag na. Balak pang makipagtalo baka sila pa ang madetention.

“At dahil nga ginulo mo ang event na 'to, inaatasan kitang pumunta sa detention ngayon din para pagbayaran ang ginawa mong panggugulo."

Nakuyom ko ang kamao ko. Bakit ako?

“Mrs. De Villa, ako nalang ang idetention niyo--." Akmang sisingit si Zedrick pero pinigil ulit siya ni Mrs. De Villa.

“Si Ms. Georgina ka ba? Ang sabi ni Ms. Patricia ay siya lang ang nanulak sa kaniya."

Tumango tango 'yung babae bilang pagsangayon kay Mrs. De Villa. Naiirita ako. Ngumingiti ngiti pa siya sa akin.

“Now, go to the detention. You're not allowed to leave,  not until mag8 pm."

8 pm? Eh 4 pm na ngayon eh! Tsaka ang dilim daw sa detention room kapag ganoong oras dahil walang ilaw. Shutaaa! Gusto ko biglang magreklamo.

“What are you waiting for? Gusto mo bang dagdagan ko pa ang parusa mo?"

Nakuyom ko ang kamao ko. Tiningnan ko sina Wavin na nasa gilid. They're looking at me na parang naaawa sila sa kalagayan ko. Even Zedrick I can see that he feel sorry for me.

Napabuntong hininga ako. “Pupunta n-na ho." Sagot ko sa kabila ng sama ng loob.

“Good. Dalhin niyo siya."

Sinenyasan ni Mrs. De Villa 'yung dalawang lalaki from Class A na agad pumunta sa magkabilang gilid ko para dalhin ako sa detention room. Hanep, para akong kriminal kung ituring.

“Kelangan ba talagang ganito?"

“Bakit kayo ganyan!"

“HINDI KASALANAN NI GEORGE!"

Nagrereklamo na din 'yung ibang Class Z. Medyo nakakatuwa kasi kinakampihan nila ako.

“Nagrereklamo kayo? Gusto niyong alisin ko ang section niyo?" Pananakot ni Mrs. De Villa na nakapagpatahimik sa kanila.

Iba na talaga. School pa ba talaga 'to?

Habang naglalakad ako nakita ko pa sina Yvo, Tristan at Louis, maging si Nero. They we're looking at me seriously, maliban nalang kay Tristan na may awa akong nakikita. Lahat ng tao sa Noblesse High, nakatingin sa'kin pero wala akong dapat ikahiya. Dahil alam kong wala akong ginawang masama.

“You really are unfair. Huwag kang magtataka kung isang araw wala ka na dito."

Napaawang ang labi ko nang marinig si Zero na magsalita. Si Mrs. De Villa 'yung kausap niya! Teka? Anong nangyayari dun?

Lilingon pa sana ako pero pimigilan ako ng dalawang lalaki na naghahatid sa'kin. Inis na sinamaan ko sila ng tingin.

Bakit ba kasi ganito? Para akong kriminal kung tratuhin.

Continue Reading

You'll Also Like

44.8K 2.8K 39
[COMPLETE] Azalea Rieko and Kleon Ace Labera Ang akala ni Azalea mananatili ang mundo niyang tahimik at dati'y walang pakialam sa mundo, walang paki...
41.8K 1.3K 46
Sila ang mga taong may iba't-ibang ugali pero nagsasama-sama sa iisang school at ang masaklap sa iisang classroom pa. Walang ibang ginawa kundi magba...
483K 1.9K 6
Kung hindi niyo pa nabasa ang season 1 neto wag niyo na itong buksan dahil maguguluhan lang kayo. Kaya mabuti pa basahin niyo muna yun pero kung naba...
155K 3.4K 59
Si Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker...