Marriage Booth
“Waaahh!”
Ang ingay! Ano kayang pinagkakaguluhan nila?
Sumiksik ako sa kumpulan ng estudyante. May nagagalit pa sa'kin, walang humpay na sorry tuloy ako.
“KYAAAHH! KISSS!"
Ay. —_—
Akala ko kung ano na. 'Yung booth pala ng Class A, marriage Booth. Jusme, andaming tuwang tuwa. Tuwang tuwa sila hindi naman gumagana 'yung fake marriage na 'yan, minsan depende pa. Kahit pa ikasal ka sa crush mo o sa boyfriend mo, hindi naman nun map-predict 'yung future.
Sayang pinunta ko dito. Makaalis na nga.
Napailing ako nang makitang nagkiss sa lips 'yung couple, siguro magjowa sila kaya ganon.
Eeeeh. “Padaan po."
“Daan ng daan!" Reklamo nung isa. Napangiwi ako pero agad ding ngumiti.
“Sorry, makakalabas na ako. Konti nalang."
Inismiran pa ako. Hanep. Tss, Boring kaya nung pinapanood Nila. Napapagpag ako sa damit pagkalabas sa kumpol ng tao. Yung isa kasi naglalagay ng harina kanina, nadamay pa 'ko.
Tss, saan na kaya sina Timothy?
Katatapos ko lang maglinis, hindi pa ba sila tapos?
Kahapon kasi nung nadetention ako pinarusahan din pala ang Class Z, pinacancel 'yung booth namin tapos inatasan pa kaming maglinis tuwing hapon at umaga habang may event. Sayang 'yung booth buti nalang nabenta 'yung mga gawa namin. Medyo nabalik naman 'yung effort namin kahit papaano.
Speaking of effort, tinodo na ata nina Timothy ang paglilinis. Hindi ko na makita, nasa ibang dimensyon na ata.
Palinga linga ako pero walang makitang Egg Warriors, saan na kaya sila?
“George girl!”
Si Nadya 'yun.
Nilingon ko siya at tama nga ako. Nagtatatakbo si Nadya palapit sa akin, kasama niya sina Corine na pawang naglalakad lang. May dala dala silang paperbags na hindi ko alam kung para saan.
“Uy, ano?”
Nameywang pa siya pagkaratIng. “Come with us."
Huh? “Bakit?”
“Basta!"
Nudaw'yon? Ayaw sabihin. “Pero baka kasi hanapin ako nina--.”
“Hindi 'yan, tara na.” wika ni Nadya na may kasama pang pag-irap.
Napangiwi ako at saka sumama sa kanila. Huwag lang talagang kalokohan, panotin ko sila.
Ano namang ginagawa namin dito sa building namin?
Dumiresto kamo sa building namin paakyat sa may CR, hindi nalang ako nagsalita pero naguguluhan na ako talaga. Busy din kasi sila sa pag-uusap. Masabihan na naman akong epal.
“Oh, here."
Maang na napatingin ako kay Nadya nang iabot niya sa akin 'yung isang paperbags. Ngayon ko lang napansin na dalawa pala ang dala niya.
“Anong gagawin ko dito?”
Sinilip ko 'yung laman, may puting tela akong nakikota. Aanhin kaya 'to?
“Kainin mo, dzuh.” - Corine.
Nambara pa, psh.
“Eh? Nakakain 'to?"
“Ang eng eng mo naman! Malamang isusuot 'yun. Dress nga eh." Bwelta niya.
Dress? O_O
“Bakit naman ako magsusuot ng dress?”
—_— - mga mukha nila.
They look so done. Si Nadya lang 'yung natawa.
“Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mindy.
“May marriage Booth kaya!" Dagdag pa ni Olyvia.
Napataas ang kilay ko. “Ano naman kung may marriage booth?”
Hindi ko sila magets.
“Myghad! Paano kung mapunta kayo ni Zero sa marriage booth? You're going to marry him I that lousy outfit?" Maarteng wika ni Corine.
Muntik na akong masuka. Jusko. Anong sinasabi niya? Kadiri ha. Bakit naman niya naisip na mapupunta ako sa marriage booth at ikakasal kay Zero? YAAAK HA!
“Oh, nagmamature ka na.” papuri ni Nadya kay Corine.
Patay na patay siya kay Zero ih. Nyare? Tapos sa'kin pa inasar, tss.
“Not bitter na?” tanong ni Olyvia.
Ngumisi si Corine, inikot ikot niya pa 'yung dulo ng buhok niya sa daliri niya. “Dzuh, may iba na akong gusto no." Nagfliphair pa talaga!
Ayun naman pala, may iba ng gusto! Wait, hindi kaya?
“Si Achylis?”
Napatigil sa pagiinarte si Corine. Medyo namumula pa siya. Teka, totoo ba?
“Pinagsasasabi mo? Magbihis ka nga dun!"
Aray ko pu! Itulak ba naman ako sa loob ng cubicle. Shuta. Kinatok katok ko 'yung pinto pero nakalock na.
“Hindi ko 'to isusuot!"
*BLAAAG!*
Napaatras ako nang kalabugin nila nang mas malakas 'yung pinto.
“Isusuot mo 'yan o ikukulong ka namin diyan forever?”
Aisssh! Oo na nga isususot na! Agad kong kinuha 'yung dress dun. Disente naman siyang tingnan. Kulay white, medyo puffy 'yung may shoulder part pero okay na din naman.
Hayy, nakakaasar. Hindi naman kasi kadress dress 'tong Marriage booth na 'to. Tss, itapon ko kaya? Tapos 'yung jacket at jogging pants nalang isuot ko kekeekekek~.
“Mahal ang bili ko diyan.”
Itatapon ko na e tapos biglang nagsalita si Nadya. Naguilty ako bigla. Sige na nga, isusuot na!
“Tapos na!" Sigaw ko.
“Sure?" Boses ni Mindy.
Jusko. “Oo nga!" Kulit ha.
Binuksan na nila 'yung pinto, nakalock kasi sa labas hindi ako makakatanggi.
“Oh, that suits you well…” dahan dahang bumaba ang tingin nila sa paa ko. “… .not.”
Ano pati 'tong sapatos ko?
“Okay na 'to!” akmang lalakad na 'ko palabas pero pinigil nila ako.
“Iwww, baduy." Ani Corine na animo'y diring diri.
I sarcastically smile at her. “Ako naman susuot ah!"
Daming paek-ek.
“No way! Ang gaganda namin tapos ikaw ganiyan?" Olyvia eye me from head to toe.
Napanguso ako. “Makapanglait naman."
Nagiging mabait ba talaga sila o trip trip lang nila?
“Here, wear this."
Iniabot sa'kin ni Olyvia 'yung isang heel na agad na tinanggihan ko. “Ayoko, okay na ko dito.”
“Itutuktok ko sa'yo 'to." Wika ni Nadya na inigaw pa kay Olyvia 'yung isang pair. Ang harsh, tss.
Tongono, heels heels pa.
“Eto nalang.” inabot sa'kin ni Mindy 'yung shoes na white. Simple lang pero elegante 'yung dating. Napabuntong hininga ako bago kinuha 'yun. Okay na siguro 'to.
“Yan, susunod ka! We're older than you kaya." ani ni Corine.
Pinagtitinginan kami ng mga tao!
Gusto ko biglang magtago. Hindi ko maintindihan kung humahanga ba sila o naaasiwa sa itsura namin. Sabi na kasing ayokong magdress ih, nandadamay pa. Iba iba pa kami ng color ng dress, may red, blue, black at pink tapos ako nakawhite. Mukha kaming powerpuff girls na hinaluan ng power rangers. -,-
Ayun 'yung Class Z! Nakatingin na din sila samin. Pati na sina Zero. Nakakailang kaya umiwas ako ng tingin, bakit ba ako naiilang? Jusme.
“Hi."
Napahinto ako nang may humarang na dalawang lalaki sa akin. Base sa suot nila tagaClass B sila. Hindi ako sumagot at sa halip ay tiningnan lang sila. Ngiting ngiti pa 'yung isa, saya yan?
“Kanina ka pa namin tinitingnan." pagsasalita ni B1.
Napataas ang kilay ko. Oh, tapos?
“You're cute. Pwedeng bang hingin ang number mo?" B2 na inaabot sa'kin 'yung cellphone niya.
May sarili naman silang number, bakit nila gustong kunin 'yung number ko?
“Uhmm?" - B1 at B2 na naghihintay pa rin.
Napatikhim ako bago sumagot. “Pasensya na, brad. Wala akong cellphone.”
Nilampasan ko na sila after sabihin 'yun. Nagtatakbo na ako pasunod kayna Corine pero pinigil na naman nila ako.
“Number lang e!"
Kulit! “Eh, sa wala nga akong cellphone!"
Totoo namang wala akong cellphone na kay Wavin 'yung phone ko hiniram kanina. Maglalaro daw siyang talking angela.
“Maniwala ako sa'yo. Dali na."
Mapilit pala 'to eh. Hayy susme.
“Oy si George, ginugulo!"
“Tulungan natin!"
“NANDYAN NA 'KO!"
Naririnig ko pa 'yung boses ng mga Egg Warriors. Medyo malayo pa ako sa kanika pero syempre andun si Wavin.
“Ibibigay mo 'yung number mo o…"
Hinawakan ako sa buhok! Sinabunutan ako ng walanghiya.
Sinamaan ko siya ng tingin at saka napahinga ng malalim. Naiinis na 'ko kanina pa. Hindi ko na napigilan ang sarili at saka buong lakas na inumpog 'yung noo ko sa ulo niya. Sinigurado ko talagang malakas kaya hindi na nakakapagtaka na mapaatras siya.
Nakahawak siya ngayon sa noo niyang namumula. Nanlilisik pa talaga ang mga mata niya. So, kasalanan ko pa?
“Siraulo ka!"
Bago pa man makalapit sa'kin 'yung lalaki ay nakasingit na si Gray.
“Back off kung ayaw mong balian kita ng buto."
Maang na napatingin ako sa kaniya. Kanina lang andon pa siya, ang bilis naman niya. Pero seryoso 'yung pagkakasabi niya non. Mukhang natakot 'yung dalawang lalaki kay Gray, biglang nagtatakbo.
“Wala pala sila e!"
Hmp, sabunutan pa ako.
“Are you alright?” binalingan ako ni Gray na may halong pagaalala.
Nagthumbs up ako sa kaniya. “Oo, oks lang ako."
Kayang kaya ko naman sana 'yun e, kung hindi lang ako nakadress. -.-
“Georgee!"
“OKAY KA LANG?!"
Humahangos na dumating sina Timothy. Pawisang pawisan pa sila na animoy naakalayo ng tinakbo.
“Oo, oks ako.”
“KUNG NAABUTAN KO SILA LAGOT SILA!”
Napailing nalang ako kay Wavin.
“Oo nga! Pwet lang nila ang walang latay.”
Susss. “Okay nga lang ako. Tsaka dumating naman si Gray.” nilingon ko si Gray. “Salamat ha."
Gray just smiled at me. “It's nothing."
Mula pa kahapon hindi ko pa siya nakakausap about dun sa nangyari. Gusto kong magtanong pero binalaan ako ni kuya, huwag na daw akong makialam dahil baka usapang panglalaki 'yun.
“Tara na dun."
Pumunta na kami sa kung nasaan ang lahat. Nakatambay sika dun sa may bilihan ng mga pagkain. Lamon ke lamon pa sila, naexcite tuloy ako. Dumiretso agad ako sa bilihan ng Ice cream.
“Ang takaw talaga.” rinig kong sabi ni Kin pero hindi ko nalang pinansin.
Bumili ako ng ice cream na chocolate ang flavor. Eto namang si Wavin gaya gaya, gusto pa mauna. Naalala ko tuloy 'yung encounter namin sa simbahan.
“Psst."
Kunot noong tiningnan ko si Warren.
“Oh?" Sagot ko na busy pa din sa pagkain.
“Anong problema niyong mga babae at nagdress kayo?"
Problema? Pfft. Nagdress lang, may problema agad?
“Wala naman pinilit lang kasi ako nung apat, sisihin niyo sila!"
Itinuro ko sina Corine na kasama sina Zedrick, Achylis at Jacob. Nagaaway 'yung grupo nila. Si Nadya lang 'yung tahimik.
Napangisi ako nang makitang namumula si Corine habang kausap si Achylis. Baliktad na ngayon ang sitwasyon, si Achylis na ang mapangasar. Tsaka hindi na mukhang may hika! Umaayos na 'yung pananamit niya. Kaya siguro nagkakagusto si Corine sa kaniya hihi.
Maging kupido kaya ako? Pero baks sisihin ako kapag hindi nagkatuluyan sa huli kaya wag nalang. -.-
“Para ka namang tanga, George."
Aba't. Inirapan ko si Tim. “Bakit ka ba ngumingisi diyan? Panghorror kaya!"
“Dami mong alam, kumain ka nalang!"
Hiyang hiya naman sa pagmumukha niya.
“Magmovie booth tayo!” aya ni August.
“Arat!" Agad na sangayon ni Donald na sinundan ni Peter.
“Sama ako!"
Nagkasundo silang tatlo papunta sa movie booth. Nagpaalam pa sila kay Zerp bago umalis. Wala e, tatay kasi nila 'yun.
Pinayagan naman sila ni Zero na busy sa pagkain ng popcorn. Parang bata. -,-
“I'll just do something." Rinig kong wika ni Gray, kausap niya sina Zero at Archer.
“Alright, make it fast.” sabi ni kuya mo archer. Pfft, mukha silang magasawa.
“Ngumingiti ka na naman!" - Tim.
“KATAKOT KA NA HA!" Ani Wavin.
“Bakit ba palagi niyo nalang akong napapansin?”
Ngumisi pa si Tim. “Syempre maid ka namin."
Maid?
“Anooo?!" Pinandilatan ko siya ng mata.
“Ang ibig kong sabihin…" lumingon siya kay Wavin na animoy nanghihingi ng resbak
“PRINSESA KA NAMIN! OH, NAKADRESS KA PA. TAMANG TAMA! HINDI KA NA BINATA, DALAGA KA NA---ARAYYY!”
Sabunutan ko nga. Nangiinis na naman.
“SORRY AHAHAAHA!"
Sabay pa talagang tumawa. May nagsosorry bang ganiyan? Papanotin ko na talaga sila.
“Hey.”
May kumulbit sa'kin.
“Hm?"
I look at Gray. Mukhang paalis siya. Saan naman kaya punta nito?
“Aalis muna ako. Tell me if may umaway sa'yo.”
Natigilan ako. Bakit siya nagpapaalam sa'kin?
“Ahehehe.. Sige.” sagot ko nalang kahit naguguluhan. Tipid na ngumiti siya bago umalis.
Ano kaya 'yun? Aisssh, yae na nga. Maya ko nalang isipin. Andami ko pa ngang iniisip ngayon e, katulad nalang nung mysterious girl na medyo creepy. Pero mamaya nalang kakain muna ako.
“Ang takaw talaga."
Tinaasan ko ng kilay si Zero nasa nasa gilid ko na kasama si Archer na tahimik na kumakain.
“Naiinggit ka? Edi magtakaw ka din.” hawak ko sa kabilang kamay 'yung popcorn tapos may Burger at fries naman ako sa kabila. Kulang pa nga 'to e, inaantay ko pa 'yung binibili nina Tim na cola.
“Tss."
Nagsusungit na naman ang lolo mo. Ano kayang problema nito't lumapit sa'kin? Wala na kaya siyang pambili?
“Oh."
Inabot ko 'yung popcorn sa kanya. Mukhang trip niya kanina e. Kaso ang walanghiya tinitigan lang!
“No thanks.”
Tumanggi? Edi wag.
Si Archer nalang aalukin ko. Buti pa siya kumuha. Hindi ko na uli pinansin 'yung impaktong diet ats.
“Excuse me ikaw ba si Georgina from Class Z?"
Nasa harap ko ngayon ang dalawang lalaki from Class A. Maang na napatango ako. Ano na naman bang ginawa ko?
“Sumama ka sa'min."
O_O
Pinosasan ako. Putanginams.
“Teka, ano 'to? Kumakain 'yung tao oh!”
Ang bastos naman. Kapag lang talaga natapos 'tong kinakain ko naku.
“What is this?”
Andito nga pala si Zero. I helplessly look at hime. Sana tulungan ako.
“Why do you have to do that?” tanong ni Archer.
Oo nga! Bakit kelangan nakaposas ako?
“Siya na 'yung sunod na ikakasal.”
IKAKASAL?!!
“Anong sabi mo?"
“Kanino naman?”
“BAKITT?!"
Kaniya kaniyang comment 'yung mga egg warriors. Napalapit pa sila sa amin. Hindi makapaniwalang nakikinig lang ako sa sinasabi nila. Ayaw magsink in ng lahat sa akin.
“Kanino siya ikakasal?" Tanong ni Waren.
“Kayyy…"
May kinuha siya sa bulsa niyang papel. Binuklat niya 'yun at saka ipinakita sa amin. Agad na nanlaki 'yung mata ko pagkakita sa nakasulat.
“Kay pres." Sagot nung lalaki habang nakataas pa din 'yung papel. “Kay Yvo siya ikakasal." Dagdag pa niya.