Corine's birthday celebration
“Congratulations, Class Z!" Pagsigaw ni Spade na ikinasayaw ng mga egg warriors. May paconfetti pa.
Napangiti ako.
Panalo kami!
Nanalo kami sa dance competition, solo and group. Tapos parehong second place sa singing competition. Pero kahit second place kami, icecelebrate namin 'yun! Dzuh, buti nga kami naka2nd 'yung iba nga hindi nakapasok.
Nandito kami sa resort ni Lolo M. Nang malaman niya na nanalo kami ay dito kami pinadiretso lahat. May palechon pa! Shalaa. Iba talaga si Lolo.
“Congrats!" Paglapit sa'kin ni Spade.
“Salamat." Ngumiti ako.
“Sayang hindi ko napanood 'yung performance mo." Aniya. Napakamot ako sa ulo.
“Nako, buti nga hindi niyo napanood!" Agad kong sagot na ikinakunot ng noo niya. “Ang ibig kong sabihin… para lang akong natula kaya huwag na!"
Nagpeke ako ng tawa. Kapag nalaman nila 'yung nangyari, ewan ko nalang.
“Why not? I saw you giving your 100% when practicing so I think it came out the best."
Sus, nambola pa. “Nambola ka pa. Tss."
Napatawa siya dahil don.
“GUYSSS! GINAGAWA NIYO DIYAN!"
Bunganga talaga ni Wavin. -.-
“PUPUNTA NA!" Sigaw ko pabalik.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Spade bago napailing. Naglakad na kami pabalik. Gusto ko lang namang magsight seeing kaso ang daming epal. Hmp, next time na nga lang.
Dumiretso ako sa may kalapit ni Lolo M, kalapit ni Gray. Dire-diretsong umupo ako don.
“Ayy, nakakapagod palang tumayo!" Naibulalas ko nalang.
Walang tigil sa paglakad, ansakit ng mga binti ko. T_T Kinapa kapa ko 'yung binti ko. Kumikirot talaga, ayaw paawat.
“Paanong hindi! Tagal MO kayang nakatayo kasama si Tristan sa stage kanina."
Aba't. Siraulo 'tong Timothy na 'to. Pinaalala pa, ayos na nga. Game over na e, sisimulan na naman. Hindi na naman tuloy magkandamayaw ang mga mata ng mga Egg Warriors na hilaw. Akala mo kung inaano.
“Kasalanan ko? Hindi ko kasalanan 'yun, uy!"
Peksman, mamatay pa si batman. Kasalanan 'yun nung mga babae. Pinaglololoko ako.
“Kasalanan mo pa rin! Sumama ka e, napakapaniwalain mo." Bwelta pang muli ni Tim.
Pinalakihan ko siya ng mata.
“OH, BAKIT?!" - Tim, hindi ko na alam king seryoso ba siya ngayon o nantitrip lang.
I glared at him. “Laki ng mata mo." Pabulong kong sagot.
“ANONG SABI MO?! WAVIN, OH!"
Nagsumbong pa! “Sige, magsumbong ka! Paguntugin ko pa kayo!"
Anong kala nila? Tsk. Pinalaki kaya akong palaban ni mama at kuya.
“Anong nangyayari dito?" May pagtikhim pang wika ni Lolo M.
Ayan na, napansin na tuloy! Napaiwas ako nang tingin kay Lolo M. Mukhang mangangain na naman. May kung ano sa tingin niya, mukha siyang may lie detector sa katawan.
“YAN KASING MAGALING NIYONG ESTUDYANTE, LOLO! NAKIPAGKAIBIGAN SA KAAWAY NAMIN!”
Galing. Napanguso ako nang tingnan ako ni Lolo M tapos si Wavin. Makasumbong naman kasi. May pagtayo pa't pagturo. Sampalin ko utak nito eh.
“Wala akong ginawang masama."
Unahan ko na. Alam ko namang dun din ang punta non. Kung sabihan nila akong bida bida, okay lang. At least nasabi ko 'yung side ko.
“Dzuh!" Maarteng komento ni Corine sa sinabi ko.
“Totoo naman. Wala akong ginawang masama."
Nakapagisip isip ako kanina. Hindi ko alam kung bakit may nararamdaman ako na guilt. Kung para kanino 'yun. Kung sa Class Z ba o para kay Tristan. Pero isa lang ang alam ko, wala akong pinagsisihan sa naging desisyon.
Hindi ako nagsisisi na tinanggap ko 'yung bulaklak ni Tristan, as a sign of kaplastikan lang naman namin 'yun sa isa't isa. Kasi nga friends na kami. Pero hindi naman ibig sabihin na friends na kami ay kayna Tristan na ako kakampi.
“Really?"
Nilingon ko si Zero, nakatayo siya sa may kabilang gilid ni Lolo M. He seems amuse of what I'm going to answer. Siguro tinitingnan niya kung mababago 'yung sagot ko.
Napalunok ako bago sumagot. “Oo, wala."
“Wala?" Gray scoff. Nasa may kalapit ko nga pala siya. “Kaaway natin siya! Tapos kinaibigan mo! Tss." Frustrated niyang wika.
“Kinaibigan ko dahil nakipagkaibigan sa'kin." Madiin kong sagot.
I don't get Gray these days. Napakamainitin na ng ulo niya. Kung ano ano nalang ang lumalabas sa bibig niya. Madalas din na nagtatampo nalang siya sa hindi ko malamang dahilan. Hindi naman siya ganito dati, napakamaingat niya sa actions especially sa words niya.
Anyare? Nahipan ba siya ng masamang hangin o nakahithit ng tawas?
“Kahit alam mong hindi dapat?"
Hindi dapat?
“Bakit mo nasabing hindi dapat?" Agad kong sagot. Napaharap na ako sa kaniya. Nakikinig lang din naman ang iba sa amin.
“It's not right because he's our enemy."
Napangisi ako sa sagot niya. “So just because he is 'our enemy' we cannot be friends with him? Kahit minsan ba hindi ka nagkaroon ng realization na what if we became friends with them, it probably will make things better."
Dumilim ang aura ni Gray. Tiim bagang na tiningnan niya ako.
“Better? You've got to be kidding me." Nanunuyang aniya.
Aba't! Napatayo ako sa kinauupuan ko. “Bakit ka ba nagkakaganyan ha? Magkaliwanagan nga tayo!"
“Astair, Gray."
Nangibabaw ang boses ni Lolo. Napalingon ako sa kaniya. “That is enough.”
Napaupo ako pero na kay Gray pa rin ang tingin ko.
“Si Gray kasi lolo!"
Si Gray kasi abnoy.
He hissed at me. “Ako pa? Why not talk to yourself?" Mukhang annoyed siya.
“Bakit ko naman kakausapin ang sarili ko? Anong tingin mo sa'kin baliw?"
“Uh--not really.”
Jusq. Akala niya ba ay nakikipagbiruan pa ako sa kaniya? Myghad. Hindi niya ba nakikita na seryoso ako dito. Sobrang seryoso ko na nga e.
“Nakuuu, Lolo oh!"
Itinuro ko pa siya sabay tingin kay Lolo M na pangiti ngiti lang habang umiinom ng tsaa. Isa pa 'tong si Lolo, hindi naman ako nakikipagbiruan. -,-
Napatigil ako sa pagsusumbong nang biglang tumayo si Gray. “Ewan ko sa'yo."
O_O
Nagwalkout na naman! Waaah, grabe! Iba. Hindi ko mareach 'yung level ng kasupladohan niya. Ang taas, grr!
“Kita niyo po 'yun? Pektusan ko na 'yon."
Napacross arms ako.
“Kasalanan mo naman kasi." wika ni Kin habang nakataas ang kilay. Isa pa siya. “Masyado kang papansin."
Papansin? Maang na tiningnan ko siya.
“Kung nananahimik ka nalang kasi sa isang tabi edi sana walang gulo ngayon. Sabit ka na nga lang ang hilig mo pang gumawa ng gulo, ibang klase ka."
Sasagot na sana ako pero biglang nagsalita si Warren. “Oo nga. Hindi na kita maintindihan."
“Tekaa, bakit parang kasalanan ko?"
Napaturo ako sa sarili. Ako na naman?
“Kasi kasalanan mo! Dzuh." Sagot ni Corine.
“Anong masama sa ginawa ko---."
Pinutol ni Zedrick.
“Tsk, ewan ko sa'yo. George."
Nagwalk out na din sila matapos sabihin 'yun. Naiwan lang ako dito na hindi makapaniwala. Mahirap bang intindihin 'yung point ko? Napakahirap naman nilang paliwanagan.
“Ikaw kasi e.." Biglang wika ni August.
Disappointed na tiningnan ko siya. “Pati ba naman ikaw?"
Napatikhim siya. Tumango tango ako. “Sabi ko nga." I awkwardly smile.
Epal na naman ang role ko sa Class Z. Nagkakaisa na naman sila. Sino ba naman ako para kampihan diba? Tiningnan ko sina Zero, na naiwan, pati sina Lolo M.
“Hindi niyo kasi ako naiintindihan." Wala sa sariling wika ko.
Gusto ko lang namang maayos na 'yung gusot sa pagitan ng Class Z at A. Alam ko na maraming nangyari sa kanila pero sana naman magkaroon sila ng kapatawaran.
“Anong hindi namin naiintindihan?" Tanong ni Zero. Nilingon ko siya. “Bakit mo nga ba ginawa 'yon, Noburi?"
Nagtama ang paningin naming dalawa. May halong pangaasar 'yung tono ng pananalita niya. Sinasadya niya ata akong tanungin para ipahiya.
“Ano bang ginawa ko?" Tanong ko pabalik.
“Aren't you aware?I asked you first, answer my question first." Aniya sa baritonong boses.
“Wala naman akong ginawa. Hindi ako aware na pakana pala 'yun ni Tristan. Pero kung 'yung pagtanggap ko sa pakikipagkaibigan niya, I'd say that I did it because I want to."diretsang sagot ko na ikinataas ng kilay niya.
“Ginusto mo?" Ani Timothy.
“O-oo! Bakit?" Taas noo kong sagot. “Masama ba?"
“KAAWAY NGA NATIN!" Wika ni Wavin. Nanlalaki ang mata niya.
“Porke kaaway hindi na pwedeng maging kaibigan? Kung ayaw niyo ng tahimik na buhay pwes ako gusto ko."
Napakatitigas ng mga puso nila. Tsaka ano bang pake nila? Ako naman ang makikipagplastikan hindi naman sila.
“Nalimutan mo na ba 'yung ginawa niya?"
Umiling ako bilang sagot. “Hindi ko nalilimutan. I just learned how to forgive." Sagot ko at saka sila tiningnan.
“Sana kayo rin."
NAIWAN kaming apat nina Lolo M dito. Sina Tim kasi parang batang nagtatampo. May papadyak pa bago umalis. Ang nandito nalang ngayon ay si Zero, Spade, ako at si Lolo M.
Ewan ko nga kung bakit hindi nalang din magwalkout 'tong si Zero. Naiinis ako sa pagmumukha.
“Naiintindihan niyo naman po ako diba, Lolo?"
Kinakabahan ako. Paano kung hindi tapos bigla nalang akong barilin ni Lolo M? Edi deds agad ako.
Hindi sumagot! Nangibabaw ang katahimikan. Tunog ng insekto, alon sa dagat lang ang naririnig. Pati sina Zero at Spade, prenteng nakaupo lang..
“Ano sa tingin mo, iha?" Seryoso siya nang sabihin 'yun. Namuo ang pawis sa noo ko. Shete. Bumubunot na sa bulsa!
Napatayo ako sa kaba. “L-lolo. Akala ko po ba sabay pa tayo sa pagtanda? Wala naman pong ganyanan."
Tulungan mo 'ko, Lord! Susme.
Tinaasan niya ako ng kilay pagkatapos ay pagbagsak na inilapag 'yon sa mesa. Napalunok ako. Punyetanginams.
“G-galit ka po ba? Sorry na, Lo!" Mangiyak ngiyak kong wika, piangtatawanan pa 'ko nina Zero at Spade. Mamaya sila sa'king dalawa.
Kita na ngang nasa bingit na ako ng kamatayan tapos ganiyan pa sila.
“Sorry na 'Lo!" Pinagdikit ko pa ang mga palad ko.
Maaga pa atang madededs. Huwag naman sana!
“BWAHAHAHAHAHAHAAH!"
Eh? Napahinto ako nang biglang humagalpak ng tawa si Lolo M. May paghawak pa talaga sa tyan. Anong nakakatawa? Maang na napatingin ako dun sa dalawang impakto. Aba't pangisi ngisi din!
“Am I joke?"
Am I joke or am I kidding?
Ayan, hindi ko na tuloy maconstruct ng maayos 'yung english ko dahil sa pagkalito. Mas lalo pa nila akong tinawanan. Kaasar.
“Hello? Am I joke to you?"
“Pfft."
“BWAHAHAAHAHHA!"
Kinginang malutong. So, mukha nga akong joke sa kanila? Napasimangot ako. Tinitigan ko lang sila. Tawa pa rin ng tawa. Magsasawa din kayo!
After 5 minutes, nagsawa din.
“Okay po tayo diyan? Saya?" Nakathumbs up kong sagot.
Gawin ba naman akong clown.
“Pasensya na iha." Seryoso na si Lolo M nang sabihin 'yon.
“Ayos lang, Lolo. Kayo pa ba. Lakas niyo sa'kin e. Pero sila?" Itinuro ko sina Zero. “Ewan ko nalang po."
Pinanlakihan ko pa ng mata sina Zero. Inirapan lang din naman ako.
“So, bakit po kayo tumatawa? Am I joke to you ba, Lolo?" Nagtatampo ko pang wika. Umiling iling si Lolo M, nagtatawa.
“Hindi."
“E galit po ba kayo?"
“Hindi rin."
Yown!
“Edi naiintindihan niyo po ako?"
Tumango tango si Lolo M. “Oo naman. Naiintindihan kita."
Nakahinga ako ng maluwag. Buti nalang talaga.
“Tss and here I thought you'll scold her, Lo." Wika ni Zero. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang epal epal, hindi naman kausap.
“Bakit ko naman gagawin 'yon? She did nothing wrong." Wika ni Lolo.
'Right." Pagsangayon naman ni Spade.
Agad na napaagree din ako. Sa wakas! Nakahanap din ng makakaintindi sa'kin!
“Everyone has their free will. May karapatan silang gawin kung ano ang sa tingin nila ay tama. And Astair, think that it's the right thing to do, befriending with Tristan. Wala akong kaso don."
Awww. Baka si Lolo M ko 'yan!
“We know that you all act as one. At gusto niyo na nagkakaisa kayo but don't forget that they also have their own opinions."
Tru! Hindi naman porke ayaw nila, ayaw ko na din. Sa isang pamilya nga hindi nagkakatugma tugma sa gusto. Pilit na nagkakaiba. Tapos gusto nila one for all, all for one kami sa pakikipagaway? Labo naman nila.
“Tsk." Tanging naisagot ni Zero.
-------------------------*-----------------
“Bakit mo ba 'ko hinahatid?"
Bente. Hindi benteng pera kundi benteng beses. Ganon kadaming beses ko ng tinatanong si Zero. Ganon karaming beses na din niya akong inignore.
May sa tuod ata 'to e, kala ko impakto lang.
“Hello? Ano? Wala ka talagang balak sumagot?"
Still no response. Nakapamulsa kang siya habang mayabang na naglalakad. Makapagyabang e no, lakad naman.
“HOYYYY!"
Tumakbo ako papunta sa harap niya at saka buong lakas na sumigaw. Napahinto siya dahil don. He look annoyed, sinamaan ko siya ng tingin. Nakatitig lang siya sa'kin matapos ko siyang sigawan pero maya maya rin ay biglang nagbago itsura niya. Bigla niyang tinakluban ang ilong niya at tila nababahuang tiningnan ako.
“Nagtoothbrush ka ba? Gross."
Punyetanginams. —_—
Inis na tinapakan ko ang paa niya. Buong lakas ko 'yun ginawa kaya napatalon talon siya sabay hawak sa paa. Napamura pa talaga. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Nakakatawa siya.
“Ano? Masakit?"
“Damn." Pagmumura niya.
Pinameywangan ko siya. “Ano sasagot ka na ba sa tanong ko sa'yo?"
“What question? You didn't even ask."
Whattt? Tinamaan ka ng impakto. Ang lakas lakas na ng boses ko. Ginagaya ko na nga si Wavin tapos hindi niya pala ako napansin?
Nagkakalokohan naman pala. Sayang 'yung pagiingay ko dito. Nabingi naman pala 'tong Zero na 'to.
“Ang sabi ko bakit mo 'ko hinatid?"
Napataas ang kilay niya. “Hinatid? Dream on, Noburi."
I scoff. “Hinahatid mo kaya ako ngayon! Edi kung hindi sana naiwan ka don sa nagpaparty diba?"
Naiwan pa 'yung iba sa resort ni Lolo M, actually lahat sila. Wala ng pumapansin sa'kin kanina dahil lasing na din sina Tim kaya naisipan ko nalang umuwi. Isa pa namimigay ng invitation si Corine para sa birthday niya na gaganapin sa Sunday. Bukod tanging ako lang ang hindi binigyan kaya mas mabuti pang umuwi, diba?
“I got bored."
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. “Weh?"
“Tss, tabi!"
Itulak pa 'ko. Langya talaga. Agad na sinundan ko siya. Ang bilis niya na ngayon maglakad, kanina lang para naglalakad sa buwan.
Sinundan ko nalang siya. Nangibabaw ang katahimikan. Tanging ang yabag ng mga paa lang ang naririnig. Nakapanood lang ako sa paligid paminsan minsan ay napapatingin ako sa likuran niya since nasa unahan ko siya.
“Tingin mo bakit nagagalit si Gray?"
Hindi ko na napigilan at natanong ang nasa isip. Nakakalito na kasi.
Akala ko hindi magsasalita si Zero pero nagsalita siya.
“Nagagalit siya sa'yo kasi antanga mo raw." Aniya.
Nanggigigil na inambahan ko siya ng suntok sa likod kaso biglang humarap. Agad kong ibinaba 'yung kamay ko at saka pilit na ngumiti sa kaniya. Patay malisya akong nagiwas ng tingin.
“Oh? Ano? Ba't ganiyan ka makatingin? Panget na panget ka na naman sa'kin, huh! Mas panget ka kaya!"
Pamatay 'yung tingin. Andyan na naman 'yung aura niyang parang leader ng sindikato na may halong bampira.
“This is exactly the reason why he's mad at you. You're so naive."
Naive? Sa paanong paraan naman ako naging naive? Halos lahat nga ng issue alam ko, naive pa?
“Hindi kita maintindihan."
Tumaas ang kilay. “It's because you're stupid."
Aba't! “Kanina ka pa!"
“Spitting facts." Mayabang niyang sagot. I gritted my teeth. Kahit kelan hindi talaga nawala ang kayabangan niya.
“Tss. Hindi niyo lang kasi ako naiintindihan. Akala ko pa naman maiintindihan niyo ako."
Napakanenega kasi.
“Gray doesn't understand you." Tiim bagang niyang sagot. Ano 'to? Kelangang ipamukha?
“I see."
Napabuntong hininga ako.
“Hindi ka niya naiintindihan." Muling wika niya.
“Unli ka? Ok na nga. Get's ko na---."
“He doesn't understand you but I do."
Natigilan ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin don? He was looking directly into my eyes. Iba 'yung tingin niya. Biglang kumabog ang dibdib ko.
“Tinitrip mo ba 'ko? Kanina lang nakikisama ka pa sa kanila tapos sinasabi mo 'yan ngayon?" Napasinghal ako. “Leader ka kaya nila, pinapaalala ko lang sa'yo!"
“That's because I didn't know your side. Things are different now."
Eeeeehhh?
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Totoo ba talaga 'to o panaginip lang?
“Okay ka lang ba?"
Lumapit ako sa kaniya at saka kinapa ang noo niya. Napaatras siya, nacaught off guard sa ginawa ko.
“What the fuck are you doing?"
“Wala ka namang lagnat. Tekaa, baka naman sinaniban ka? Tatawag na ba ako ng albularyo?"
Akmang tatakbo ako paalis para humanap ng albularyo pero nahawakan niya ang braso ko. Nacoconfuse ako sa nangyayari. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.
“Noburi."
“Ano?"
He stare intently into my eyes. Bahagya ring lumapit siya sa akin. “You're not dreaming. I really do understand you this time."
“Hindi ka nagbibiro? Mamatay ka man?"
Napangisi siya sa tanong ko. “I'm dead serious right now. Kung ayaw mong maniwala, fine. I'll help you clean your name with Class Z and Gray."